Chapter Sixty- A Night Together

580K 10.7K 2.1K
                                    

BASAHIN MUNA BAGO BUMOTO.

ZYLIE

 

Natakot ako.

Dahil na rin siguro dahil nandito yung tatay ni Silver. Nahiya kaya ako sa kanya nung dati. Nung tinanong niya ako ng kung anu-ano. Alam ko namang hindi matapobre yung mga tanong niya, pero nahiya lang lang talaga ako nun.  At parang mas narealize ko kung gaano kami kalayo ni Silver.

:3

Pero hindi lang yun eh.

Mas lalo akong natakot sa itsura ng bumbero. Para ngang kakainin na niya ako eh.

Eeeehk!

>___<

Sasabihin niya pa na pupunta sa presinto yung may kasalanan?? Pano pag nakulong ako? Anong ieexplain ko sa kanila? Bakit ko nga ba kasi ginawa yun? Hindi ko malaman kung naliliwanagan na ba ako sa mga ginawa ko kanina, o naguluhan lang lalo ako dahil wala akong maisip na sasabihin kung sakaling tatanunin nila kung bakit ko ginawa lahat ng iyon.

T_T

Bakit nga ba??

Pano ko nagawang maisip yun? Naging genius na ba ng evil side ko?

Masama na ba talaga ako?

Lalo akong nainis sa pagdating ni Bettina. Kasi kung hindi siya dumating, eh di sana nakahiga lang kami dito at nag… uh.. nag… nagaasaran ni Silver. Haist.

Sana, kung hindi siya dumating. Hindi naman ako maiiwang mag-isa sa kwarto. Walang maasar na bilog. Tska walang makakaisip ng magandang idea gamit ang alcohol lamp at fire sprinkler. Walang uulanin na kwarto. Walang dadating na bumbero. Walang mapupunta sa presinto. Walang makukulong na Zylie.

WAAAAH. Makukulong ba talaga ako sa ginawa ko????!!! Hindi pwedeeeeeee!!!

“SI BETTINA PO!?” nasabi na ng bibig ko bago ko pa namalayan. Kung nandito nga lang sa kwarto si Bettina baka nga naituro ko pa siya.

>O<

Reyna ng Kamalasan: Zylie (Completed, 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon