IV. Straight Ahead.
Lalong sumungit ang panahon, lumalala ang pag kidlat at pagbuhos ng ulan.
"san tayo Euris pupunta..? Natatakot na ako.."
"kung saan ka ligtas..."
Nakakita si Maxey ng maliit na umbok ng lupa na tila isang kwebang bato. Pumasok ang dalawa at nangangatog na sa lamig.
"hindi na ba 'ko maaabutan ng kidlat dito??"
"<tiningnan si Maxey> nangangatog ka..."
"pareho lang tayo.."
Isang kidlat ang tumama malapit sa tinataguan nilang munting kweba.
"hinahabol ba nila tayo?"
"yang puso mo..."
Unti-unting niyakap ni Euris ang dalaga na sobra nang nanginginig.
"t-teka lang...h-hindi ba parang nakakailang na to?"
Hindi na sumagot si Euris, nanatiling tahimik habang yakap-yakap si Maxey na pinoprotektahan sa lamig.
"kung tatamaan ako ng kidalat, madadamay ka Euris..."
"diba sabi ko sa'yo noon, ako ang tagapag ligtas mo?"
Nanahimik si Maxey sa mga narinig, alam naman kasi niyang hindi talaga siya ang gusto nitong protektahan kundi si Kiera, ang puso nitong nasa katawan niya...
"ano yung binubulong mo kanina? na kung mamamatay ka ngayon, sana..."
"<sa isip ng dalaga> sana ...sa 2063 pag gising ko ako na lang si Kiera..."
***
Kinaumagahan, muka agad ni Nyuri ang bumungad sa kanya.
"tanghali na kuya.."
"s-si Maxey?"
Sa bago nilang kotse, nakapagpalit na ng damit ang dalawa, abala sa pagkain ng maruya na nabili sa daan si Maxey at wala sa muka nito ang mga nangyari kagabi.
"Maxey ... kagabi..."- Euris.
"Sorry kung iniwanan kita, hinanap ko kasi si Nyuri.. Nagkahiwalay tayo noong kumikidlat na, nakabitiw kasi ako sa'yo.."
"Ganun ba???"
Sa pangalawang pagkakataon ay nagpapangap nanaman si Maxey na walang naaalala.
***
Nagpatuloy ang kanilang paglalakbay, kumakain sina Maxey at Nyuri ng Maruya habang si Euris ang nagmamaneho nang bigla na lamang napasigaw ang dalaga mula sa kinauupuan nito sa backseat.
"ANO TO NG LUMULUTANG SA HARAP KO!!!!!!!! EURIS!!!!!!!!!!!"
Huminto sa pagmamaneho ang binata para tingnan ang kalagayan ng kasamang babae.
"nasaan???"
"wala naman Maxey eh.."- Nyuri.
"hindi nyo ba nakikita?? may lumulutang na kung anong kulay blue sa harap ko???"
"<tumawa> ah sa wakas nagpakita na rin yan, Yang nakikita mo ang link na sinasabi ko sa'yo, diba nga connected ang puso mo sa portal, yan ang susundan natin para makarating doon."
"bakit sya lang ang nakakakita?? "-Nyuri.
"<singhal> balak mo talagang gawin akong kasangkapan mo noh?? Ni hindi mo man lang ako pinangunahan o nagsabi man lang na....Maxey may magpapakita sa'yong weird na bagay na kung ano kaya wag kang mag panic ha !!!!!!!!!... " Sermon ni Maxey in very high pitch note.
"sorry...hindi ko kasi naalala."
"<pabulong na pailing-iling> kung ako yun, hindi ako titili na ganun maliban na lang kung ipis yun o masamang ispiritu..." -Nyuri.
Nakarinig na lang ang 3 ng mahinang tunog.
"ano yun?? may cellphone ka ba kuya?? lowbat na ata yun.."
"wala akong cellphone <tumingin kay Maxey sa rearview mirror> sa kanya yon..."
"lalo namang wala akong cellphone..."
"hindi naman cellphone, yang puso mo..kailangan na nating icharge.."
"HA??????"
***
Nakatalumbaba si Maxey habang nakadungaw sa bintana ng kotse. Nakasimangot siya na halatang- halata ang pagkayamot.
"<pabulong-bulong> Muka ba kong cellphone na kailangang icharge?? <yamot na hinawakan ang kable na nagdudugtong sa power ng kotse patungo sa kanyang dibdib.> ang saklap isiping nakakonekta to sa kin..."
"kuya, ano bang mangyayari kay Maxey kung hindi natin sya icha-charge? Muka kasing ayaw niya ang ganung set up..." habang patuloy pa rin sa pag momonologue si Maxey sa backseat.
"hindi mag pu-pump ng dugo ang puso nya. nakadepende kasi yung totoong puso ng ate mo sa receptacle nitong android compound kaya ito ang life support nito...kailangan ng outside energy source..kaya kung hindi natin icha-charge si Maxey pansamantala syang mawawalan ng malay hanggang magkaroon ulit yun ng energy source.."
"ah...wala akong naintindihan.."
Na shock si Nyuri nang hablutin ni Maxey ang tenga ni Euris...
"kasalanan mo to DOCTOR KWAK-KWAK!!!!!!!"
Add to your private library
My LibraryAdd this story to your public reading lists
| T.O.P of Big Bang | as Euris |
| G-Dragon of Big Bang | as Nyuri |
| Yoona of SNSD | as Kiera |
| Taeyang of Big Bang | as Gaciano |