Chapter 9. [2 Gangsters?!]

Magsimula sa umpisa
                                    

"Shit! Ow." nakacross-arms lang ako habang nakatingin sa kanya. Sino ba to?!

Inangat niya yung tingin niya sakin and he smiled.

"Hindi ka pa rin nagbabago. Nana."

"Mac?!"

Si Mac Alexander Salvador. Childhood friend ko na hindi ko nakita for almost 5 years. Ay nasa harapan ko?

Ngumiti lang siya sakin, at tumawa ng mahina. "Gulat na gulat ka ata?

"Mac!" napaupo ako para yakapin siya ng mahigpit. "Namiss kita Mac! Bakit di ka nagpakita sakin?"

"Kahit kelan, para ka pa ring bata Nana." he chuckled.

"Nakakainis ka! Bakit ngayon ka lang nagpakita sakin ha? Alam ko na bumalik ka na sa Pinas last year pero bakit ngayon ka lang nagpakita sakin? At nanggulat ka pa! Akala ko tuloy sinusundan mo ko!"

"Technically. Sinundan talaga kita. I'm just waiting for your reaction. Sakit ng pagkabato mo sakin ng book bag mo." tumawa ako nun. "Nana, tumayo kaya tayo?"

"Haha! Okay!" tumayo na ako nun at hinila siya papatayo. Nagpagpag ako ng uniform ko.

"So Mac, paano mo ko nakilala? Eh nag-iba na kaya itsura ko!" ^o^

Ginulo niya lang ang buhok ko. "Ikaw pa rin naman yung uhuging bata na laging umiiyak dati. Atsaka, nag-iba? Hindi ah. Pero mas gumanda ka." kinurot niya yung pisngi ko. "Ang cute mo ah!"

"Baliw! Pero teka, saan ka nakatira? Si Tita Lia? At nag-aaral ka ba?"

"Woah! Nana naman, chill with the questions!" he chuckled. "I'll explain next time. O, number ko." binigyan niya ako ng piece of paper na may number niya. "Text mo ko kung kelan ka available. At magbobonding tayo like the old times."

"Sure Mac. Teka, bakit ka ba nagmamadali? At bakit ka nakasuot ng all-black? Wag mong sabihing..."

Nagulat ako sa ginawa niya. He smirked at me. Literally!

My Gangster HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon