Chapter 24: Game

67 8 3
                                    

***

Chapter 24: Game

Yhanna's POV

"Intrams na sainyo ah." -Kuya.

"Ano namang pakialam ko? Hindi naman ako makakapaglaro." umiral na naman tong kasungitan ko.

"To naman. Di ka talaga pupunta?"

"Hindi nga, Kuya!" nakakairita to! Ni hindi pa nga ako nakakabangon dito.

"So I guess, pauuwiin ko na bisita mo."

"Bisita?" tama ba dinig ko. Ngayong umaga, bisita?

"Oo. Si Duaine." O_O

"Wag mong pauuwiin! Sabihin mo, maliligo na ako tapos bababa na lang ako, ha? Babye!" dali-dali kong kinuha yung tuwalya at kumaripas sa cr.

Pagkatapos, nagbihis na ako ng Senior T-shirt namin na color blue tapos nagjeans at rubber shoes. Pagbaba ko, nandoon si Duaine kausap ni Kuya. Wala na kasi sila Mommy't Daddy. Umalis na kagabi dahil may emergency daw :(

"Oh! Andito na pala siya eh." nakita kong nakangiti saakin si Duaine. Grabe! Ang gwapo niya talaga! Pero bakit siya andito?

"Yhanna, pinapasundo ka pala dito ni Ma'am. Sumama ka daw. Di daw pwedeng wala ka." ah. akala ko pa naman...

"Oy! Ingatan mo kapatid ko ah. Iuwi mo agad before 9:00 pm. Ayos ba?" O_O

"Haha! Sige po." hala?! Sumang-ayon naman?

"Kung hindi ako pumunta dito, malamang humihilik ka pa dun sa taas." grabe naman!

"Grabe ka! Hindi naman ako humihilik ah." sabi ko sabay pout para effective XD

"Sige na, sumakay ka na." -sabi niya sabay smirk. 

Sumakay na ako sa motor niya. Isinuot niya saakin ang helmet na color red tapos sakaniya naman yung black. Grabe! Hindi talaga ako nasasanay sa motor na to. Paano naman kasi, iba na naman. Dati kulay pula, noon kulay itim na. Mukhang bago pa!

Halos magsilaglagan ang panga ng mga students nang makita nila kami. Okay, what's your problem? XD Ngayon lang ba sila nakakita ng gwapo at maganda na nagsasama? XD Mayabang na ako! paano ba naman kasi, mukhang nagsilbing couple shirt na yung suot namin tapos ang higpit pa ng hawak ko sa shirt ni Duaine.

"Relax lang. Di ka mahuhulog, promise." -siya.

"Sa lakas mong magpatakbo..." hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla na niya naman binilisan. Nasa loob na kaya tayo ng campus tapos bibilisan mo pa?!

After ng madugong biyahe, sa awa ng diyos ay tumigil na din siya. Haay! Nahilo ata ako dun ah! Daig ko pa yung buntis na sumakay sa bus! 

"Yhanna beeeess!!" O_= Ano bang problema nito? Wagas makasigaw.

"Liah! Tumigil ka nga sa pagsigaw!" -hala?! Anong problema ni Miko?

"Heh! Wag kang mangialam! Yhanna, so ano?" alam ko na ang sasabihin niya kaya hinatak ko na siya bago pa may makadinig.

"Wag kang magpahalata. baka malaman nila." sabi ko dito.

"Eh kasi naman, nakakakilig na kayo eeh! Why don't you tell him kaya?" -___-

"Eh di iwasan naman ako nun?" 

"Wala ka kasing tiwala--

"Yhanna, Liah, magsisimula na yung laban namin. Manonood kayo?" -Miko.

"Huh? ah oo." -Ako. Wooo! Muntikan na kami dun!

***Soccer Field***

"Wooo! Go Seniors!" parang adik tong si Liah. Grabe! Wagas makapagcheer habang ako, nanonood lang kumakain ng popcorn XD.

Sa nakikita ko, magaling talaga sila Duaine at Miko. Yieee! GO DUAINE! Gusto ko sana siyang i-cheer kaso baka alam niyo na. Napakagaling talaga nila! Ayun! Nakay Duaine na yung bola! GO DUAINE!!

"GOAL!" waaah! Nagsitayuan yung mga seniors at nagche-cheer. Ngiting-ngiti naman ako habang nakatingin kay Duaine nang bigla siyang tumingin saakin. NYAAAA!! 

Next round na! ONE TWO THREE!

Nakay Duaine ulet yung bola. Tumatakbo na siya papunta sa goal keeper ng kabilang team nang maagaw ito ng kalaban. Sayang! Ano ba naman yan!

"GOAL! 1:1" oh ayan! Tabla na!

Miko's POV

Okay, naka-goal kami. Pero bakit hindi pa din ako masaya? kasi nakita kong tuwang-tuwa si Yhanna kay Duaine. PSH. Parang may napapansin ako dito kanina pa. Haay! Sana ako na lang yung sumundo sakaniya kanina sa bahay nila. Mamaya na nga to! Eto munang game!

Nasaakin na yung bola. Pag-asa ko na to! Tabla na ang score namin. Kailangan kong magpasikat! Sinipa ko ang bola nang napakalakas hanggang sa makagoal ako.

Tapos na ang laban. Panalo kami. Dali-dali namang pumunta si Yhanna saamin dala ang mineral water na dalawa. Okay, tig-isa kami ni Duaine. Ano bang meroon sakanila at para bang hindi ako makuntento?!

"Uy! Congrats! Kayo panalo ^___^" ang ganda talaga niya ngumiti.

"Hindi pa naman championship eh." mukhang nagulat siya sa ekspresyon ng mukha ko. 

"Kaya niyo yan!" ramdam ko yung kamay niya sa balikat ko.

"Oo nga. Kaya natin to, bro." -Duaine.

"Oo pero gusto kong mawala yung mga papansin sa mundo."

kaunting katahimikan ang nangibabaw. Bakit? Masamang maging bitter?! PSH. Nakakalalaki na kasi eh! Kung umamin na kaya ako kay Yhanna? Aish! Ano ba naman! Paano kung hindi niya ako gusto? paano kung sila na ni Duaine?

"Nagugutom na ako. Tara na sa labas ng school. Sa cafe." sabi ko sakanila.

"Ah sige, kayo na lang." -Duaine.

"Hindi ka sasama?" -Yhanna.

"Hindi na." okay. May lumbay na naman sa mukha ni Yhanna.

"Tara na." niyaya ko na siya. 

Cafeteria---

"Uy! magsalita ka naman oh!" -sabi ko nga.

"Sige na. Kumain ka na." sabi ko.

"May problema ka ba?" napansin mo din.

"Wala naman." -bitter kong sagot.

"Ahh. Nag-iinarte ka na naman eh! Gusto mo subuan pa kita?" hindi ako kumibo nang bigla ko na lamang nakita yung kutsara na papalapit saakin. Okay.

"Nganga!" utos niya kaya ginawa ko. Para akong bata!

"Oh, tignan mo, kaunting lambing din pala! Mamaya, sabihin mo saakin problema mo." sabi niya.

Saka ko lang napansin na madami na palang mga panahon ang sinayang ko. Magkasama kami noon pero bakit pinalampas ko pa? kasi mga bata pa kami? Epal naman kasing lalaki yun! Imbes na masaya na kami dito, bigla pang umextra! Sayang talaga! 

Sila na ba? Kailangan kong gumawa ng aksyon! Dapat lang!

________________________________________________________

(A/N: Nagsimula na ang Intrams. Sino ba bet niyo? Miko or Duaine? Comment lang po ^__^ It's free.)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 24, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The New Me [Editing Characters]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon