Previous Page of 3Next Page

I Love You: "Secret lang natin 'to"

spinner.gif

     Isang batok ang gumising kay Francine. Iyon ang unang araw niya sa college. Sa totoo lang ay tamad na tamad na siyang pumasok. Wala naman kasi siyang napapala sa pag-aaral. "Mahina", iyon ang tawag sa kanya ng mga magulang niya. "Bopols" naman ang tawag sa kanya ng mga kaklase niya ng high school siya. Kasalanan ba niya kung hindi talaga siya matalino? Kaya nga laking pasasalamat niya nang makapasa siya ng high school. Umiyak at lumuhod pa siya sa mga teachers niya nang makatapos siya.

     Akala niya matatapos na ang kalbaryo niya. May college pa nga pala siya. Nag-aaral siya sa College of Dominguez sa Quezon City. Hindi naman niya kasi kaya ang UP o kahit pa ang UST o Ateneo. Kahit mag-aral at mag-take siya ng entrance exam, wala pa rin siyang papasa sa mga iyon. Kumuha na lang siya ng kursong HRM. Simple lang naman kasi ang gusto niya, maging isang chef. Mabuti na lamang at nakakuha siya ng scholarship sa kursong iyon kapalit ng kanyang pagiging varsity sa volleyball. Hindi nga siya matalino pero maganda ang pangangatawan niya. "Athletic" sabi ng mga teachers niya. "Amasona" naman sa mga kalalakihan.

     "Anak, papasok ka na. Ala-sais na, mabagal ka pa namang maligo. Isang dekada." paalala ng nanay niya.

     Habang palakad siya sa corridors ng eskuwelahan nila ay nakasalubong niya ang kanyang long time crush. Katulad noong high school sila, ganun pa rin ito. Matikas ang tinding, suwabe maglakad at kahit nakakunot ang noo ay parang nakangiti pa rin sa harap niya. Hindi niya mapigilan ang sarili na maibuka ang bibig ngunit wala namang sasabihin. Lumapit ito sa kanya. Inilapit ang nito ang mukha sa kanyang pisngi. Hihimatayin na ata siya at susuka ng dugo sa labis na kilig.

     "Sa susunod, huwag kang nganganga sa harap ng marami tao." sabi nito sa harapan niya at nilagpasan na lamang siya.

     Nagulat siya at saka naman isinara ang kanyang bibig. Namumula na siya. Alam niya iyon. Tumingin siya sa mga tao sa paligid. Natatawa ang iba, ang iba naman ay nakangisi at ang iba ay nanlilisik ang mga mata sa kanya. Nakakahiya dahil halos kita ng buong klase kung gaano siyang patay na patay kay August "Gust" LabiƱez. Sa taas niyang five-four ay nanliliit pa rin siya dahil five-eleven point five ito. Kaunti na lang anim na talampakan na ito. Nakaramdam na lamang siya ng isang kamay sa kanyang balikat.

     "Tameme ka na naman kay Gust" ani ng kaibigan niyang si Janelle

     "Bakit ka naman kasi nakanganga sa harap niya na parang ngayon mo lang siya nakita?" segunda naman ng kakambal nito na si Marinelle.

     "K-kasi" nag-isip siya ng palusot. "Matalino si Gust 'di ba? Ngayon ko lang nalaman na ito rin ang pinili niyang college." Partly totoo naman na hindi niya inaasahan na doon mag-aaral si Gust. Sa talino nito, ito ang valedictorian sa batch nila. Ang akala niya ay isa sa mga Big Four na unibersidasd sa bansa ang pipiliin nito para mag-college. Napasa kasi nito ang lahat ng entrance exams doon may apat na nga itong tarpaulin sa tapat ng Q.C. Hall.

     "Naku ehh ewan ko rin ang alam ko lang kumukuha siya ng Business Administration dito sa college natin." sabi ni Marinelle.

     "Bakit kasi siya ang pinapanstasya mo? Tumingin ka sa paligid, marami pang lalaki ang naglalaway sa beauty mo." tukso ni Janelle.

     "Katulad ni Jonat?" sabay turo ni Marinelle sa lalaking papalapit sa kanila.

     Si Jonat ang never-ending manliligaw niya. Kung masama lang ang ugali niya matagal na niya itong pinintasan na "bobo". Pero dahil magka-level lang naman din sila, hindi niya kayang saktan ang damdamin nito. Ayaw naman niyang paasahin ito. Napailing na lamang siya sa tanong ni Marinelle.

     "Hi, my dear France" sabay akbay sa kanya. Nakita niya ang reaksiyon ng mga kababaihan, nanlilisik pa rin ang mga mata nito sa kanya. Katulad ng dati, pamatay pa rin ang mga ngiti ni Jonat. Pero ewan ba niya, wala naman kasing effect ang pa-epek nito sa kanya. Matikas din ito, mabait pa nga at laging nakangiti. Marami ring mga babae ang patay na patay dito pero wala pa siyang naririnig na naging nobya nito.

     "Hi" matipid naman niyang bati dito. Ayaw na niyang bigyan pa ito ng signs na may pag-asa ito sa kanya pero pumayag naman ito na maging kaibigan niya na lang. "Teka, bakit ka nga pala napasugod dito?"

Previous Page of 3Next Page

Comments & Reviews

Login or Facebook Sign in with Twitter
Vote library_icon_grey.png Add

Who's Reading

bellynconrad

Recommended

Ang Feelings Kong Nagfi-feeling McArthurWe're in HeavenMr. and Ms. DisguiseThe Heiress Diaries