Living With A Superstar (Tagalog/Filipino)

spinner.gif

FOREWORD

 

Kung may contest lang ng padamihan ng kamalasan sa buhay siguro panalo na ko. Siguro kung alam ng mga magulang ko na ganito magiging buhay ko, siguro hindi na nila maiisipang ipanganak ako.

 

Hindi ko alam kung anong meron sakin at lapitin ako ng kamalasan. Nakakawindang. Hinila ko yung dala dala kong maleta paakyat ng summer camp. Peste lang. Yung sinakyan kong bus tumirik sa bundok. Bumaba lang ako saglit tapos pagkakita ko e wala na bigla yung bag ko at yung suitcase ko lang ang natira. Fuck. *insert mo na dito lahat ng mura* Buti dala ko cellphone at wallet ko.

 

Pagkababa ko ng bus bigla rin lang ako pinaakyat nung driver at pinakuha yung maleta ko. Hindi na daw sila makakabyahe. E kung ihulog niyo nalang kaya ako sa bangin? Pwede? Ganun nalang? Tirik narin ako dito?

 

Sa sobrang badtrip ko naglakad nalang ako hanggang sa may makita akong sari-sari store. Para sa maliit na bayan na yun and take note “liblib” na lugar pa e kagulat gulat naman na blockbuster sa dami ng tao yung nasa harap ng tindahan. May nagpipicture pa. Baka may naligaw. :)))

 

“Excuse me please padaan. Mamamatay na ko sa uhaw.”

 

“Ano ka ba miss!!!!! Ang hirap hirap kong makapunta dito dun ka sa likod!”

 

Peste naiinom na ko!!!!! Paraanin niyo ko!! Siningit ko na sarili ko hanggang sa makita ko kung sino yung pinagkakaguluhan

 

 

 

“ALEX LEE!!!!! Pautograph naman.”

 

“Alex Lee!! Papicture naman!”

 

“Alex Lee pakiss.”

 

 

Bakit hindi niyo pa kaya gapangin no? Rape. Pero pasimple ko rin naman kinuha yung cellphone ko para picturan siya. Pagkaopen ko ng camera nag off yung phone ko. Bwiset! Low batt! Tumirik narin phone ko ganun?

 

“Alex bat ka napunta dito sa probinsya?”

 

“I am going to attend Camp Caprice.”     Wow naman! May accent!!!!

 

Tapos biglang parang may lightbulb na umilaw sa utak ko.Camp Caprice! Dun din punta ko!!

 

“Ladies I have to go. I don’t want to be late for room assignments.”

 

 

Singbilis ng lightning ng makaalis si Alex sa mga fans niya pero buti nalang naabutan ko siya.

 

 

“Alex.”

 

 

Tumingin siya sakin at ngumiti. Ang gwapo.

 

 

Teka pulutin ko lang panty ko. :))) Hindi joke lang hindi to green. :))

 

 

“Autograph? Sorry but I have to go.”

 

Sabi niya at pumasok na sa loob ng kotse pero hinawakan ko agad kamay niya. May kuryente! Kinikilig ako!

 

“Pwede bang makisakay? Papunta rin akongCamp Caprice tumirik yung bus na sinasakyan ko e.”

 

Pagkatapos nun tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.

 

“You can just walk it’s not far from here anyway.” Tapos bigla niyang tinanggal yung pagkakahawak ko sa kamay niya na parang isa akong salmonella typhi.

 

 

“AY WOW! Ikaw na ang may attitude! Bumagsaksanacarreer mo!!!!!!!”

 

 

Bumalik ako sa tindahan, nakakagulat wala agad tao.

 

 

 

“Ate pabili po ng coke o kaya tubig.”

 

 

 

“Ay hija pasensya ka na pero naubusan na.”

 

 

 

PESTE!!!!

 

Tama nga naman si Alex. Hindi naman kalayuan yungCamp Caprice. Mga 30 minutes walk lang naman na pataas sa bundok. LAPIT LANG! PROMISE! Pagkadating ko pinagmadali ako nung in charge sa front desk na dumiretsyo nalang muna sa hall kasi nagdidistribute na ng cabin keys.

 

Umupo ako malapit sa may pinto. May nakaupo narin pero sa sobrang sabik ko sa tubig hindi ko na nabati. Mamaya nalang magpapahinga muna ako.

 

“Ok. Last pair. Cabin number 888. Alex LaMadrid and Alex Lee.” Pagkatayo ko napansin kong tumayo rin yung tabi ko.

 

At dun ko lang nadigest yung karoomate ko.

 

 

 

Pero hindi pwede.!

 

 

 

Impossible!

 

 

 

Babae ako.

 

 

 

Lalake siya.

 

“IKAW?!!!!!!!”

 

 

“YOU??!”


At talagang nag english pa siya. T_______________T

Comments & Reviews (26)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Who's Reading

Recommended