Chasing Glenn

Dedicated to
pilosopotasya
spinner.gif

Copyright © 2012 by prettychq18

 

 

All rights reserved.

NO part of this publication may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, or stored in a database or retrieval system, without the prior permission of the author.

______________________________________________________________________

Si Glenn.

 

Siya ang one true love ko. Siya ang araw ng bawat umaga ko at buwan ng bawat gabi ko. Siya… Siya ang tanging sinisigaw ng aking puso. Siya at siya lamang.

 

Simula grade 6 palang ako e patay na patay na ako sakaniya pero pademure pa ko nun kaya pasimple ko lang na tinataboy palayo yung mga babaeng lumalandi sakaniya. Isa lang talaga yung hindi ko mataboy at yun ay yung girlfriend niya, si Paris. E kasi naman kaklase ko yun at kung nangangat na ko ng tao, lumulunok naman yun ng buhay. Di siya carry ng beauty ko e.

 

Di bale, mas maganda naman ako sakaniya. Bwahahahaha!

 

Pati nagbreak din naman sila ni Papa Glenn my labs eventually. Yun nga lang, matapos kumalat yung balita na break na sila e bigla na lang naglaho ang Papa Glenn my labs ko. Hindi ko na siya nakitang muli matapos yun.

 

Ngunit! Datapwat! Sapagkat!

One day, isang araw, 4 years, apat na taon later…

 

“Hoy, tots! May chismax ako sayo!” Bungad ni tots sabay upo sa tabi ko. Hindi tots ang pangalan niyan kundi Kaycee. At mas lalong hindi rin tots ang pangalan ko. Rayne kaya. Ang ganda ganda e. Tawagan lang namin yung tots. Pero sa dinami dami ng pwedeng maging tawagan bakit tots? Actually, galing yun sa salitang UTOT. Yep. Utot. Kasi ang kagandahan naming dalawa ay parang utot.

 

WAGAS kung makapaghasik ng lagim. Bwahahaha!

 

“O ano na naman yan? Siguraduhin mong benta yan a.” Ngumisi lang ng nakakaloko ang bruha.

 

“Oo. Hindi nga ata benta sayo. Hindi benta sayo ang balitang bumalik lang naman si Papa Glenn mo from the US of A.

 

Sa mga salita palang na nasambit ni Kaycee, natigilan na ko.

Pero nung moment na biglang dumaan sa harap ko si Papa Glenn matapos magsalita ni Kaycee?

 

Parang bigla lang naman nagslowmo yung mundo ko.

Parang biglang nagtune out lahat ng tunog na naririnig ko.

Parang biglang nagkaron ng crystals na nagniningning sa paligid.

At parang bigla kong narinig ang tugtuging Moving Closer ng Never the Strangers.

 

Lahat yun nangyari habang sinusundan ko ng tingin si Papa Glenn my labs.

 

“Tots.” Napataas ang kilay ni Tots sa kakaiba kong mukha pag tingin ko sakaniya.

 

“I have to do something! Hindi ko na hahayaang mawala pa ulit sakin si Papa Glenn.”

 

 

And yes, friends.

Doon na nga nagsimula ang lahat.

Doon nagsimula ang PROJECT: CHASING GLENN na kinapapalooban ng limang stratehiyang pauso ni Kaycee.

Comments & Reviews (2)

Login or Facebook Sign in with Twitter


Vote library_icon_grey.png Add

Recommended

Ice Cream Parlor Love Story [ FINISH ]Plug In ( Short Story )DNA Test ♥ One Shot StoryThat First Heart Break </3