Chapter 2: Aveial

23.2K 284 9
                                    

TAPOS na rin sa wakas ang klase pero panibagong ingay na naman ang susuungin niya kasi sa student exit pa lang ng eskwelahan nila ay nakasandal na ang isang lalaking siguradong kanina pa nagaantay sa kanya. Agad na umaliwalas ang mukha at nagningning na ang mga mata nito.

"Rina!" ito lamang ang taong tangin tumatawag sa kanya ng ganoong pangalan. Agad siya nitong sinalubong ng yakap na halos ikatumba na niya kundi lang niya mabilis na naagapan sa tangkad at bigat nito sa tingin niya kung naiba lang siya malamang ay kanina pa sila natumba sa sahig palibhasa lang kasi sanay na siya rito.

Humiwalay na ito sa kanya at automatikong kinuha ang mga gamit niya. Kung marahil hindi mo sila kilala pareho ay aakalain mong mag-boyfriend sila... Ang kaso nga lang ay hindi naman, uh.. siguro?

"Hanep, dakilang alalay ka talaga ni Euey, Mr. President. baka naman gusto mong lubos-lubusin na at pati ang bag ko kunin mo na." hirit ni Reese na nasa tabi niya.

Kahit na marami pa ring mga estudyante na lumalabas sa student exit nila—hiwalay kasi ang labasan ng mga sasakyan sa labasan ng mga estudyante mga 20 meters pa bago tuluyang makalabas ng University— ay sanay na sa araw-araw na eksenang iyon sa school nila. Palagi kasi siyang inaantay nito sa labasan and vice-versa. Sa maniwala kayo at sa hindi ay nasanay na siya sa ganoong routine.

"You still have your own hands, Reese you can handle it." ngumiti pa ito ng pagkatamis-tamis sa kaibigan niya.

"Hmmp, ganyan ka naman lagi Aveial."

Pinukol ito ng blankong ng binata. "It's Veil, thank you." sabay baling sa kanya at gagap ng kamay niya bago sila sabay na naglakad palabas ng campus. Kaya minsan ay hindi na siya nagtataka kung bakit maraming nagaakala na boyfriend niya ito. Pero minsan maganda rin iyon dahil ilag sa kanya ang ibang lalaki 'yun nga lang ang iba ay para namang natsa-challenge na agawin siya sa SC president.

Okay, meet her other bestfriend—or you could say that— Aveial Lumeira katulad nga ng sinabi niya kanina ang lalaking ito ang SC president nila mahirap man aminin (samantalang kanina pa niya sinasabi ehemm..) wag niyong pansinin yung writer na 'yon.

Anyway hindi pa rin naman niya maintindihan kung paano ito binoto mga schoolmate nila. Ahead lang ito ng isang taon sa kanilang dalawa ni Reese which means third and last year na nito sa school na 'yon. Isang taon pa siyang magtya-tyaga sa kakulitan nito.

They been friend as long as she can remember, basta ang naalala lang niya ay pinagtanggol niya ito noong bata sila sa mga bully and ever since ay palaging bumubuntot na ito sa kanya. Dahil na rin sa lugar na pinanggalingan nito sa Europe madalas itong ma-isolate lalo pa noon iyon ay hindi pa ito marunong magtagalog noong mga panahon na iyon siya na halos ang naging all around nito noon.

Tagapagtanggol, taga-alaga, alalay, yaya. etc. at the age of five ay mas tamang sabihin na siya pa ang tumayong sister figure nito noon kaya naman hindi niya ito sinasaway kapag may mga maliliit na bagay na ginagawa ito para sa kanya laya wala naman sigurong magrereklamo.

But everything change when she reached twelve while he reached thirteen. Magkapareho kasi sila ng birthday though mag-kaiba ang taon kung kailan sila ipinanganak.

Naalala pa niya nang bigla na lang siyang hinila nito sa likod ng garden nang matapos nilang hipan dalawa ang cake nila. Pareho kasi nilang gustong magkasama mag-celebrate ng birthday nila kaya naman nag-decide na lang ang mga magulang nila na i-celebrate sila ng sabay.

"Bakit ba kailangan mo pang ibigay 'yung gift mo dito?" nagtatakang tanong niya nang hilahin siya ng batang si Ave sa likod ng garden nila walang tao roon kasalukuyan dahil ang lahat ng mga bisita ay nasa front porch nila. Nasa malaking mansyon sila ng bahay nila nag-celebrate.

"Because I want my gift to be special." ngumiti ito kapagkuwan nagawa na nitong makaintindi ng tagalog dahil sa pagtuturo niya nagagawa na rin nitong magsalita iyon pero may twang pa rin ito sa pagsasalita.

"Then would you give it to me now?'" ang totoo ay gusto na niyang maibigay rin dito ang regalo niya gusto lang niyang ito ang mauna.

Hinaplos nito ang pisngi niya at may kakaiba siyang emosyon na nababasa sa mga mata nito noon pa man sa hindi niya malamang dahilan ay gustong-gusto niyang nakikita ang dark blue nitong mga mata they seam to remind her of someone she coudn't even remember.

Mayamaya pa ay nanlaki ang mga mata niya nang biglang bumaba ang mga labi nito sa mga labi niya. This is her first kiss yet she can feel something wonderful building up inside her. Hindi niya nagawang manlaban man lang dahil pakiramdam niya ay nasa ulap siya. Siguro ito 'yung mga naririnig niyang sinasabi ng mga babaeng kaklase niya kapag naranasan mo 'yung first kiss mo hindi mo man lang mai-describe ang mga nararamdaman mo. Pero bakit ganon parang ang lakas ng tibok ng puso niya at kahit na katiting ay hindi man lang siya umaalma sa mga nagyayari. Then soon enough he ended the kiss and whispered something in french alam niya iyon dahil tinuruan siya minsan nito ng mga basic words ang kaso hindi naman niya naintindihan ang sinabi nito.

"Nous serons toujours ensemble pour l'éternité"

Kunot-noo niya itong tinitigan. "Anong ibig sabihin 'non?"

"It means Happy birthday, Rina."

Naiinis na sinuntok niya ito sa dibdib. "Hindi 'yan ang tinatanong ko."

"'Yon ang gift ko sa'yo provided na kapag naging eighteen ka na ako ang magiging boyfriend mo."

'"Hoy! sinong nagsabi sa'yong ikaw ang magiging boyfriend ko?" naiinis na sita niya rito.

'"Remember when we where kids? You said that the first guy that will kiss you will be your boyfriend." ngumisi pa ito. Lalo lang naningkit ang mga mata niya.

Isinalpak niya ang regalo nito sa dibdib bago nagmartsa palayo rito. And ever since that day ay tuluyan nang nagbago ang ugali nito. Ang mahiyain at tahimik na lalaki ay naging makulit at makapal na ang mukha.

Hindi tuloy niya maiwasang mapangiti tuwing naalala ang eksenang iyon ang totoo ay hindi naman talaga niya sineryoso ang mga nangyari noon isa pa para sa kanya ay mga bata pa lang sila marahil ay malakas lang talaga ang trip nitong si Ave noong mga panahong iyon. Ang kaso nga lang hindi pa rin niya maiwasang kiligin tuwing naaalala niya ang eksanang iyon. Hmm... sa tingin niyo ba may gusto siya sa sira-ulong lalaking 'yon? Aba, malay ba niya eh, hindi pa nga niya naranasang magka-crush 'ni minsan sa highschool life niya love pa kaya?

"Uyy... Sinong iniisip mo? I'm sure ako 'yon 'no?" nakangising tudyo ng hudyo sa tabi niya.

"Masyado ka naman 'atang conceited, Veil." si Reese na ang sumagot para sa kanya.

"Alam mo 'ne kung ako sa'yo mabuti pang tsumupi-tsupi ka na nga. Hindi naman ito ang way mo pauwi 'di ba?" pagtataboy nito sa dalaga.

"I'm just making sure my bestfriend is going home....safe." nakangising pang-aasar pa nito.

"And what do you mean by that?" nakakunot-noo na ito.

Imbes naman sagutin ay hinila na lang siya ni Reese sa kamay at hindi naman siya agad na binitawan ni Ave. Ang siste nagmukha tuloy silang nag-ta-tug-of-war at siya lang naman ang lubid.

Thank you \(=^o^=)/

My Boyfriend is a Vampire (Published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon