Just Another Day

19.2K 433 109
                                    


Great Pretender.

Bansag sakin ng mga kaibigan ko.

Self murderer.

Pinapatay ko daw ang sarili ko.

 Pero ano bang mali sa ginagawa ko? Nagmamahal lang naman ako.

ang kaso...

hindi ako ang mahal ng babaeng pinakamamahal ko.


JERICO's POV


"Bes!! Anong mas maganda? etong blue o yellow dress?" pareho nyang inilapat sa katawan ang dalawang damit na dala nya, nasa mall kami dahil nagpasama syang bumili ng damit na gagamitin nya para sa first monthsary date nila ng boyfriend nya. =_=" what the eff diba??

"Pareho lang yan, kahit anong suotin mo.. maganda ka" walang halong bola o ano man, totoo naman ang sinabi ko eh, maganda naman talaga tong bestfriend ko.

"eeehhhh..... kikiligin na ba ko? haha.. kasi naman Ico, pumili ka na.. blue o yellow?" hanggang ngayon, wala pa rin syang kaalam-alam sa nararamdaman ko sa kanya, hindi ko na natuloy ang pagtatapat ko ng nalaman kong may mahal na syang iba. At ngayon, isang buwan na sila.

"Yellow" matipid kong sagot sa tanong nya.

"Sige. wait lang ah! babayaran ko lang, dyan ka lang, hintayin mo lang ako ha" saka sya tumalikod at nagpunta sa cashier para bayaran yung damit na hawak nya.

"matagal na kong naghihintay" bulong ko ng makaalis na sya.

Hanggang ngayon, sariwa pa rin ang mga sugat sa puso ko simula ng araw na yun, yung araw na akala ko ay makakapagtapat na ako, araw na akala ko'y madadagdagan na ang role ko sa buhay nya. Pero yun pala ang araw na inilibing ako ng buhay.

Shit lang!

Ilang araw din akong hindi nagpakita at nakipag-usap sa kanya matapos ang araw na yon, dinahilan ko na lang na madami akong projects at paper works na kailangang tapusin para sa mga requirement sa school.  Pero ang totoo, sa mga araw na hindi ako nagpakita sa kanya, dun ko ibinuhos ang lahat ng sakit na naramdaman ko. Nagpakalasing, nagkulong sa kwarto, umiyak ng umiyak hanggang sa makatulog. Ni-minsan hindi ko inakala na mararanasan ko ang mga ganung bagay sa buhay ko, ni-minsan hindi sumagi sa isip ko na mag-ubos ng luha para sa babaeng mahal ko. Ang buong akala ko kasi, pag nagmahal ako, hindi masukat na kaligayahan ang mararamdaman ko lalo na't si Erika ang tinitibok ng puso ko. Si Erika na Bestfriend ko.

"Ico? tara?" nasa harap ko na pala sya, hindi ko manlang napansin ang pagdating nya. Humawak sya sa braso ko at inakay ako palabas ng botique.

"hmm.. kain tayo? nagutom ako bigla eh" nanatili syang nakahawak sa braso ko pero nauna sya maglakad para humarap sakin at naglakad patalikod.

"ang sabihin mo, matakaw ka lang talaga.. San mo ba gusto kumain?" tumigil sya sa paglakad kaya napatigil din ako. nakatingin sya sakin ng masama at pinangdidilatan ako.

"oh? matakaw na tarsier ka na ngayon? pffft..." tinakpan ko ang bibig ko para mapigilan ang paglabas ng tawa ko. Great pretender ako, ika-nga ng mga kaibigan ko. I acted just like before, na para bang walang nangyari, sinasarili ko ang sakit hanggang sa kaya ko.

Bumitaw sya sa braso ko at nagsimulang lumakad palayo. Kaya hinabol ko,

"teka bes.. hindi ka na mabiro oh..." inakbayan ko sya pero inaalis nya ang braso ko.

One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon