Epilogue: Buzzer Beat.

13.8K 195 33
                                    

Epilogue: Buzzer Beat.

Serene’s POV:

 

Nakatitig pa din ako sa pregnancy kit ko at nagkulong dito sa kwarto ko. I can’t believe I’m pregnant. I am pregnant. A life is in my womb. A new life. My new life. My… my child.

Kinuha ko ang phone ko at akmang tatawagan si Bart nang maalala ko nanaman yung kanina. He kissed someone. But it’s just on the cheek. Tatawagan ko na ito nang magbago ang isip ko. He still kissed someone. He cheated. He... doesn’t love me anymore.

“Baby, your father doesn’t love us.” At saka ako umiyak ulit. Dmn this hormones. Iyak ako ng iyak. Ang isip bata ko na.

Nakatulog ako ng umiiyak, mga alas-dos ng madaling araw nang magising ako. Gusto kong kumain ng tinola. I'm craving. Kaso hindi naman ako marunong magluto. Good thing, nandito sila kuya ngayon, dahil weekend naman.

Nakatayo ako sa tapat ng kwarto nila kuya, nagdadalawang isip kung kakatok ba ako o hindi. At... Hindi ako kumatok. Nahihiya naman akong mang-gising ng ganitong oras. Tsaka, baka mamaya magtaka at kwestyunin pa ako nun. Ayoko pa munang ipaalam na ano.. Buntis nga ako.

Kaya I had no choice but go to the kitchen and cook for my self. Nilagay ko sa lababo yung manok, tutunawin pa, frozen pa siya eh. Kumuha ako ng luya, bawang at sibuyas. Hiniwa ko iyon at inilagay sa isang tabi.

Kumuha ako ng mainit na tubig at nilagay iyon sa isang malaking container tapos inilagay ko dun sa container na may mainit na tubig yung pinaglalagyan ng manok, ang tagal eh.

Naupo lang ako habang naghihintay, nang ma-bored ako sa pag-upo ay kinalikot ko yung mga nakadikit sa fridge. Kinuha ko yung invitation para sa kasal nila Shanna na gaganapin na three days from now.

Si Trixie kinasal na, si Shanna tatlong araw na lang ikakasal na. Tapos si JP magpo-propose na kay Ni--

"Serene?"

Nabitawan ko ang invitation dahil sa gulat at lumingon sa taong tumawag sakin. Si Ate Keira.

"Ate? Anong ginagawa mo?"

"Nagugutom ako eh. Ikaw?"

"Nagugutom din po. Di kasi ako kumain kanina."

"Oo nga, tinatawag ka ng kuya mo. Hindi ka naman sumasagot. Anong niluluto mo?" Sabi niya habang may kinukuha sa Fridge. Yung cake pala.

Nilapag niya yun sa lamesa at kumuha ng platito. Inalok niya ako pero tumanggi lang ako. Bigla kasing parang namilipit yung tyan ko nung sinabi niyang cake, parang gusto kong masuka.

"Tinola po." Tumango siya at sumubo nung cheesecake niya. Napatingin ako sa pagkain niya at napatakbo ako sa lababo at sumuka. Peste!

"Serene!" Tumayo siya at inalo ako sa likod ko. Naramdaman ko yung umbok niyang tyan at kumalma naman ako. Nagmumog ako at humarap sakanya.

"Okay ka lang?"

"Opo. Medyo masama lang ang pakiramdam ko."

Basketball Love Affair 3: Buzzer BeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon