Trigger 56 - Simple and subtle way..

10.5K 219 36
                                    

[Edited Ver.]


Simple and subtle way..



Therbie's PoV :

Mahal niya ako. I still couldn't believe it, even if we're together now for two days. At bukas nga ang unang date namin kaya hindi ako makatulog ngayon. Pinipikit ko ang mga mata ko pero ang diwa ko gising na gising at kahit na nakakabakla pero nakakaramdam talaga ako ng kilig lalo na kapag naaalala ko mukha ni Belle habang sinasabi niyang mahal niya rin ako. 

I can't just believe it. After all these years, ako rin pala ang mahal niya. Nagselos lang ako noon sa wala. Natatawa nalang ako kapag naaalala ko iyong ginawa kong pag-iwas noon at tsaka noong iparinig ko kay Belle na mayroon akong fiancee. Sabi ni Belle ang 'childish' ko raw. Pero noong nalaman kong nagselos siya dahil doon, napangisi naman ako.

Ano ba?! Matutulog na talaga ako! I can't be late for tomorrow. I need to sleep now, please! 


Kinabukasan..


Sophia: "Wow, kuya! Bihis na bihis tayo ah? Saan ang lakad?"

Renz: "May date iyan sa girlfriend niya. Tagal niyang hinintay iyon e, more than a decade na ata."

Sinamaan ko ng tingin si Renz, pero nagkibit balikat lang ito at kumain na. Umupo na rin ako sa table katabi si Sophie at kumain na rin. Doon naman biglang dumating sina Mom at Dad at nakisalo na rin sa amin.

Melissa: "Nakilala mo na ba, anak, ang Nanay ni Belle?"

Napalingon ako kay Mom at umiling ako sa tanong niya. Bakit niya naman kaya naitanong iyon? 

Magsasalita sana ako pero biglang nakarinig kami ng nagri-ring na cellphone at napatingin lahat kami kay Sophie na nahihiyang tumigil sa pagkain at lumayo sa mesa hawak ang cellphone niya. Nakita ko pang napailing si Dad at Renz sa ginawi ng bunsong kapatid ko.

Pagkatapos kumain ay umalis na ako papunta sa BDA dahil napag-kasunduan naming doon na magkita dahil sa pagkakaalam ko may inasikaso si Belle kaninang umaga kasama si Boss. Baka tungkol iyon sa matagal niyang pagkawala.

Nang makarating sa BDA, dumiretso agad ako sa loob ng office ni Boss at doon nakita ko silang dalawa na mukhang may seryosong pinag-uusapan. Tumigil lang sila noong makita ako.

Boss: "May lakad ata kayo? Naku~ first date. Haha!"

Belle: "Psh."

Napakamot lang ako sa ulo sa hiya. Si Boss kasi nang-aasar! Si Belle naman parang iyong usual na siya lang, parang walang pakialam. But I know better than that.

I bet she's feeling so happy inside.

Therbie: "May pinag-uusapan pa yata kayo e, lalabas muna ako."

Palabas na ako noong pigilan ako ni Boss.

Boss: "Nandito ka na rin lang, maupo ka na rin. Mas kailangan ka nga dito dahil ikaw ang Boss ng BDA. Substitute lang naman ako ngayon dahil may... date kayo."

Belle: "How many times do you have to say that, Boss? Psh."

Boss: "Eto naman. Lumipas na ang anim na taon at lahat, iyang ka-lamigan mo hindi kumupas ni-katiting. Nakikita ko lang iyang pagbabago mo kapag kasama mo iyong cute na anak mo e."

Inirapan ni Belle si Boss at tumingin sa akin. She motioned me to sit beside her so I did. Ngayon kaming dalawa na ang nakaharap kay Boss.

Boss: "Mabalik tayo sa pinag-uusapan, Belle--teka,"

Codename: Princess Trigger (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon