Stupid Regrets [ One Shot Story ]

15.3K 387 83
                                    

Stupid Regrets

Written By : SuperNinJaDoo

Genre: Romance, Humour

Date Posted: February 2014

P.S Another matagal ng na draft na One Shot medyo trip ko lang na irelease ha?Inspired to sa story na classmate ko well ginawa ko lang talaga na kakaiba ang approach nito AHAHAHAHA Pwede po bang mag comment tayo after we read the story for Voilent or lovely reactions! Yipee!

----

Stella's POV

Alam nyo yung nakantingin lang ako sa kanya pero buong buo na ang araw ko. Basta ang alam ko lang habang nakikinig kami ng lectures nya tungkol sa kung saan na wala naman akong pakialam, napakasaya ko. Basta ang saya saya ko...

He's my first love yun nga lang  unrequited. Kasi Senior ko sya, Basta nagbibigay lang sya ng lectures tungkol sa magiging Midterms namin tapos ako titig na titig lang sa kanya. Basta ang alam ko, magaling sya..

Erick Song ang pangalan nya, Matalino sya pero gwapo.

"Do you have any questions?" tanong nya sa amin. Umiling iling ako ako habang nakatingin lang sa kanya. Pero may tanong talaga ako. Gusto kong itanong kung single pa ba sya at kung pwede ba nya ako ligawan? pero impossible yun, hindi nga nya ako kilala eh.. Hindi nya ramdam ang existence ko.

Siguro pag tinanong mo sya kung sino ako ang isasagot nya. Sya yung babae na laging maingay sa Class 4B. Yun kasi ang totoo eh, Sa tatlong taon siguro na nagaaral ako sa skwelahan to. Lahat na ng bagay ukol sa kanya nalaman ko pero ako hindi man lang nya kilala.

Lahat ng babae room, gusto sya.. He is the ideal guy siguro if you are a hig school student na nagkaroon ng gusto sa college guy. Isa na ako dun pero again, Hindi nila ramdam ang existence ko "ano na ba? Maganda na ba ako?" tanong ni Althea sa amin.

Vocal kasi sya at alam namin sa buong barkada na may gusto sya kay Erick. Pati nga si Erick ay batid na rin to. Pero ningingitian lang sya lagi ni Erick 'oh ano gurl? tatabihan ko na si Kuya Erick?" tanong nya sa akin.

Kasalukuyan kasi na may jinujudge na performance si Erick. He is one of the panel, gusto nya kasing makita kung maaply ba namin ang tinuro nya. Gusto ko sanang sabihin kay Althea na wag ka ng tumabi sa kanya para magawa ko naman ito pero hindi ko magawa. Kasi tumabi man ako sa kanya o hindi..

Hindi pa rin nya ako mahahalata... What a stupid reason diba? 

"Ah.. sige tabihan mo na sya para naman masaya" sagot ko sa kanya. Lumiwanag ang mukha ni Althea as she made her way to seat beside him, they started talking.. Alam mo yung bawat minuto na nakikita mo silang nagkakangitian ay sobrang sakit. Hindi ko alam kung bakit pero iba ang sakit.

Buong minuto ay hindi ako nakinig sa nagsasalita sa harap ko. Kahit kausap ako ni Trina ng mga oras parang walang pumapasok sa isip ko "Tara.. let's ask kung maayos na ba ang performance natin?" pagtatanong ni Dean sa amin. Niyaya nya kami na kausapin si Erick.

Stupid Regrets [ One Shot Story ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon