040112

8.8K 204 90
                                    

{040112}
HAPPY APRIL FOOLS' DAY EVERYONE! :--) 

This one shot is dedicated sa aking best friend na si tootsieroll! Hehe ♥
Enjoy reading, guys! :)

________________________________________________________


April 1, 2012. 6:30am
Kwarto ko.

Grabe!
ANG AGA KO NAGISING NGAYON!
Nakaligo na ako at lahat kaninang-kanina pa.

Wala nga ata akong tulog dahil sa sobrang excitement! Hahahahaha! Kaw ba naman..

After 456789 years,
yayain ka ng ultimate crush mo na makipag-dinner date sakanya, MAKAKATULOG KA?? Ewan ko nalang =)))

Ako kasi.. HINDI! ^___^

Ako nga pala si Andrea.
Andi ang tawag nila sakin. Pero may isang bukod-tanging mokong sa mundo na tinatawag akong.. Aya.

Ewan ko ba dun kung saang kanto niya napulot yung Aya at kung bakit sa dinami-rami naman ng pwedeng itawag sakin, Aya pa! Eh diba tawag ng mga Chinese yun sa Kuya e. So anong pinapalabas niya dito!? Lalaki ako?! Kuya niya?! Kapal, mas matanda pa nga siya sakin jan e. HAHAHAHAHAHA! Joke lang syempre. Kahit pauso siya ng nickname ko, hindi mababago nun ang love ko para sakanya! =)))

Yep. In love ako sa mokong na yun. Dating dati pa.

Nakilala ko siya kasi naging magkapitbahay kami. ^_^
Bagong lipat sila sa village namin nun, galing silang Australia. 

Nung nalaman ko nga yung balita na yun sa yaya namin na hindi nahuhuli sa balita, na-excite akong makita siya! Gusto ko kasi ng bagong kalaro nun. Maliban kasi sa ate ko, wala na akong ibang friend na pwedeng maging playmate.

Tandang tanda ko pa, April 01, 2003 yung pinakauna naming pagkikita. 7 years old ako at siya naman, 8.

Alam niyo yung feeling na excited akong magkaroon ng kalaro na foreigner kasi wala lang, parang cool tas pagkakita ko sakanya nagulat ako, sobra.

Pano ba naman..



MORENO SIYA?!
Itim yung buhok niya?!
Dark brown yung mga mata niya?!

Ang layo sa ini-imagine kong..

Blonde.
Blue Eyes..
At fair complexion....

HAHAHAHAHA EH KASI NAMAN, SABI NG YAYA KO GALING AUSTRALIA EH! Kaya akala ko naman may lahing Aussie oh ano yun pala pinoy na pinoy. =))))))))

 

Pero kahit pinoy na pinoy yung dating..



Ang gwapo.
Sobra. Hahahahahaha bata palang, kinikilig na sa mga gwapo eh 'no.

Anyway, nung araw na yun, may dala akong soccer ball. Ang tagal ko nang gustong mag-soccer nun pero wala e. Yung natatangi kong kalaro which is my ate, ang mga gustong laro yung lutu-lutuan tas mga dolls pero talagang di ko hilig. Pakiramdam nga nila mommy tomboy ako kasi di ako girly pero napatunayan kong hindi dahil nga nagka-crush ako agad kay Tristan, first encounter palang namin.



flashback

"Bata!! Laro tayo!" sigaw ko dun sa batang lumabas sa bahay na katapat lang nung amin. Sila daw yung mga galing sa Australia e..

Lumingon siya sakin nun tapos medyo nagulat ako... nye. Eh hindi naman siya mukhang Australian ah! Pero malay ko naman diba. -__-



"Ayoko." sagot niya bigla sakin.

Nagulat nanaman ako sakanya nun kasi akala ko English-speaking tas hindi nanaman. Nako baka naman hindi talaga tiga-Australia 'to hehehe =))

"Soccer lang naman e. Tapos saglit lang I promise!" pilit ko naman sakanya sabay raise ng right hand ko. Pumayag ka na please, ayaw ko na makipaglutu-lutuan sa ate ko. =__=

Tinitigan niya muna ako ng super tagal nun bago niya kinuha yung bola sa kamay ko tapos naglaro na kami. Ang arte pa, papayag din naman! Hahahaha pero okay lang, at least may new playmate na ako!

Nung ilalagay na niya sa lapag yung soccer ball, inagaw ko sakanya tapos sinapa ko ng malakas at...




Tumama sa mukha niya.


Lagot!!!! >____<
Nagmadali akong tumakbo nun sa pwesto niya para tulungan siya kasi malakas talaga yung pagkasipa ko nun eh tapos..

"AYAAAAAA!!" malakas na malakas niyang sigaw sakin?? Aya?! Anong aya?! Sinong aya?! O_O

"Ha?! Eh bata.. Hindi ako si Aya.. Andi ang name ko!! Sorry ah.. Napalakas yung sipa ko... Ikaw, anong pangalan mo?" sabi ko naman tapos tinulungan ko na siyang tumayo.

"Tristan....." sabi naman niya sabay abot ng kamay ko tapos tumayo na siya.

"Sorry ulit, Tristan ha." sincere kong sabi tapos ngumiti siya sakin nun at pinunasan niya yung mukha niya gamit yung t-shirt niya. "Wala yun, okay lang ako.." sagot niya naman sakin sabay ngiti.

040112Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon