Chapter 36

163K 2.1K 191
                                    

Chapter 36

SYDNEY'S POV

Habang kinukuha ni Andrei ang mga gamit sa sasakyan ay nauna na akong pumasok sa loob ng bahay.

Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang pamilyar na malawak na sala namin. Walang masyadong nagbago sa itsura ng bahay. Ang mga picture frames na may pictures namin ni Andrei ay nakapatong pa rin sa mesa. Kahit ang mga displays na nakasabit ay hindi nagbago. Parehong pareho ang itsura ng bahay bago ako umalis. And the sight gives me the warm feeling of as if nothing ever happened.

Nakarinig ako ng mga boses na galing sa kusina kaya pinuntahan ko iyon. The moment I saw to whom the voices belong to, I immediately wanted to run towards them and hug them. Hindi ko ugali na maging sweet sa kanila pero dahil siguro sa sobrang tagal naming hindi nagkita kita, hindi ko napigilan ang sarili kong puntahan at yakapin sina Kayla at Tricia.

Pareho silang nagulat sa ginawa ko pero mas nagulat sila ng magsimula akong maiyak. Ngayon lang kasi nila ako nakita na iniiyakan sila.

"I miss you both." Sabi ko sa kanila.

Nang makarecover sila sa shock ay niyakap na rin nila ako.

"Group hug!" Sabi ni Tricia at inipit nila akong dalawa.

"You bitch! Huwag mo na ulit gagawin yun! Hindi masayang gumawa ng kalokohan kapag wala ka." Kayla said.

Natawa na lang ako. Kahit kailan talaga panira ng mood si Kayla. I was being sweet yet she ruined it.

" Oo nga. Wala na kaming maituro kapag tinanong kami kung sino ang pasimuno." Tricia added

" Why do I feel like you didn't really miss me?" Natatawa kong sabi

"Are you crazy? Sa sobrang pagkamiss namin sa'yo, ililibre ka daw ni Tricia" Kayla said

" What the f!" Tricia shockingly said. Humiwalay rin siya sa yakapan namin. "Hoy Kayla, bakit bigla bigla ka na lang nagtuturo. Wala akong sinasabing manlilibre ako ha. I'm on financial crisis. In tagalog, pulubi ako ngayon."

"Eto naman! Minsan lang naman. Besides, we're finally complete. Hindi mo ba namiss si Sydney? What kind of friend are you?" Kayla said dramatically.

"Why don't you treat us instead Kayla. Tutal, ikaw naman ang may idea." Tricia retorted

"I'm also on financial crisis. In tagalog, pulubi rin ako ngayon."

"Minsan ka na nga lang manlilibre. Besides, hindi mo ba namiss si Sydney? What kind of friend are you." Sabi ni Tricia na ginaya ang sinabi ni Kayla kanina.

Mukhang naasar si Kayla sa sinabi ni Tricia. They really have always had a way of getting under each others skin. Natawa na lang ako.

"Why don't I treat everyone instead." A voice from behind me said. He immediately wrapped his arm around my waist when he got to my place.

Nakita kong nagningning ang mga mata nina Kayla at Tricia. Basta libre, nag-iiba ang mood nila pareho.

"Are you sure you want to treat them? Hindi lang halata pero malakas kumain ang dalawang yan." I whispered to Andrei. Natawa siya sa sinabi ko.

"Hindi ako tumatanggi sa libre!" Kayla shouted excitedly

"I second the motion!"Tricia added.

"I think it's too late to take my word back. Feeling ko bubugbugin nila ako kapag binawi ko ang sinabi ko." Andrei jokingly whispered to me. I chuckled to what he said. 'Hindi ka nila bubugbugin Andrei, they would kill you.' I thought to myself.

You are My Home (PUBLISHED under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon