Previous Page of 2Next Page

Dirty Little Plan

spinner.gif

 

 

Awa pa rin ba? O unti-unti na kong nahuhulog sakanya? Gusto ko na rin ba siya? Hindi to pwede, pano ko magagawang paghigantihan si papa?

 

Kung magkakagusto ako sakanya dapat mahalin at tanggapin ko lahat ng taong mahalaga sakanya kasama na dun yung mamamatay taong tatay niya. Hindi to pwede.

 

 

              “HOY! Jane ok lang? HOYYY!”

 

              “hmm? Anong sabi mo?”

 

              “Ano nanaman ba iniisip mo?”

 

              “Ahh wala. Sorry nga pala sa pagkain mo ha? Order nalang tayo ng bago”

 

              “Hindi ok lang, sa bahay nalang ako kakain, hintayin nalang kita matapos bago ako umalis”

 

              “Sure ka? Diba gutom ka?”

 

              “ahh. Palusot ko lang yun para sabay tayong kumain. hehe”

 

              “Sorry talaga Mark, don’t worry next time babawi ako”

 

              “Maalala ko nga pala, ano yung kailangan mo sakin dati? Bakit mo ko hinahanap sa room?”

 

              “ahh. Yun..ano kasi..”

 

              “ano?”

 

              “ahh..wala…wala lang yun…hinahanap ka kasi…tama..hinahanap ka kasi ng teacher natin..”

 

              “oh? Wala naman naghahanap sakin the next day ah”

 

              “yun ba? Sinabi ko kasi sa teacher natin na umuwi ka na”

 

              “ahhhh…”

 

 

Kinabahan ako dun ah. Buti nalang nakaisip agad ako ng dahilan. Hindi naman kasi pwede na sabihin ko sakanya na, hinahanap kita kasi gusting makita yung itsura mob ago kita patayin, diba hindi naman pwede yun? Mamaya magbago pa tinging niya sakin.

 

Pero wait, bakit ko ba inaalala yung tingin niya sakin. Hindi pwede to..kailangan kalimutan ko na siya..hindi pwedeng magkagusto ako sakanya…hindi ko kayang tanggapin yung pamilya niya…..after ko kumain pinauwi ko na siya, hindi ko na kasi maintindihan yung sarili ko, pag kasama ko siya nawawala lahat ng galit ko at parang nawawala sa focus yung utak ko

 

Bago pa ko umakyat nakita ko si Cherry na papasok ng bahay, sinalubong ko siya.

 

 

              “bakit ngayon ka lang? nag-alala ako sayo ah”

 

              “Tss. Wag mo nga akong niloloko. Teka yung lalaking nakita ko kanina, siya ba yun?”

 

              “Ha?”

 

              “siya ba yung lalaking papatayin mo?”

 

              “Teka..Cherry..panong..”

 

              “Narinig kita habang kausap mo yung Cassy sa phone. Hindi ka ba naaawa? Ganyan ka ba kasama?”

 

              “Cherry..para kay papa to..”

 

              “Kay papa nga ba? O para sayo? Para masatisfy mo yung sarili mo kasi nung araw na namatay si papa wala kang nagawa? Kasi nung araw na yun natakot ka. Kahit gusto kong pumunta kay papa wala kang ginawa kung hindi pigilan lang ako. napaka selfish mo, at alam mo..dahil diyan kaya lumayo yung loob ko sayo..pilit mong sinisisi sa ibang tao yung mga pagkukulang mo…”

 

              “TAMA NA!” sinampal ko siya.

 

              “Cherry sorry…hindi ko sinasadya..”

 

              “ganyan ka naman eh.. puro nalang sorry..bakit may nagawa na ba yang sorry mo?”

Previous Page of 2Next Page

Comments & Reviews (4)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Cast

Seo Ji Hye as Jane
Park Shi Hooas Mark

Who's Reading

Recommended