Potato & Lettuce Chapter II

174 10 0
                                    

-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-

                                          Potato & Lettuce
 
-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-

Ngayong senior na kami, madami nang nangyari. May kapatid na ako, 10 years old, si Sean. Binabawi ko na yung sinasabi ko noon na gusto kong magkaroon ng kapatid. Sakit kasi sa ulo. Buti nalang nandiyan ang mga kaibigan ko para pasiyahin ako. Nanatili parin ang masaya at buo ang aming bardakahan. Araw - araw sabay - sabay kaming pumupunta sa paaralan at pati na rin 'pag umuuwi. Sa isang subdivision lang kasi kami nakatira.

Isang araw, habang naglelecture kami tungkol sa functions, may namato ng papel sa akin. Nang tumalikod ako, tumatawa si RJ. Hay, ang bwiset kong kaklase at kapitbahay namin na naging dahilan ng pagiging close nila ng nakakainis kong kapatid. Lagi - lagi na lang niya kasi ako inaasar at pinagtitripan since gradeschool kami.

"Ano ba, RJ? Ba't mo ginawa yun?"

"Ha? Um, di ko alam. Muka ka kasing trashcan! Hahahahahahaha!!!!!"

sabay ngisi at nakipag - apir sa  bestfriend niyang si Peter na kaklase ko rin.

Hay nako mag bestfriend nga sila. Nakakairita. Panira talaga sila ng araw. Basta, bahala sila.

Recess time habang nag - oorder kami:

"Ui, Clara! May bagong website na umuuso ngayon, chat.com." sabi ni Franco

"Oo nga, Laos na yung facebook ehh." sabi naman ni Mary

"Gawa ka ng account, 'kaw nalang wala sa ating anim eh." sabi ni Jeremiah

"Um? Hindi naman ako mahilig sa mga ganyan eh." sabi ko

"Hay nako. Kung tinatapos mo pa yung Angry Birds, ako nang tatapos para sa'yo gumawa ka lang ng account. Hahahaha." sabi ni Kara

"Kung ayaw niya.... pilitin niyo! Hahahaha. joke! Hayaan niyo na kung ayaw niya... Kung magbago man isip mo, text ko na lang mga account namin, add mo na lang kami... (humarap siya sa nagtitinda) Ate, isa pong chicken sandwich atsaka C2." sabi ni Ashley

"Hay. pasensiya na badtrip lang. Um, o sige." sabi ko

Hay. malas pa ang araw na 'to. Wala ang favorite food ko sa menu. 

Uwian na! Buti na lang at makakapagpahinga na. Naalala ko ang sinabi nila at inopen ko yung website. Sinerch ko muna yung mga account nila. Nakakatawa naman mga username nila. Yung childhood names nila.

Eto Oh:

Name: Ashley

Username: aging26

Name: Mary

Username: chiki

Name: Kara

Username: loys

Name: Franco

Username: cocoy_hcu

Name: Jeremiah

Username: tamokmokers

 Hm, nagdecide na rin ako na gumawa ng account. Parang ang cool kasi ng username. Hm? Ano kaya ang maganda? Finill out ko muna yung ibang info na kailangan. Username nalang oh. Ah, alam ko na! Potato na lang! Favorite ko kasi lahat ng pagkain na may potato. Ayun nag add na ako ng mga kakilala ko at nag - confirm ba rin ng requests. Ang bilis! Meron na agad - agad. Wew!

-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-

All Rights Reserved

Levi_angelo98

M.M.K (Mga Maiikling Kwento)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon