Previous Page of 2Next Page

The Devil's Son

spinner.gif

KATHRYN’S POV

 

JS PROM.


Di ba isa yun sa pinakamemorable na pangyayari sa buhay ng isang High School student? Ang makapagsuot ng magandang gown. Ang maayusan ng maganda … ang maging perfect sa araw na yon – ang JS PROM. Yun bang habang nakaupo ka isang sulok ay nagdarasal ka na sana ay isayaw ka ng taong gusto mo. Ang mayakap mo siya at makausap kahit sa ilang minuto lang …


Ilang araw din naming pinaghandaan ang JS PROM namin. Ako at ang bestfriend kong si Sthep ay nag-canvass pa ng mga gown sa mga boutique. Bawat sulok ng Mall ay ginalugad namin makahanap lang kami ng perpektong gown para sa amin, para sa JS PROM. Dahil sa araw na yun, gusto naming mapansin kami … mapansin kami ng taong gusto namin.


“Chum, ito oh!” Sabi ni Sthep ng makita niya ang isang cocktail dress na color pink na may kombinasyon ng kulay itim. Maganda sana kaso, tube eh.Hindi kasi ako nagsusuot ng kita ang dibdib ko. Feeling ko kasi, parang wala na din akong suot na damit.

“Ay ayoko niyan!”

“Gaga! Bagay to sa’yo! Isukat mo na.” Pagpipilit niya.

“Promise, ayoko talaga niyan.”

“Ang manang mo naman! Dali na … minsan lang to eh! Pano ka mapapansin ni Daniel niyan?”


Nang marinig ko ang pangalan na yun ay napangiti ako – as always. It never fails to make me smile. Bakit nga ba ganun ang feeling tuwing maririnig ko ang pangalan niya? Haaaaay! He was my major major ultimate crush since first year HS. Sino siya? Edi sino pa … ang kilalang head turner at kilabot ng St. Benedict Academy – si Daniel Padilla. Grabe! Tuwing dadaan siya sa harapan ng classroom namin? Tumitigil talaga ang mundo ko. Parang biglang nagiging pipi ang teacher ko na daldal ng daldal sa harapan ng blackboard. Para akong nagkaklase ng walang mga kaklase. HAHA Nababaliw ako kapag nakikita ko siya.

 

Lumabas ako ng fitting room.

Umikot-Ikot sa harapan ni Sthep.

 

“Sabi ko sa’yo bagay eh!” Nakangiti niyang sabi sakin.

Humarap ako sa salamin. Napangiti ako. Ang ganda nga! :)

 

“Kukunin niyo Ma’am?” Tanong ng sales lady.

“Oo.” Nakangiti kong sagot.

Naiimagine ko ang sarili ko habang suot ko ang gown na yon. Nakaupo sa isang sulok at naghihintay na maisayaw ng mga senior at junior students. Tapos bigla siyang lumapit, yumukod at inilahad ang kanyang palad – yung karaniwang giagawa ng isang prinsipe sa kanyang prinsesa? Tapos ibibigay ko ang kamay ko at hahalikan niya. Lumakad ako sa dance floor, inaalalayan niya ako. Tumugtog ang Love of my life ng south border … isinayaw niya ako. Nakahawak ako sa balikat niya tapos siya naman nakahawak sa bewang ko … tapos sasabihin niya sakin, ‘Ang ganda mo talaga Kathryn … pwede ba kitang …….. maging girlfriend?’

 

“Hoy!” Tinapik ako ni Sthep sa braso.

“Bakit?!”

“Nagiilusyon ka na naman! Eto na yung gown mo … baliw!”

Ngumiti lang ako.

Sana … sana mangyari yung iniisip ko kanina. (^___^)

Kasi kapag nangyari yon?

Magiging ako na ang pinakamasayang babae sa buong mundo. Ayiieeee!!!

 




February 14

JS PROMENADE

Isa-isang ipinakilala ang mga lord at lady ng fourth year at third year high school. Sobrang confident ako sa suot kong gown pero hindi sa partner ko. Hindi kasi si Daniel ang naging partner ko eh kasi ibang section siya.Kaya ayun … tulala akong tinititigan siya habang hawak ang kamay ni Julia.

Ilang table lang ang layo nila sa amin pero feeling ko ang layo-layo niya na. Nagsimula ang sayaw. First dance. Sabi ko sa sarili ko, ‘Lord, okay lang kahit sinong makasayaw ko sa gabing to … basta si Daniel ang last dance ko.Please …’

Isinayaw ako ng partner ko. Parang internet lang – antumal!

Second dance ko si Sthep. Syempre, isinayaw ko siya. :)

Hanggang sa sumapit ang third dance, fourth dance so on and so forth …

Previous Page of 2Next Page

Comments & Reviews (148)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Media

Cast

Daniel Padillaas Daniel
Kathryn Bernardoas Kathryn
Julia Montesas Julia
Kiray Celisas Sthep
Enrique Gilas Erick
Igi Boy Floresas Kurt

Who's Reading

Recommended