AWOTH SPECIAL 3: A Whisper to his Heart

11.9K 231 44
                                    

     Malalim ang buntong-hininga ni China habang nakaupo sa tabi ng puntod ng mother-in-law niya.

 

     Sa malayo narinig na niya ang unang tilaok ng tandang, hudyat na malapit nang mag-umaga.

 

     Gusto sana niyang tumakbo at mag-iiyak sa puntod ng lolo niya pero baka multuhin nito si Hezekiah kaya minabuti ni China na puntahan na lang si Venice. Kawawa naman ang asawa niya kung nagkataon.

     Nanghihinang tumayo siya dahil ramdam na niya ngayon ang pagod sa buong gabing paglilinis sa museleo ng mama ng asawa niya. Makintab na ang puntod nito ngayon dahil wala siyang pinalagpas na alikabok dala marahil ng stress niya sa anak nito.

 

     24 oras na niyang hindi nakikita ni aninong duling ni Hezekiah.

     Oa na kung oa pero pakiramdam ni China mababaliw na siya.

     Oo sinabi niya dito na kaya niyang mabuhay ng wala ito pero pakiramdam niya mababaliw naman siya.

     Paano kung hindi talaga siya sundan nito?!

 

     Paano kung mali siya? Tutal ilang buwan pa lang naman silang kasal paano kung kaya pala ni Hezekiah na mabuhay ng wala siya?

 

      “Mama! Help naman ‘jan? Diba boto ka naman sa akin?” sapilitang niyugyog niya ang bato sa paanan ni Venice.

     Maya- maya lamang hindi na niya napigilan ang emosyon niya. Walang arte na ipinahid niya sa muhka niya ang ngayoy maitim nang basahan na ginamit niya sa paglilinis ng buong gabi. Umiiyak na kasi siya.

 

      “ Paano ‘yun Ma?Hindi ata ako ang the one para sa anak niyo?” Uhog at lahat nakuha pa rin niyang biruin ang puntod ni Venice. Buong gigil na ibinunton niya kay Venice ang saloobin niya.

 

      “Gusto ko siyang sipain sa muhka pero gusto ko siyang halikan pagkatapos.

      Gusto ko siyang sakalin pero mas gusto kong hawakan ‘yung kamay niya.

      Gusto ko siyang kurutin ng pino pero mas gusto kong lambingin siya.

      Gusto ko siyang murahin pero mas gusto kong sabihin na miss ko na siya.

      Gusto kong ibigay ‘yung hinihiling niyang diborsyo kung ‘yun yung makakapagpasaya sa kanya…”

 

     Napatigil si China sa pagsasalita at pag-ngiti…. mahigpit na kinusot niya ang basahang hawak .  

 

      “….pero utak hipon ako e mas gusto kong tumanggi at masaktan kasi mahal ko ang anak niyo…”

 

     Naiinis na ibinato niya sa lupa ang basahan.

 

A Whisper of the Heart - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon