Last na 'to [One Shot]

2.7K 66 55
                                    


**

Pinagmamasdan kita. Nandoon ka sa tambayan niyong magkakabarkada, sa ilalim ng punong mangga. Napayuko na lamang ako.Natatandaan ko pa, dito tayo unang nagkita. Pilit kong inaakyat ang punong iyon makakuha lang ng Indian mango.

 "Ang tanga mo naman! Ako na nga ang aakyat!"

13 years old na ako nun at ikaw naman ay 14. Sa di malamang dahilan, na-out of balance ako, nahulog syempre. Akala ko, pagmulat ko ng mga mata, bali bali na ang buto ko. Pero hindi, nasalo mo ako.


"Tsk! Langya. Ginawa mo pa akong unan mo. Alis nga! Alis!"

Sa sinabi mong yon, automatic akong napatayo.


"S-sorry." Sabi ko habang nakayuko.


"Next time nga, wag kang mahuhulog nang di mo alam kung may sasalo sayo o wala! Ako tuloy yung napahamak!" nagpapagpag ka ng damit mo sa likod nang sinasabi mo yon.


'Sana hinayaan mo nalang akong mahulog.'  Nasabi ko na lamang sa sarili ko.


Natauhan naman ako nang may nakita akong anino sa harapan ko.

"Siya  na naman ba?" banggit niya.

Dahan dahan akong tumango.

"Masaya ka pa ba sa ginagawa mo?"

 Siya nga pala yung nakilala ko dito. Dito sa mismong kinatatayuan niya, dito niya ako unang nakita.

"Don't worry. Ginagawa ko to para sa sarili ko, hindi para sa kanya."

 Napatingin na lamang kaming dalawa sa kinaroroonan mo. Masaya kang tumatawa kasama sila. Nahihiya ako sa'yo. Hindi kita nakitang ganyan kasaya,noong ako pa ang kasama mo.


"Pang ilan na?"

Napaisip na lamang ako. Matagal na din pala.

"209." Tipid kong sagot.

--

Nandito ako ngayon sa canteen. Ako lang mag-isa. Nagsawa na siguro talaga silang pagsabihan ako. Hindi naman kasi ako nadadaan sa pangaral. Pero, naalala na naman kita.


 "Ano ba? Ayusin mo naman! Nandito ako para turuan ka hindi para ubusin lang ang laway kakapangaral sayo. Bwisit naman. 6 na oh!"

Napayuko na naman ako sa sinabi mo. Ang sakit. Hindi ko naman siguro kasalanang mahina ako sa Advanced Math. Nawalan ako ng lakas ng loob sabihin sa'yo na nasasaktan na din naman ako sa mga sinasabi mo. Pero wala, nahiya na naman ako sayo.


"S-sorry."


"Alam mo ilang beses mo nang sinabi yan! Tinalo mo na talaga ang Suju dyan sa kasosorry mo! Kung ayaw mong magalit ako, pwes magtuga ka!"

Napapikit na lang ako. H-hindi ko kinakaya. Bawat salita sobrang diin. Kulang nalang, patayin mo na ako.

Kaso, wala akong nagawa. Pinilit kong intindihin ang mga sinasabi mo, pero walang pumapasok sa utak ko kundi yung mga pangaral mo.

Last na 'toTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon