Revelation #32

521 9 0
                                    

MYUNGSOO ♥

Katabi ko si Sungyeol. Nakasakay kami ngayon sa kotse ni CEO. Hindi ko alam kung saan kami papapunta, sa bahay ata niya? 

Lamyang-lamya si Yeol sa mga nangyari. Maski naman ako hindi ko alam na dadating si Haneul bigla. At mas lalong hindi ko alam na mangyayari at makikita nya yung, ayun. Sana pala sinabi ko sa kanya na nakita ko na si Haneul nung dumating kami sa bahay. Sana sinabi kong may balak si Haneul na surpresa. Sana pinaalam ko sa kaibigan kong dumating na yung mahal nya.

Para saan pa at nakita ko yung babaeng yun sa kwarto nya kung hindi ko naman alam ang iaaksyon ko? Nakakahiya sa kanya.

(Sorry Myung, uunahin ko muna ang bestfriend ko.)

"Sige. Naiintindihan ko naman e." I sighed. " Ingat ka, I love you..." Binaba ko na ang telepono. Maski si Minchan hindi ko na makausap ng maayos..

Gusto yata talaga nung babaeng yun ng gulo.

∞ I ∞ N ∞ F ∞ I ∞ N ∞ I ∞ T ∞ E

DONGWOO ♥


Isang espesyal na araw. Isang napakaespesyaaaaaaaaaal na araw ♥﹏♥

Isang araw na puno ng pagmamahalan.. pagbibigayan.. kasiyahan at kagalakan.

Ano nga bang meron? Hindi ba't wala nang hihigit pa sa isang magandang gising sa umaga? Nakakaangat ng mood. Nakakaganda ng aura. Nakakatuwa~ (  ♥﹏♥)/

Biro lang, may hihigit pa dyan.

BUONG ARAW KAMING MAGKAKASAMA NI JINWOO MY LOVES~ Hayiiihihihuahuahehehe! (♥﹏♥)d

Katulad lang rin sya ng ibang mga araw.. ngunit ito ay isang DATE! \(♥▽♥ )/

Hindi pa rin umuuwi ang MyungYeol, btw. Hindi ko rin alam kung bakit bawal ang Infinite sa tv ngayon. Basta pinagbawalan kami at sumusunod naman kami. Saka nasanay na rin akong hindi manuod ng tv kasi hindi naman nagti-tv yung babaeng binabantayan ko. Aww~

Sinabi nga nung nurse na bumubuti ang lagay ni Jinwoo! Minsan daw kasi hindi naman kailangan ng pasyente ng gamot. Minsan ang kailangan nila ay kasama. Minsan yung gamot ay pagmamahal (♥﹏♥) Wiihuu So in Love~

*tok tok*

"Ehem ehem... GOOD MORNING JINWOO-SSHI!"

"Bukas yan~" What a lovely voice.

Maganda ang development nya. Lumalambing na nga yung boses nya e. Haha. Yung boses lang talaga yung napansin? Saka mas madalas na rin syang ngumingiti no! Kung sabagay, kung ako nga naman ba ang mag-effort na pasayahin ka, sasaya ka talaga!

Pumasok na ako sa pagkaganda-ganda nyang bahay. Kahit wala itong second floor (third floor meron. lol), masasabi mong elegante ang pagkakaayos. Magaganda rin ang mga gamit at mamahalin ang mga kasangkapan.

Infinite, Uncovered!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon