Previous Page of 4Next Page

Pinky Promise

spinner.gif

SHONE'S POV

 

-SIMBAHAN-

 

 

Lord,

 

hindi ko po talaga alam kung bakit pinakilala niyo si Xionnen sa akin, kung ano ba talaga ang magiging role niya sa buhay ko. pero, isa lang po talaga ang alam ko... masaya ako at nakilala ko sya.

 

 

Heesh. alam kong masyado pang maaga pero nung makabangga ko sya kanina, parang kahit unang beses kong nakita ang mga mata niya, nasabi ko na agad na gusto ko sya  na ang babaeng makakasama ko habambuhay..

 

pwede po kaya yun?

 

alam niyo naman na hindi talaga ako malapit sa mga babae, para sa akin, hindi ko sila kailangan para makumpleto ako, pero nagbago iyon.

 

nagbago iyon ng makilala ko si Xio---

 

 

 

"Shone, tapos ka na? pwede na tayong umalis. ^___^" gambala ni Xionnen sa pagdadasal ko. Sa bagay, di naman kasi niya alam na kinakausap ko yung Diyos eh, nakatayo lang naman kasi ako sa likuran niya habang nagdadasal sya.

 

 

"ah. yeah. let's go." tapos, lumabas kami sa Simbahan. pero bago iyon, sinabit muna ni Xionnen yung binili niyang sampaguita sa isang poon doon.

 

 

Heesh. Sampaguita na ang paborito kong bulaklak simula ngayon! ^_______^

 

---

 

"Sige Shone! thank you so much for the ride! See you again! ^______^" paalam sa akin ni Xionnen nung makababa sya ng kotse ko. Ipagbubukas ko sana sya kaya lang, bumaba na sya agad eh. Sayang naman, minsan na nga lang ako magpaka gentleman eh (-___-)

 

 

"BABYE SHONE!!! ^______^ " ngiting ngiti niyang sabi at kinawayan ako saka sinara yung gate nila at tumakbo papasok.

 

 

*O*

 

Peste. natulala na naman ako sa kanya! bakit ba humihinto ang oras ko sa mga ngiti niya?! ayos naman sa korni ohh! nakakainis pero anong magagawa ko!

 

 masyado siyang mabait at madaling pakisamahan, bonus na yung cute sya at maganda niyang ngiti, pakiramdam ko tuloy...

 

 

di magtatagal, mahuhulog na ang loob ko sa kanya.

 

 

---

 

AFTER SEVERAL DAYS ...

 

 

"Shone, tama ba ang ginagawa ko?" tanong sa akin ni Ianne atsaka ipinakita sa akin yung libro niya.

 

"oo tama yan, tuloy mo lang." sabi ko sa kanya. Naggagawa kasi sya ng assignment niya sa Calculus. Heesh. ano namang alam ko dun. ayoko din ng mga numero noh.

 

 

"talaga? You're dead kapag mali mali ang sagot ko! >__<" sabi ni Ianne sa akin at nagpakadalubhasa na naman.

 

 

Nandito kami sa Rehearsal Room ng Ballet Club. napapadalas ang pagtambay ko kasama si Ianne dito, syempre, nagbabakasakali na makita ko si Xionnen. ilang araw na din kasi ang nakakaraan eh.

 

ewan ko ba kung bakit ko sya hinahanap- hanap. Naadik na yata ako sa kanya eh (~_~)!!

 

 

 

*beep beep

 

 

"Shone, pabasa kung sino yung message. kapag si Xave, pakireplyan na lang na busy ako." utos sa akin ni Ianne. sinunod ko na lang sya, ganyan naman yan eh. inaaalila ako. (_ _)"


kinuha ko yung phone niya malapit sa akin. nakaupo lang kasi kami sa may lapag at nakasandal pero syempre, dahil primadonna si Ianne, yung kanya may unan pa para hindi dumikit sa dingding yung likod niya. sabi pa nga niya papagawa sya ng sarili niyang  trono dito sa Rehearsal Room nila eh. Heesh. Ianne talaga. umandar na naman ang pagiging Primadonna (_ _)""

 

 

1 new message received!

 

 

From: Xionnen

Hello Ianne! tapos na ang klase ko. busy ka ba? gusto kasi kitang makakwentuhan eh! puntahan na lang kita kung di ka busy. ^____^

Sige sige! ill wait for your reply! ^___^



Binasa ko yung nakasulat sa message.

kung sinuswerte ka nga naman! Si Xionnen pa ang nagtext! Yes! Pagkakataon ko na toh!

 

 

Previous Page of 4Next Page

Comments & Reviews (12)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Media

2: I Want to be the Best

Cast

Kwak Min Junas Shone Paolo Cruz
Jung Rooas Xionnen Mylie Contis

Who's Reading

Recommended