……………………..
What a song! Ang sama ng message ha. Haay. Naglalakad kaming apat ng bigla akong binunggo ng isang lalaking nakayuko. Sino ba to?
“ Aray ko naman! ” Sabi ko. Nang bigla niyang inangat ang ulo niya. And he was…
“ Ethan? ” Sabi ko bigla.
“ Hi, Sorry ha. ” Sabi niya. Ano daw? Sorry? Kelan pa natutong nag-sorry ang nilalang na to? Wait, time ko na to para tarayan. Makaganti nga. Masakit yun ha!
“Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo? Bulag ka ba, ha? ” Sabi ko sabay taas ng kilay.
“ Sasabihin mo bang bulag ako kung may pagtingin ako sayo? ” Tapos, ngumiti siya ng nakakaloko and I was… dumbfounded.
“ Ha? Ano? Paki-ulit nga? ” Pucha, tama ba ang narinig ko?
“ See? My lady, nabibingi ka na ata sa tibok ng puso ko. Ikaw kasi ang sinisigaw neto eh. ” Sabi niya. Sabay turo sa dibdib kung asan ang puso niya. What the really hell.
“ Hoy. Kung wala kang magawang matino, lumayas ka sa harapan ko. ” Sabi ko.
“ Ah, ayaw mo ba? Teka, dito nalang ako sa tabi mo. ” 0_0. Lahat ng tao sa paligid, nakatingin na sa amin! Oh my gosh! Jam, Mika at Shay, Help me! Natutunaw nako sa tingin ng mga bitches sa paligid!
“ Hmmp. Tara na nga. Alis na tayo dito. Baka kung ano pa ang magawa ko sa nilalang na to! ” Sabi ko. Paalis na sana kami kaso hinatak ni Ethan ang kamay ko at nilapit ako sa kanya.
“ Bakit? Anong gagawin mo? Hahalikan ako? ” 0_0. What the!
“ Ano ba, bitawan mo nga ako. ” Binitiwan niya ako. Yes! Mamamatay na ata ako sa mga tingin ng mga tao sa paligid. Paalis na talaga ako pero may binulong pa siya.
“ Sige, I’ll let go of you sa ngayon. Pero kapag nagkita ulit tayo hindi na kita papakawalan. See you later. ” Aba, ang kapal neto! See you later pang nalalaman! Mamatay ka na sana! >_<
“ What the Hell! Ano yun? Hala ka sis, wag na wag kang papa-apekto sa ginawa niyang yun. Never, ever trust that person nor his friends. ” Sabi ni Jam.
“ I know. I won’t. I promise. ” Sagot ko.
“ Pero, may sasabihin sana ako sa inyo. Pero mamayang break nalang. Punta na tayong classroom. ” Sabi ko.
“ Okay. Mamayang break. Umbrella tree. ” Sabi ni Jam.
“ San pa ba? Dun lang naman tayo palagi eh. Haha. Tara, ayokong ma-late. ” Sabi ko. Pumunta na kami ng classroom.
Riiiiiing!
“ Tara dali! Ano ba ang sasabihin mo? Excited na ako. Ano ba yun? ” Sabi ni Shay.
Add to your private library
My LibraryAdd this story to your public reading lists