Chapter 12: I'm back!

319K 2.6K 153
                                    

HALEY’S POV

" Hey bitch!!!”

Bitch? Ako ba ang tinutukoy niya? Nagkatinginan kami ni Jess. Tumalikod ako at nagpatuloy maglakad. Nakasunod din si Jess. Hindi naman siya pinansin.

"Hey I'm talking to you!" sigaw ulit nito.

Napalingon ako. Papalapit na siya.

"You!" duro niya saken.

"Excuse me ?" at nakataas ang kilay kong tanong.

"Yeah, I said bitch right?" gigil na sabi nito.

Ngumiti ako ng sarcastic.

"Oh, I thought you're talking to yourself." I snapped.

Halatang nagpipigil ng tawa si Jessica.

"How dare you!"

Sumugod siya saken at hinablot ang braso ko.

"Vanessa!"

Lumingon kaming tatlo. Nakasunod sa kanya si Russell.

"Hwag kang makialam dito. And we’re not yet done!" singhal nito kay Russell.

Ako naman ang hinarap nito.

"Do you think you can fool me? Huh?" nanlilisik ang mga matang sabi nito.

Alam na ba nito ang nangyari samen ni Russell?

"Somebody saw both of you sa likod ng school kanina lang. " palipat lipat ang tingin niya samen ni Russell.

Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko kung ano na.

"And so? " mataray kong sagot.

"Somebody saw what you did! Let me make myself clear, stop flirting with my boyfriend!"

"I beg your pardon?" kunot noo kong tanong.

What I did? Or what his boyfriend did? So may nakakita samen at sinumbong sa kanya Yung kiss ba ang tinutukoy nito? Ako ba ang lumapit at humalik? Gumanti lang naman ako.

"Vanessa, stop it!" singit ni Russell.

"You shut up!" sigaw niya kay Russell.

" I know your games. Gasgas na ang style mo ng pagpapansin. Wag mo’kong subukan. Di mo alam kung anong pwede kong gawin. So stay away from him." banta nito.

God, hindi ko inakala na ganito na kadesperada si Vanessa. I've known her as a player. Sa buhay niya, guys come and go. What's up with her this time? What's with this guy. At dahil curios na naman ako,  may naisip akong kalokohan.

"What if I don't?" ngumiti ako ng nakakaloko.

Tumingin ako kay Russell. Blanko at seryoso ang expression ng mukha nito.

"I understand how desperate you are because Vince left you."

Nawala ang ngiti sa mukha ko. Nanikip ang dibdib ko. Nasasaktan pa rin ako tuwing naririnig ko ang pangalan ni Vince. At kailangan pa niyang ipamukha saken ang nangyari. Na iniwan ako ni Vince.  Sa harap ni Russell. At may mga ibang estudyante pa na nakakarinig.

"Gumaganti ka ba kasi pinagpalit ka ni Vince sa bestfriend ko huh? Pati boyfriend ko gusto mong sulutin?" galit na galit na siya.

"Vanessa, please you don't have to do this!!" hinawakan ni russell ang kamay nito at pilit na nilalayo.

Hinablot nito ang kamay niya kay Russell. Tumingin ako sa kanilang dalawa ng masama. Nilapitan ako ni Jessica.

"Haley, lets go." sabi niya.

Your Place Or Mine? BOOK VERSION  (PUBLISHED BY VIVA PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon