Labing Anim
Parang nakalutang ako sa clouds. Feeling ko ang tingkad tingkad ng mundo. Ikaw ba naman ma engage sa lalaking pinapangarap mo.
Inspired na inspired ako sa trabaho. At nakagawa na ako ng plano ng magiging bahay namin. OO na, ako na ang excited! nagsisimula na din akong umasikaso ng kasla namin. Ni hindi ko namalayan na isang buwan na ang lumipas mula ng bumalik si tamadao sa Japan.
Napagkasunduan namin na magpapakasal kami pagkatapos ng pag aaral niya. In 5 months time, I will be Mrs Yanyan Sia. Shet! bagay na bagay lang! Napangiti ako ng malaki!
"Hoy adik! Isang buwan ka nang engaged pero ganyan ka pa din!" Nginitian ko lang si Jane. Iniling na lang niya ang ulo niya.
"Yes Jane?" Mabait na din ako sa mga tao. Hindi na ako nang aaway. Hindi na rin ako nagtataray. kunti na nga lang magiging saint na ako! Wahehehehe.
"Ikaw daw ang umattend dito sabi ni Sir JC." Binigay niya sa akin ang isang brochure. Tungkol ito sa conference na gaganapin sa Japan. Ang bait bait talaga ni Sir JC. Alam kasi niyang andun si D, kaya ako ang ipapadala niya.
I love you Sir JC. Hindi man ikaw ang makakatuluyan ko, but you will always be in my heart. Hahaha. Naks!
Hindi ko sinabi kay D ang tungkol sa conference. Gusto ko kasi siyang sorpresahin. Alam ko naman kung saan siya nagaaral at nagt-training. 3 days ang conference. And sa tatlong araw, tiniis ko na hindi makipagkita kay D. Anyway, nagleave naman ako ng 5 days sa office pagkatapos ng conference para naman may quality time kaming dalawa.Ahehehe.
Pagkatapos na pagkatapos ng conference, dumiretso ako agad sa hotel na tinutuluyan ko para magcheck out. Alam ko naman na hindi papayag si D na maghohotel pa ako samantalang may apartment naman siya dito.
After kong mag check out, pumunta na ako sa lugar kung saan siya nagttrain. Sobrang excited ako. Parang naiihi na ako sa sobrang excitement. I am practically fidgeting habang nasa taxi pa alng ako.
Pagdating ko sa lugar I ask kung saan ko pwede makita si D pero sabi nung receptionist nasa training pa sila and it would be finished after an hour. Babalik na lang daw ako but I insist on waiting. Isang oras lang naman na paghihintay.
Hindi ko alam na ganun pala katagal ang paghihintay lalo at excited ka. Naghintay ako sa may lobby at halos maubos ko na ang lahat ng magazine na hindi ko naman maintindihan kasi mostly are in Japanese.
Then came a bunch of Doctors. They are all wearing a white coat and chatting to each other. I looked at them excitedly. Hoping for a glance of Tamadao. My smile is plastered on my face. Tiningnan ko pa ang sarili ko sa salamin to make sure that i still look good after an hour of meeting. I was applying a lipgloss when I saw him.
And I saw her.
They are both walking side by side. Nakapulupot ang braso nung girl sa bewang niya habang nakaakbay siya sa girl.
I was shocked. Who wouldn't be shocked, seing your fiancee na may inaakbayan na ibang babae. And my heart contracted when he pulled her to him and the girl grinned and he grinned back.
Parang may sumasakal sa dibdib ko.
Pakshet!
Akala ko ba ako ang mang susupresa? Bakit ako ata ang nasorpresa?
Then it happened before my eyes. Nung malapit na malapit na sila sa akin. The girl stopped in front of him and pulled his head towards her.
She kissed him. On the lips.
Napasinghap ako but I immediately covered my mouth para walang sound na lumabas.
Add to your private library
My LibraryAdd this story to your public reading lists