MAG COMMENT NAMAN OH -__-"
______________________________
[YANA]
"Oy, bat ba tingin ka ng tingin sa cp mo dyan?" sabi ni Cyrille
"Wala pang text si Aj ni isa since this morning eh!" sabay balibag ng cp....pero sa kama. hehehe. Syempre alangang sa sahig ko ibagsak 'to. Bigay na nga lang sisirain ko pa.
"Baka naman busy lang talaga?"
"Grabeng pagka busy yan ah! Isang araw at kalahati niyang inaasikaso?! Hmp!" I folded my arms, tumayo ako pumunta sa counter para makabili ng makakain. Nasa fast food resto kame ngayon ni Cyrille, kakatapos lang ng klase namin.
"Yes Ma'am?"
"Miss, isa ngang.....hmm..." Ano ba kasing masarap kainin dito? Fries na lang? Ayoko masyadong mamantika. Ice cream? Hmm... baka ubuhin ako eh... "Miss, Spaghetti na lng. Sprite yung drinks ha?"
"Sure, Ma'am." Kinuha na niya order ko at inilagay sa tray. Binigay ko sakanya bayad ko at sinuklian na rin niya. "Here's your change Ma'am, Thank you Come again."
"Thank you din." Kinuha ko na tray ko at pabalik na ko sa table namin ni Cyrille.
*BLAAAANG*
"Ouch!" Natumba ako sa sahig,
Yung tray na hawak hawak ko nasa lap ko tapos yung spaghetti nagkalat sa damit ko.
Shemay nakakahiya! Lahat ng tao nakatingin saken (-___-")
"Hala, Miss sorry ha? Ayos ka lang?!"
Langya 'to! Tinanung pa talaga ako kung Ayos lang ako eh kita na ngang nalaglag ako tapos naligo pa ko ng spag!
Eto ba ang mukhang AYOS?!
"Miss, sorry talaga ha? Hindi kasi kita napansin." Hinawakan niya braso ko at tinulungan akong tumayo. Kumuha siya ng tissue at pinahid sa damit ko na may mantsa ng spaghetti, 'Miss sorry talaga ha? Nako ang dumi mo na."
Malamang natapunan ng spag eh. Nakakahiya talaga, lahat ng tao nakatingin samen.
Tumingin ako sa table namen, wala dun si Cyrille. Langya talaga 'tong babaeng 'to. San ba kasi pumupunta yun?! Wala rin yung gamit niya tska gamit ko!!
"Sorry talaga Miss, Halika sumama ka saken!" hinila niya bigla pulso ko at lumabas kame sa resto.
Habang tumatakbo kame yung mga tao nagsisitinginan samen. Syempre naman, sino ba namang hindi titingin sa nakakahiyang itsura ko??
Tsaka san ba kame pupunta?! Bakit ba hinihila niya ko?!
Pumasok kame sa isang store ng mga damit. Binitawan niya ko at tumingin tingin ng damit. Yung mga saleslady grabe makatingin >____<
"Eto, Hmm.." Kinuha niya yung damit at ipinatong sa katawan ko, pero hindi masyadong malapit kasi nga may mantsa. "Hindi bagay sa skin tone mo 'teh. Hmm, eto kaya." Kumuha na naman siya ng isa at inilagay na naman saken. "Ahh, eto." Hinila na naman niya ko at ikinulong sa fitting room. "Kapag nasuot mo na sabihin mo sakin ha?" ssabi niya
Tumingin ako sa salamin.
O_O
ANG DUMI KOOOO! Ganito pala istura ko! No wonder why the people were staring at me.
Kabanas talaga.
Add to your private library
My LibraryAdd this story to your public reading lists
| Han Hyo Jo | as Yana |
| Kim Jae Joong | as Chino |
| Lee Seung Gi | as AJ |
| Kim Kibum | as Tope |
| Yoona | as Cyrille |
| Melmar Magno | as Johann |
| Meljohn Magno | as Jacob |
| Rainie Yang | as Janice |
| Woori | as Divina |
| Donghae | as Paolo |