Chapter 17 --- Baguio

1K 20 0
                                    

Please V O T E po kayo! ;))))

* A/n: Ate Ana's pic in the right side ------->

^______________^

Stacie's POV:

"Stace, gumising ka na. Nandito na tayo. Kunin mo na ang maleta mo sa likod ha." Phew. Nandito na pala kmi sa baguio at buong biyahe nakatulog lang ako. Psh.

Lumabas na ako ng sasakyan at pumunta na sa likod para kunin ang maleta ko, pag tingin ko wala na dun ang maleta ko.

"Oh, saan na yun? Hindi ka naiwan? Pero naalala ko naman na nilagay yun ni Kuya dito ah." Patay talaga ako kung maiwan un! T-T

Umalis na ako sa likod at naglakad, nakita ko ang maleta ko na dala-dala ni...

"Daniel!" Napatingin lang siya saken .

Tumakbo agad ako sa kanya para kunin ang maleta ko. Ba't niya ba to kinuha? Akala ko tuloy nawala na. Pshhhhh (-_-)

"Oh Stacie, gising ka na pala." Like obviously? Nasa harap niya ba ako ngayon kung tulog ako? HAHAI.

"Ah oo! Akin na yan, ako na ang magdadala."  At agad kong hinablot sa kamay niya ang maleta ko.

"Hindi, okay lang. Ako na ang magadadala."

"Ah hindi na ah! Ako na! Akin naman yan eh." Sana ibigay na Lord, please? 

"Ano ka ba, ayaw mo pa nun? Ako na ang magdadala?" Ba't ba ang tigas'tigas ng ulo nito!? Sabi ng akin na kasi yung maleta ko eh! UGH!

"Ang kulit mo talaga, eh ano? Di ka ba nakakaintindi na akin na sabi ang maleta ko!? Sabi ng ayaw ko magpatulong eh!" Hala, nasigawan ko na siya. Ang kulit kasi. Ang pinaka'ayaw ko pa naman sa mga tao eh yung mga makukulit. 

"Oh ayan na! Ikaw na nga ang tinutulungan dyan, ikaw pa yung galit! Diyan ka na nga!" Ah, aba! At nagalit pa siya ha? Siya na nga yung namimilit dyan eh! BADTRIP!

Lumakad na lang ako palayo sa kanya..

"Baby Stace!" Ugh, dagdag pa 'tong magaling kong kuya. Kung makapang'asar, wrong timing pa. Badtrip na nga 'tong tao, dadagdagan niya pa. Tsk!

"Kuya, pwede ba. Wala ako sa mood ngayon."

"Bakit? Kasi nagkasagutan kayo ni Daniel? HAHA!" Anong nakakatawa? Itong kuya ko talaga, imbis na damayan ako... tinatawanan niya pa! Swerte ko naman. >_____<

"Eh ba't ka diyan tumatawa?" (-_-)

"Ikaw naman kasi, ang init ng ulo mo. Ba't mo ginanun si Daniel? Eh buti ka nga tinulungan ka pa nung tao. Alam mo ba kanina, habang natutulog ka sa biyahe, pinahiga ka niya sa balikat niya kasi panay ang untog ng ulo mo sa bintana ng sasakyan?" Ha? Ano ba tong sinasabi ni Kuya?

"Haa?"

"Totoo ang sinasabi ko sayo, kapatid. Concern lang naman si Daniel sayo eh. Ba't mo ginanun? Mag'sorry ka kapatid. Masama yan. Mamaya, baka magtampo yun sayo. Sige ka." At tinatakot pa ako ng magaling kong kuya, ano? Siya na talaga.

"Eh Kuya naman eh! Pinapa'guilty mo naman ako eh! Ano ka ba!" Sabi ko kay Kuya sabay pout.

"Pinapa'guilty? Na guilty ka ba? Di ko na kasalanan iyon ano! :P Mag'sorry ka na baby sis." 

Boy meets Girl (a teen love story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon