YUMI's POV
"Jane, sigurado ka ba dito?" tanong ko sa kanya
"Oo..Follow mo lang iyong instructions diyan sa loob mamaya..Hindi ko din alam iyong process niyan kasi hindi ko pa nasusubukan.." sabi niya
Tumango lang ako..
Sasabihin ko ba kay Kurt?
Huwag na muna..baka negative iyong result eh ma dissapoint pa iyon..
Riiing..Riiing..
"Hello Kurt?"
(Yumi,asan ka?)
"Andito kami ni Jane sa pharmacy malapit sa school..May binili lang.."
(Anong binili mo? May masakit ba sa'yo?)
"Ayy wala naman..Si Jane may binili, sinamahan ko lang.."
(Ahh ganun ba..Sige puntahan na lang kita diyan..)
Hinintay na lang namin si Kurt..
"Yumi.."
Binaba ni Kurt iyong window ng kotse niya..
"Jane, mauna na kami.."
"Cge, total hihintayin ko pa naman si Paolo..Basta tawagan mo ako kung anong magiging results"
Tumango lang ako tapos pumasok na din ako sa kotse...
"Anong binili ni Jane sa pharmacy?" tanong bigla ni Kurt
"Ahh..ano lang..Neo Aspilet..Masakit kasi ulo niya.."
"Neo-Aspilet? Diba pambata iyon? Gamot sa lagnat ng mga bata yun Yumi.."
"Ha? ahhh..Oo nga..Iyong pamangkin niya kasi masakit ang ulo kasi nilalagnat.."
Muntikan na ako don.. >_<
"Siyanga pala..San ba iyong Mameng's Carenderia?"
tanong niya bigla
"Ayy oo nga pala..Pupunta tayo don diba?"
Binigyan ko siya ng instructions kung saan liliko..
"Dito na tayo..Ayun oh!!"
turo ko Pinark lang namin iyong kotse tapos lumabas na kami..
"Aling Mameng.." tawag ko sa kanya habang papasok kami..
Nakiki FC lang din e :))
"Ohh Ija, ikaw pala..Iyan ba iyong asawa mo?"tanong niya
"Opo..si Kurt po..Hindi ko pa pala napapakilala iyong sarili ko kagabi..Yumi po ang pangalan ko.."
"O cge maupo na kayo..Ano pa la order niyo?"
"Kagaya po kagabi Aling Mameng..Dalawang order po.."
Pero siniko ako bigla ni Kurt..
"Ayokong kumain non.." pabulong niya sakin..
Pero hindi ko siya pinansin..
Umupo na lang kami..
"Yumi...Ayoko ngang kumain.." kulit talaga
"I promise masarap talaga.."
"Yumi, Kurt eto na oh.." sinerve na ni Aling Mameng iyong paa ng baboy..
"Salamat po.." Balak ko sana ngayon na kumain ng nakakamay ulit pero baka ayaw ni Kurt..
"Kain ka na..masarap iyan.." sabi ko
"Kadiri tingnan oh..." sabi niya
"Tikman mo na lang kasi..."
Dahil sa mapilit talaga ako at ako ang BATAS!! hahaha..
Kumain na rin siya..
Pero hindi niya talaga nagustuhan iyon..Ewan ko lang talaga..Masarap naman..
Nag-order nalang ako ng iba para sa kanya.. >_<
"Aling Mameng salamat po talaga..Nabusog po kami.."
"Salamat din ija..Balik kayo ha?"
"Syempre naman po.." Tapos non eh umalis na din kami at umuwi ng bahay..
Pagdating namin ng bahay..Umakyat agad ako at hinanap iyong kit sa bag ko..
Riiing...Riiing..
Kukunin ko na sana iyong kit kaso nag ring iyong phone ko..
"Hello Doc?"
(Yumiko, pwede ka bang pumunta dito sa ospital? May mahala lang akong sasabihin regarding your Dad's situation)
"Ngayon na po?"
(Mas mabuti kung ngayon ka pupunta..)
"Cge po Doc.."
Bumba ako at hinanap si Kurt
"Kurt.."
"umm bakit?"
"Tumawag ang doctor ni Dad..Gusto daw niya akong kausapin.."
"Ganun ba? O cge sasamahan na kita.."
"Okay lang ba sa'yo?" tanong ko..
"Ano ba namang klaseng tanong iyan...Syempre naman.."
Pumunta na kami ni Kurt sa ospital...
Sabay nadin naming kinausap si Doc..
"Doc..May good news po ba kaya niyo ako pinatawag?" tanong ko sa doctor ni Dad
"Honestly Yumiko..Pinatawag kita dito dahil kailangan mo ng magdesisyun.."
"Anong desisyun po?"
Ang bilis ng tibok ng puso ko ngayon..
Hinawakan lang ni Kurt iyong kamay ko..
"You have to decide whether to keep your Dad on a ventilator and feeding tube or to remove these aids and allow him to die and rest forever.."
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa doctor..
Parang akong nabingi at napipi sa sinabi niya..
Ang sakit pakinggan..
parang binasag niya ang buong kaluluwa ko..
"Doc, pag-iisipan po muna namin iyong sinabi mo.." narinig kong sabi ni Kurt
Tapos inalalayan niya ako palabas..
Nasa kotse na kami pero hindi parin ako makapagsalita..
Add to your private library
My LibraryAdd this story to your public reading lists
| kim shin yeong | as Yumiko Perez |
| Park Hyun Seok | as Xavier Kurt Montefalcon |