❧ Chapter 3 ♥ The Deathless.

2.3K 56 3
                                    

Chapter 3 : The Deathless.

*Irish's POV*

Hi, I'm Irish Navarro ang nerdy nerdy dito sa campus. Ang laging binubully, bakit hindi ako lumalaban? Simple, pag nalaman nilang lumaban ako pagtutulungan nila ako. Yea, nagawa ko na yun dati. 

Kaso ngayon hindi nila ako mabully-bully, dahil dumating si Jacey My Heroine. Grabe ang tapang niya. Tas pumayag siya na umupo ako dun sa tabi niya. Siya lang naman ang first seatmate and first friend ko. 

Eto ako ngayon nagaayos na para pumasok. Ayun kahapon walang naka-bully sakin tas puro na lang pakilala sa klase.

Pagkatapos kong mag-ayos bumaba nako para kumain. 

After 10 mins tapos na kong mag-breakfast. Lumabas nako ng bahay at nakita si Manong Driver na nag-aantay. Wala sila Mommy nasa Singapore inaasikaso yung Business tyaka yung cute ko namang kapatid kasama nila.

"Sorry Manong napaghintay ko kayo. Tara na po 6:25 na eh." -Sabi ko kay manong habang sumasakay ako ng kotse. 

"Ok lang naman ho." -Manong tas pinaandar niya na yung kotse.

After 10 mins nakarating narin kami sa school.

Bumaba na ko ng kotse at nagpaalam kay Manong.

Naglalakad ako papasok nang may humarang sakin. Ang daming tao, mapapahiya nanaman ako. Hinarang kasi ako nung mga Alien eh. Sila Lydia yung kahapon sa Canteen na pinahiya ni Jacey. 

"Ano nanaman bang kailangan mo Lydia?" -Ako. 

"Matapang ka na ngayon? Porket may nagtatanggol sayo?" -Lydia.

"Pwes ngayon wala yung magtatanggol sayo, kaya pedeng pede kang ma-bully." -Dagdag ni Lydia.

"Girls, give me the Props." -Lydia at inabot niya yung kamay sa mga alipores niya. Inabot naman ng isa yung coke.

*Jacey's POV*

Naglalakad na ko papasok sa gate. 

May nakita ako nagkukumpulan. Lumapit naman ako. 

Paglapit ko, nakisiksik ako at nakarating sa Harap. 

"Pwes ngayon wala yung magtatanggol sayo, kaya pedeng pede kang ma-bully." -Sabi ni Lydia, sinabi sakin kahapon sa Canteen ni Irish yung pangalan niya.

"Girls, give me the props." -Sabi nung Lydia. Inabot naman nung mga alipores niya yung coke.

Nakita ko naman na si Irish yung binubully nila NANAMAN. Akala niya ba wala ako, HAHA.

"Anong akala mo wala ako? Ano, ibubully mo lang si Irish pag-wala ako? Wow, How Pathetic?" -Ako habang nakatayo dun sa pwesto ko. 

"Ja-Jacey" -Irish tapos tumakbo siya sakin.

"So eto na ang mala-hero ni Irish" -Lydia na nakapamewang. 

"Excuse me? Are you studying? Didn't you know the word "Heroine"?" -Ako.

"HAHAHAHA." -Mga students. 

"Subukan mong ibully si Irish, sisiguraduhin kong hindi ka lang mapapahiya dito." -Ako at hinila ko na si Irish papunta sa Building.

Huminto naman ako.

"Sisiguraduhin ko ring sirang-sira ka sa paaralang to." -Pagkasabi ko nun hinatak ko na si Irish sa loob. 

Inaasahan ko pa namang siya ang una kong kaibigan dito.

"Taray mo Cey." -Irish, yan na tawag niya sakin.

"Punta tayo mall, after classes." -Ako. Kelangan hindi na siya mabully, wala ako lagi para ipagtanggol to noh. =))

"Aye, Aye Captain!" -Irish, Tch. Childish. 

Sakto namang dumating na kami sa room. Eto pinagtitinginan siguro nakita nila yung pagtanggol ko kay Irish. 

Umupo na kami sa mga upuan namin. I think discussion na ngayon -.- 

"RIIIIIINNNNNNNNGGGGGGGG" 

Bell na and expected na parating na ang teacher. And ayun um-open na yung door at pumasok na ang aming adviser. Si Ma'am Zackilla adviser namin. 

"Good Morning 4B" -Ma'am Zackilla. 

"Good Morning Ma'am Zackilla" -Sila, hindi ako nag-go-goodmorning. Minsa lang :|

Pina-upo na kami ni ma'am at nag-discuss siya. Ang subject? Physics. Ma-Favorite. =)) Oo kahit naman ganito ako kawalang kwenta sa paligid ko nag-aaral naman ako ng mabuti noh. Sayang lang pinaaaral sakin ni Mommy noh. =)) 

Speaking of my family, di ko pa pala nakwekwento senyo noh. Dalawa kaming magkapatid ako ang bunso si kuya kasama ni mommy sa Paris. Si daddy waley na. Bata palang daw ako nung namatay na daw siya.

Kaya ako mag-isa sa bahay. Kasama ko naman dun si Manang eh pero minsan wala siya dun pupunta lang siya tas lilinisin yung bahay. 

"Okay Class, Dahil sa natapos tayo kagad. Maaga den kayong makaka-recess. So you may take your break now." -Ma'am Zackilla.

"Thank You and Goodbye Ma'am Zackilla" -Sila.

Lumabas na kami ng Classroom at dumeretsyo sa Canteen. 

"Ako na lang bibili baka mabully ka nanaman, Ano sayo?" -Ako. 

"Kahit anong cake." -Irish.

Pumunta na ko dun sa Counter buti wala pang pila, kasi nga maaga kami pinalabas pero 5 mins lang den yung aga.

"Carbonara po tyaka cake" -Ako.

"Ano pong cake?" -Ate sa Counter.

"Kahit ano po." -Ako. 

Kinuha niya na yung cake at carbonara. Narinig ko naman na pumapasok na yung ibang students. 

"Eto iha." -Ate sabay abot ng carbonara at Cake. 

"PARATING NA ANG THE DEATHLESS!" -Sigaw ng isang? Beki? na pumasok sa Canteen. 

"KYAAAAAAAAAAAA!" -Sila. 

Pumasok naman ang apat na lalaki? Na mukhang mga gangsters? Ay ewan. 

"Magkano po?" -Ako.

"38 pesos." -Ate sa Counter. 

Inabot ko naman yung 40 pesos. 

"Keep the change" -Ako at tumalikod na. 

Nakita ko yung apat na sinasabihan nilang Deathless nakaupo sila sa medyo malapit sa table namin at ibig sabihin dadaan ako sakanila. 

Shet eto na dadaan na ko. 

"SPLAASH!" 

"Fvck! Bullshit." -Ako. 

Pano ba naman natapunan niya ko eh. Kasi padaan na ko sa gilid nila eh biglang tumayo yung isang lalaki tas humarap nabunggo ako. Fvck lang coke yun eh, ang lamig.

"Don't cuss. I'm Sorry." -Ewan na guy.

"Tch, Wala kang pakialam." -Ako then walk out.

Nakaka-inis nilalamig na ko.

 -=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-

Yung feeling na may nag-puri ng story mo. Tuwang-tuwa ako kahapon eh. =)) TY! 

Spread Please. 

                       Next Chapter  : 

                                                                Chapter 4 : Make Over.     

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Nakakainis yung wattpad, kada mag-sasave ako paubos ng paubos yung tinype ko. Kainis. -.- 

The Outstanding Princess.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon