Unspoken

1.6K 18 5
                                    

Unspoken 

By:DeathStar34

 ~~~

'In a world gone bad, a bear- even a bear -is a comforting, uncomplicated, dependable hunk of sanity.'

No, it's not.

For Thea, in a world gone bad, a bear - just a bear - can make it more worst, it's not comforting but a source of melancholia and hatred.

Saturday morning sunrise displayed radiant colors that slowly overcame the dark blue of twilight sky. Bright streaks of yellow enveloped the whole town. The morning is good but not Thea.

Pabalibag niyang binuksan ang kanilang tarangkahan at gaisa ang linya ng kanyang kilay na nakatuon sa akin. I guess she woke up at the wrong side of the bed again.

"Bakit nandito ka pa?!" puno ng pagkasuklam ang tinig ni Thea. Napayuko ako ng ulo. Hindi ko kayang tignan ang mukha niyang puno ng galit at hinanakit. Nasasaktan ako sa kaalamang pati sa akin ay namumuhi siya gayong wala naman akong ginagawa para sumama ang loob niya.

Narinig ko ang mga yabag niyang papalapit sa kinauupuan ko hanggang sa tumigil ito. Ramdam kong nasa harap ko siya pero hindi ako kumibo.

"Bakit ka pa nagpakita sa akin? Gusto ko nang makalimot eh," I heard her cuss as her voice broke. I felt like I was stabbed at my left thoracic cavity.

Muli siyang naglakad. In my peripheral vision, I saw her sat on the ground parallel to me.

'You're so near yet you're so far away,' sambit ko sa sarili ko. Oo Thea, mula nang sinaktan ka niya, mula nang umiyak ka ng sobra-sobra, pati sa akin ay lumayo ka na. Hindi ba't ako ang anti-depressant mo? Ang pumapawi sa lungkot mo? Ang nagpapangiti sa'yo? Hindi ba't kinikilig ka dati kapag nakikita mo ako? Bakit ngayon hindi na? Bakit pati sa akin nag-iba ka na?

Naalala ko tuloy ang una nating pagkikita. Kasama ko pa nga siya at siya mismo ang nagpakilala sa akin sa'yo. Kitang-kita ko sa bilugan mong mga mata at sa mapupula mong labi ang labis na pagkatuwa. Hinawakan mo ako't tumingin ka sa mga mata ko. I knew, in that very moment, you fell in love with me. So am I with you.

Mula noon, lagi nang nakaguhit ang ngiti sa iyong mga labi kapag ako'y iyong nakikita. Natutuwa akong pagmasdan ka habang walang sawa mong ikinikwento sa akin ang tungkol sa inyong dalawa. Kasama n'yo ako sa pagbuo ng inyong pangarap. Nagagalak ako kapag niyayakap mo ako. I felt the love everytime you encircled your arms around me. You're young and enamored.

Walang pagsidlan ang iyong galak. Halos linggo-linggo'y may nireregalo siya sa'yo at tuwang-tuwa mo itong ipapakita sa akin. Flowers, chocolates at mga key chains na iyong koleksyon. Lahat ng iyon inilagay mo sa isang kahon at sinabi mong bantayan ko iyon. Ginawa ko naman.

Minsan, sinasama n'yo ako sa inyong mga lakad. Pareho kayong masaya habang magkahawak kamay, ang cute n'yong tingnan. Nawiwili akong panoorin kayong maglambingan. Kinilig akong marinig ang iyong pangako sa isa't isa na walang iwanan.

Pero, hindi pa kayo umabot ng una ninyong anibersaryo'y nagkalamat na ang relasyon ninyo.

Nainis ka sa kanya, sa akin mo iyon ibinaling. Nagalit ka sa kanya, pero ako ang pinagsusuntok mo. Wala akong magawa kundi damhin ang lahat ng iyon. Nasaktan ako, oo, pero mas nasasaktan ako habang nakikita kitang lupasay sa sahig at walang tigil sa pagluha ang iyong mata.

Nagdaan pa ang ilang araw, nalaman kong wala na kayo, na tuluyan ka na niyang iniwan. Gumuho ang mundo mo nang mga panahong iyon, kasabay ng pagkawasak ng binitiwan niyong pangako sa isa't-isa.

One-Shot Stories (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon