Prologue
“Maawa kayo samin, wag nyong idamay ang pamilya ko dito?!” Lumuhod sa harap ng isang armadong lalaki si Mr. Rommel Padilla at nagmakaawang humalik pa sa kamay ng lalaking nakatayo sa harap nya.
“WAAAAAAAAAAAA” malakas na ngawa ng 5 years old na batang si Daniel sa sobrang takot nito. Kahit halos wala pang muwang, naiintindihan na nya ang nangyayari. Nasa panganib silang lahat at papatayin ang tatay nya.
Sa harap mismo nilang mag-ama nakita nya kung pano pinagsamantalahan at pinatay ang nanay nya. Ngayon naman, namamalimos ng awa kapalit ng buhay nila ang tatay nya.
“PATAHANIN NYO YANG BATANG YAN!” Lalong natakot si Daniel sa malakas at malaking boses ng lalaki. Nakatutok ang hawak nitong baril sa noo ng tatay nya habang umiiyak na at nagmamakawa ito na huwag idadamay ang anak.
“Alam mo naman kung sino ang binangga mo diba? Pero tinuloy mo pa rin. Madali akong kausap Rommel…pag sinabi ko, ginagawa ko.” Mahinahon at natatawang sabi ng lalaki habang tinatapik pa ng baril ang pisngi ni Rommel.
“Papa!” sigaw ni Daniel pero hindi sya makalapit. May baril ding itinutok sa dibdib nya ang isa sa mga kasamang lalaki ng kaaway ng tatay nya. Alam ni Daniel na mapanganib ang armas nila dahil sa panonood nya na rin ng mga cartoons sa telebisyon.
“Tumahimik ka sabi eh!” isang malakas na pagpalo ang naramdaman ni Daniel sa na tumama sa ulo nya. Sa sobrang lakas bumagsak ang maliit nyang katawan sa kinauupuang sofa at unti-unting nagdilim ang paningin at humina ang pandinig nya.
BANG!
Yoon ang huling tunog na narinig ni Daniel bago sya nawalan ng malay.
~~~
“Wag kang matakot… hindi kita sasaktan.” Nakangiting sabi ng isang lalaki na naglalaro sa 30 ang edad, pagmulat ng mata ni Daniel. Mejo masakit pa ang parte ng ulo nya na tinamaan ng kung ano kanina at nawalan sya ng malay.
“Papa…? Mama…?” Parang nawawalang bata si Daniel. Hindi nya masyadong Makita ang mukha ng lalaki dahil nakashades ito at madilim ang parang bodegang paligid na kinalalgyan nya. Nakahiga lang sya sa mga magkakadikit na sako. Nagsimula nanamang kabahan at matakot si Daniel pero pinigil nyang umiyak sa takot na baka magalit ulit ang mga tao sa paligid nya at saktan sya ulit.
“Oh, wag iiyak, lalaki ka, dapat matapang ka. Para walang aapi sayo.” Marahang sabi ng lalaki at kumuha ito ng panyo para punasan ang isang luha na nakawala sa bata.
Napangiti sya nang Makita kung paano labanan ng batang kaharap nya ang pagpatak ng luha nya.
“Wala ka nang Mama at Papa. Pinatay na ng kaaway nila. Iniligtas kita kaya nandito ka ngayon.” Walang kaabog abog na sabi ng lalaki na parang matanda na rin ang kausap at hindi iniisip na matrauma ang bata.
Nagsimulang humikbi si Daniel matapos maintindihan ang sinabi ng kausap pero pilit nyang nilalabanan ang luha. Ayaw nan yang may makakita na umiiyak sya lalo na ngayon na mag mga matatandang nakapalibot sa kanya kasama ng ilan pang bata na mukhang ulila na rin.
“Iyaken!” tukso ng isang batang mataba at hamak na mas matangkad sa kanya.
“HINDI AKO IYAKEEEENNN!” galit na sigaw ni Daniel habang tatawa tawa ang matabang bata na parang inaasar pa syang lalo. Hinayaan lang ito ng lalaking kausap nya at napatingin sa kasamahan nito na may hawak sa batang mataba.
“Iyakin ka eh! Ayan oh, kawawa naman iiyak na..huhuhu.” pambwibwisit ng bata.
Napakunot noo at naniningkit na tinignan ng masama ni Daniel ang bata. Napakuyom ang mga palad nya at biglang nagtatakbo papunta sa bata sabay suntok sa pisngi nito.
“Hindi ako iiyak! Hindi ako iyaken! Hindi! Hindi! Hindi!” galit na galit na pinagsusuntok ni Daniel ang bata hanggang sa napa-akap ito sa sarili para sanggahin ang mga suntok ni Daniel.
Ibinuhos ni Daniel ang takot, kaba, inis, galit sa bawat suntok nya hanggang sa dumugo na ang ilong ng bata at pumutok ang labi. Tsaka lang inawat ng kasama nitong lalaki ang dalawa.
“tama na yan!” hawak sa magkabilang braso ang lalaki si Daniel.
Add to your private library
My LibraryAdd this story to your public reading lists
| Daniel Padilla | as DJ |
| Enrique Gil | as Quen |
| Mara Schnittka | as Julia |
| Kathryn Bernardo | as Kath |