Chapter One

637K 7.9K 1.1K
                                    

Walang intro, tinatamad ako! Haha. Nga pala si Lawrence Alcantara yung nasa gilid! ^____^ --->

Enjoy reading!

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Minulat nya ang kanyang mga mata. Medyo napipikit-pikit na rin ito dulot ng pagod at antok. Anim na oras na syang nakatutok sa computer, pilit nya kasing tinatapos yung project nya sa Geometry. Bukas na kasi ang deadline nito at hanggang ngayon front page pa lang ang nagagawa niya.

"Bakit kasi kelangan pa ng explain it in your own words!!! Bwisit talaga yung teacher na yun!" Bulong nya sa sarili habang pilit binubuksan ang mga mata. Tiningnan nya ang oras sa computer. 



2:30 am.

Napabuntong hininga sya, wala nanaman syang tulog. Parati na lang; tumayo sya at lumabas ng kwarto. Pumunta sya sa kusina at kumuha ng mug sa cabinet. Makapagkape, oo tama pampagising. Isip nya. Kumuha sya ng kutsara habang nakapikit ang kanyang mga mata.

"Ba't gising ka pa?" Isang boses ang nagmulat ng kanyang mga mata. Oo nagulat sya nung una pero nung narealize nya kung keninong boses yun nanggaling. Pinikit lang nya ulit ang kanyang mata.

Kinuha nya ang mug at nagsimulang maglakad.

"Tinatanong ki—"

"Gusto kong m..magpuyat eh...Pakealam mo ba?!" Naiirita nyang sagot. Dahil sa bwisit na project na yan!! Yun sana ang gusto nyang sabihin kaso mamaya mag-away lang sila. Di na talaga sya makakatulog nyan.

"May pasok bukas. Matulog ka na." SImpleng tugon ng lalaki. Nagpatuloy lang si Noneen sa paglalakad. Di na lang niya ito pinansin.



Huh nagsalita ang hindi papasok. Isip nya. "Sa trip ko eh." Inaantok nyang sagot. Naghikab sya, grabe ang sakit na ng likod at katawan nya. Gustong gusto na nyang puntahan ang kama. Medyo mabagal syang maglakad kaya't naabutan pa sya nito. Inaagaw nito sa kanya ang hawak hawak nyang mug at uminom ng kapeng kanyang tinimpla.

Pareho sila ng taste kung di nyo lang alam.

"Di ka pa tapos sa project mo no??" Tanong nito sa kanya. Magparesearch ka banaman kasi ng sobrang haba?! Di na ito sumagot at inaagaw ang kape niya mula kay Lawrence. Uminom sya para medyo magkaroon sya ng lakas kahit papaano.

We Are Married?! (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon