Chapter 5.2- - - - - - - - -Who is. . .

467 36 12
                                    


At papalapit na nga ang matandang may dala-dalang kutsilyo kay Jai. Takbo siya nang takbo pero napapansin niyang nakasunod pa rin ito sa kanya . Hanggang sa hindi na niya nakaya.


Nadapa siya at nabitawan ang cellphone na hawak-hawak niya. Naka-video set iyon. Nagtitili siya nang biglang haltakin ng matanda ang paa niya. Wala nang makakatulong sa kanya. Hindi niya maipaliwanag ang kakaibang takot sa kaluluwa niya.


At hanggang sa, masaksak na siya nito sa dibdib. Hindi pa ito nakuntento. Ilang beses pa nitong inulit iyon hanggang sa sumirit na ang dugo ng babae sa pagmumukha nito. Namuo ang ngiti. Kasunod noon ang tawa.


Ngunit may napansin ito. Ang cellphone na patuloy pa ring bumi-video sa kanila. Lumapit siya rito. Papalapit nang papalapit. At inilapit na nito ang pagmumukha para makita ito. At namuo naman ang ngiti. Tumigil ang segundo. Unti-unting lumalapit ang mukha niya rito. At mapapansin na unti-unting lumalaki ang mga mata niya. Naging kulay pula ito at biglang- - - - -


"Wahh!!"


Isang napakalakas na hiyaw ni Nadine ang nagpatayo na rin sa mga balahibo niya. Biglang dumilim ang paningin niya. Takot na takot siya. Teka, nasaan ba siya? Hindi pa mawala sa isipan niya kung ano ang kasunod na eksena sa papalapit na papalapit na mukha ng matanda sa screen ng tv na pinapanood niya.


At nag-brown out pa talaga. Nanginginig na ang mga tuhod niya nang makaramdam ng paglamig ng hangin.


After a few minutes. . .


Teka nga, ilang minuto na siyang nakatayo. Pero saan naman siya pupunta kung sakali? "Mang Tonyo?" tumawag siya ng tulong.


Ngunit walang sumagot sa boses niya. Kinikilabutan na siya. Idagdag pa ang kakaibang tunog na kakarinig lang niya sa may bandang kanan ng kinatatayuan niya.


Footsteps ba 'yon? Malamang. Meron na bang finger-steps?


Pero, teka nga. . . Eto na ba ang katapusan ng buhay ko?.?


Hindi na niya alam kung tama ba ang nagsisipasukan sa utak niya. Pero, kung totoo man 'yon, mukhang hindi na siya makakatakas pa. Pero bakit nang humingi siya ng tulong, walang sumasagot?


Sinubukan niyang maglakad, pero hindi niya yata kakayanin 'pag may kumalabit sa kanya. Ano ba talaga? Sinusundo ba siya ni kamatayan? O 'nung matanda na papalapit na nang papalapit sa screen ng TV nila Yojeid?


Oh gosh. Yojeid.


"Yojeid! Help!" kinikilabutan siya nang banggitin ang pangalang iyon. First time niya yatang humingi ng tulong mula sa lalaking 'yon.


Pero kailangang-kailangan na talaga niya. Kailangan niyang mailigtas ang buhay niya. Gusto niyang tumakas mula sa kadilimang iyon. Wala siyang naririnig na anumang boses ng tao. Basta ang alam niya, dinig na dinig niya ang papalapit na papalapit na tunog ng footsteps ng isang tao, aswang, tikbalang o nung matanda.


Napapikit siya. Lalo na ngayon at dinig na dinig na niya ang pagtibok ng puso niya. Hindi na naging normal ang paghinga niya. At mukha ngang ilang inches nalang ang layo ng tao, aswang, tikbalang o nung matanda mula sa kinatatayuan niya. Teka, ano ang gagawin niya? Oh mama!


Bigla siyang nakaramdam ng kasikipan. Ano 'to? Kinakain na ba siya ng halimaw? O baka naman kaluluwa na niya ang kinukuha nito?


Ngunit biglang nag-iba ang nararamdaman niya. Parang, ah basta. Hindi niya maintindihan. Mukha yatang- - - may nakayakap sa kanyang isang tao na malakas na malakas ang kutob niyang kilala niya iyon. At sino naman 'to? Ito na ba 'yung halimaw? Anong gagawin niya?


Lalo pang sumikip ang pagkakayakap nito sa kanya. Mukhang hindi na yata siya makahinga sa pagkakahigpit noon.


Pero mukhang halimaw nga iyon. Mas lalo pa siyang kinilabutan. Halimaw dahil napakataas ng bagay na nakayakap sa kanya. Bagay? Pero mas malakas ang kutob niyang tao ang nakayakap sa kanya at lalaki iyon. Malalapad kasi ang mga balikat nito at matatag ang dibdib nito na hindi na nga niya maisipang huminga nang komportable dahil sa sobrang sikip.


Ano bang nangyayari sa kanya?


"Aaaaahhhh!! I'm dead! Oh Lord! Forgive me!"


Hate Me Now, But Not Forever.  {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon