Chapter 36

27.6K 349 47
                                    

Lhaine Lee Ramos - POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lhaine Lee Ramos - POV

Valentine's Day ngayon at puno ang school ng iba't-ibang booths. Kami ni Brix ang main na nakatalaga sa photo booth kasama ang ilang lower years. "Ate, Kuya, test naman natin itong camera oh," itinutok ng babaeng lower year sa aming dalawa ni Brix ang camerang hawak niya.

"Wow, bagay kayo!" sabi ng babaeng kumuha ng litrato at ipinakita niya sa aming dalawa ni Brix ang lumabas mula sa polaroid camera.

"Wow, mas maganda ka pa sa akin," baling ko agad kay Brix.

"Nice, bagay daw tayo," kinuha ni Brix ang litrato at inilagay iyon sa bulletin board. May voting kasi para sa 'best couple' mula sa mga litratong nakukuhanan namin.

"Baka makita ni Lee," saway ko sakanya.

"I don't mind," biglang lumitaw at lumapit si Lee sa bulletin board.

"Late ka? Kawawa naman ang mga kasama mo sa booth ninyo," sabi ko kay Lee at binalewala ko ang sinabi niya.

"Pinuyat mo ako eh," he grinned. Nagtinginan ang mga taong nakarinig sakanya.

"Napuyat sa kakareview!" malakas na sabi ko dahil parang naghihintay ng paliwanag ang mga nandoon eh. Hindi ko namalayan na umalis pala si Brix.

"Flowers ko?" pabirong sabi ko sakanya.

"Bakit naman kita bibigyan?" lumapit siya at pinitik ang noo ko. Ganito kami nitong mga nakaraang araw, puro asaran lang at kapag dumarating ang seryosong usapan ay iniiba namin agad ang topic. I really don't mind as long as we're together.

"Ako nalang ang magbibigay sa'yo," sumingit si Brix at bigla nalang niya akong inaabutan ng bouquet.

"BRIX IKAW NA!" sigaw ni Czar hindi kalayuan sa amin.

"Hindi mo ba tatanggapin?" kinuha ni Lee ang bouquet mula kay Brix at inabot iyon sa akin. Kukunin ko na sana iyon pero dumulas nalang ito bigla sa kamay ko at nahulog. Namamanhid ang buong katawan ko.

"Excuse me," nagmadali akong umalis sa harap nilang dalawa. Kaunti nalang talaga ay mahihilo na ako sa harapan nila. Sa likod ng school ako pumunta para magpahinga.

"There you are. Galit ka ba sa ginawa ko?" sabi ni Brix nang makita niya ako sa pwesto ko.

"That was really childish. Alam mo namang ginagawa ko ang lahat para mas mapansin niya ako eh," naiinis na sagot ko sakanya.

"Any progress? Ginawa ko lang naman 'yun para tignan ang reaksyon niya. Malay mo ay makiliti kaunti ang utak niya at biglang magselos."

"Sana sinabi mo nalang sa akin na gagawin mo 'yun para hindi ako nagmukhang tanga."

"Pero gusto naman talaga kitang bigyan ng bulaklak kaya tanggapin mo na ito kahit bilang isang kaibigan lang," inabot niya sa akin ang kanina'y nahulog kong bulaklak.

SHE'S THE GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon