❧ Chapter 12 ♥ Mr. Leader to the Rescue.

1.6K 38 4
                                    

Chapter 12 : Mr. Leader to the rescue. 

*Jacey's POV* 

Nagising ako ng makarinig ako ng mga nagtatawanan. 

Sht. Ang sakit ng ulo ko. Hahawak na sana ako sa ulo ko kaso...

Sht. Nakatali ung kamay ko. Dinilat ko naman ang mga mata ko at...

"Bro, gising na. Tawagin  mo na si Leader." -Isang lalaki na naka-upo sa sofa. 

Apat silang naka-upo sa sofa kaso di ko masyadong maaninag yung mukha nila kasi nga nahihilo pa ko. 

Pati pala paa ko nakatali. 

Tumayo yung isa at umakyat. 

"Si-sino ba ka-kayo? Ano bang ka-kailangan niyo?" -Ako na hindi makapag salita ng maayos. 

Nakaramdam ako ng tumutulo sa braso ko. Pagtingin ko yung sugat ko pala, dumudugo. 

Hindi nila nakikita na dumudugo yung sugat ko kasi nasa likod nga ng braso ko yung sugat. 

Bumaba ang dalawang lalaki. Yung isa lumalapit sakin at yung isa ay umupo sa sofa.

Tinatry kong tanggalin yung tali kasi hindi naman ganun ka higpit. Siguro akala nila ganun ako kahina.

Nasa harap ko na yung lalaki na 'Leader' ata nila. 

"Ano bang kailangan mo?" -Sinabi ko yun ng mahina lang na boses, nanghihina ako eh. Tinatanggal ko paren yung tali sa kamay ko. 

Linapit naman nung 'Leader daw' yung mukha niya sa gilid ko at ngayoy magkadikit na ang ulo namin. 

Pilit ko parin tinatanggal yung tali. Malapit na. 

"A simple revenge." -bulong niya sakin at...

Hinalikan yung leeg ko. Yung parang smack lang.

Natanggal ko na yung tali at yung 'Leader daw' ay lumayo ng konti sakin. 

*PAK* 

Ayun nasampal ko siya. Yun lang ang kaya kong gawin ngayon, eh sa nanghihina ako eh. 

Dahan-dahan siyang lumingon sakin. 

At pagharap niya kitang kita ko yung mukha niyang inis na inis. 

*Someone's POV* 

Ouch, sakit nun! Nasampal si Leader eh. 

Teka? Natanggal niya yung tali sa kamay niya? 

Ay oo nga pala, di namin yun hinigpitan. 

Dahan-dahang lumingon si Leader dun sa babae at mukhang inis na inis. 

Yung babae naman parang namumutla na nanghihina. 

Biglang hinawakan ni Leader yung magkabilang balikat nung babae at itinayo niya ito. 

"A-aray." -Yung babae. 

Parang nagulat naman si Leader dun. 

Biglang binitawan ni Leader yung isang braso nung babae.

O_O Nagulat kami.

Puro dugo yung kamay ni Leader. 

Biglang nawalan ng malay yung babae. 

Nag-sitakbuhan kami papalapit sakanila. 

Hinawakan ni Leader yung braso niya at tinignan. 

O_O Ba-bakit may hiwa? 

"Shit, kaya pala kanina nang-hihina siya." -Leader. 

The Outstanding Princess.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon