Previous Page of 5Next Page

Revenge of My Two Ex-Girlfriends

spinner.gif

Chapter 4

 

The Courtship

 

 

 

September akong nagsimulang manligaw. Magkatext kami palagi. Lagi kaming puyat pareho, akalain mo yun, magkatext kami hanggang alas tres ng madaling araw. Actually, lugi ako, sanay daw siyang magpuyat dahil madaling araw siya nagsusulat ng kanyang libro, at sa umaga naman ay nagguguhit ng mga litrato sa kanyang libro (kapag walang pampa-print ng pictures). Wala kaming pinag-uusapan kundi an gaming mga buhay-buhay at ang mag problema namin sa bahay.

 

 

 

October na! Resume na ng klase. Walang nakakaalam na nanliligaw  ako bukod sa akin, sa kanya at sa MP5 Player ko, may e-book un, secret diary ko. Parang normal lang kung titignan pero nanliligaw talaga ako. Madalas kami sa rooftop kumain, mahangin kasi at nandun ang gusto naming pagkain.

 

 

 

“Burger po dalawa at dalawa ring blue bubblegum shake, wala pong black pearl.” ang binili ko. Syempre dapat nililibre ko siya, dagdag pogi points din yun.

 

 

 

“Oh! Ito na pagkain mo.” ang sabi ko habang inaabot ko ang aking binili.

 

 

 

“Oh, ito yung bayad ko.” Ang sabi niya sa akin.

 

 

 

“Wag na! Libre ko na yan sa iyo, idagdag mo nalang sa pampa-print mo. Haha!” ang sabi ko.

 

 

 

Kaso mapilit talaga siya, nilagay niya yung pera na inaabot niya sa bulsa ng bag ko! Nakakairita! Pero ok lang, idadagdag ko nalang yun sa ipon ko.

 

 

 

November, halos wala namang nagbago sa routine naming. Usap-usap, kain-kain, tabi-tabi, soundtrip, at kopyahan sa assignment. Syempre, mahina siya sa Math kaya tinutulungan ko siya at mahina ako sa English kaya tinutulungan naman niya ako. Masayang-masaya kaming dalawa.

 

 

 

December, wala nang masyadong ginagawa. Lahat kami naka-focus sa Christmas party at Christmas at New Year Vacation. Wala na kaming ginawa kundi maglabas pasok sa classroom, kumain, gumala, maglaro at matulog sa loob ng classroom.

 

 

 

Pursigido akong tapusin ang siyam na gabi ng simbang gabi. Kasi sabi nila kapag nakumpleto mo yun, kung anu man ang hingin mo kay Lord ay ibibigay niya. Syempre, siya ang laman ng panalangin ko. Ipagkakaloob kaya siya sa akin ni Lord?

 

 

 

Tatlong araw nalang at Christmas party na. Nung unang bunutan kung sino ang ka-exchange gift, siya yung nabunot ko, obvious naman kahit naka-code name pa. Kaso kulang ang bunutan kaya naiba na rin yung reregaluhan ko. NAKAKAIRITA! Handa pa naman akong gumastos ng mahal para sa regalo sa kanya. Well, gagawa ako ng paraan.

 

 

 

Nagpasama ako kay Joanna Marie Bumatay, classmate naming. Bumili akong ng silver na bracelet. Syempre wala akong kataste-taste kaya siya yung pinapili ko. Nagsinungaling ako nung sinabi kong ibibigay ko sa nabunot ko, pero nakahanda na talaga yung pang exchange gift ko. Syempre, ubos budget! Napagastos ako ng 350 PhP. (Secret lang natin to!)

 

 

 

“Eto ang cute, may heart na design…” ang suggestion niya.

 

 

 

Araw na ng Christmas party. Masyadong maraming taon, hindi ko siya malapitan para ibigay. Hindi ko din siya maistorbo dahil busy siyang maglaro ng chess. Nag-intay nalang ako ng tamang tyempo. Natapos na ang palaro, kainan at exchange gift… HINDI KO PARIN SIYA MALAPITAN! TORPE nga talaga ako.

 

 

 

Papalapit na ako sa kanya, kaso tinawag ako ni Ma’am Catli, ilabas ko daw ang kalat namin. Sa dinami-dami ng lalaki sa classroom, ako pa ang napag-utusan. Binilisan ko ang pagtapon at nagtatakbo na ako paakyat (Nasa third floor ang classroom namin). Pagbalik ko, WALA NA SIYA! PUTEK!

 

 

 

“Jonar, nasaan na si JM?” ang tanong ko.

 

 

 

“Kakababa lang, sinundo siya ng pinsan niya ata yun.” Sagot niya.

 

 

 

Nagmadali naman akong bumaba. Halos madulas-dulas na ako. Paglabas ko ng gate nakita ko siya. Booooooom! Bumibilis ang tibok ng puso ko. Halos nanginginig ako habang lumalapit sa kanya.

Previous Page of 5Next Page

Comments & Reviews (7)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Who's Reading

Recommended