Wizard's Tale 1: Chapter 17

171K 4.6K 274
                                    


(Brylle POV)


Dumating kami ni Yana na sugatan at hinang-hina matapos makipagsagupaan sa isang Warg. But thanks to Vander ang his Dactyl friends, they were able heal our wounds.

"Maraming salamat." Ang sabi ko sa mga Dactyls.

Mababait ang mga Dactyls at ni hindi sila nanghihingi ng kapalit sa kabutihang ginagawa nila. Ang pagtulong para sa kanila ay isang paraan upang mapalakas pa ang kanilang mga abilidad.

Pag-alis nila...

"Ang dami, dami, dami niyong nakuhang balahibo ng Yosuzume!" Ang sabi ni Vander habang nilalagay nya sa garapon ang mga balahibo. "Mabuti na lang at nalampasan niyo ang isang Warg. Napakagaling mo, Master! Sana nakita ko ang pakikipaglaban mo dun sa—"

"Si Yana ang nakagawa ng paraan para makaligtas kami." Napatingin ako kay Yana na nakahiga pa rin sa sofa at mahimbing nang natutulog.

"Talaga?" Laking gulat naman ni Vander. "Kakaiba talaga! Kakaibang, kakaibang, kakaiba talaga si Yana!"

"Sinabi mo pa, Vander." Pero hindi na kami dapat pang magsayang ng oras. "Vander, asikasuhin mo na rin ang tungkol sa paghahanap sa Auntie ni Yana. Ikaw na ang magpunta kay Sorceress Louhi."

"Pero Master, nanghihina pa kayo. Sigurado bang makakaya niyo na kayo lang munang dalawa? Aabutin ako ng tatlong araw sa paglalakbay!"

"Wag kang mag-alala saamin, Vander. Magaling na rin ako, pahinga na lang ang kulang." Nagda-dalawang isip pa si Vander. Marahil dahil nag-aalala pa rin siya para kay Yana. "At wag ka na ring mag-alala kay Yana, ako nang bahala sa kanya. Mas mahalaga na matunton na natin kung saan nagtatago ang tiyahin niya."

Hindi na nakipagtalo pa si Vander. "Opo! Masusunod po, Master!" Nag-bow muna si Vander saka na siya umalis.

Nasa upuan pa rin ako at naisip kong huwag nang umalis sa pwesto ko. Hindi pa rin naman lubos na nagbabalik ang lakas ko kaya minabuti ko na lang na wag na munang magkikilos.

Kinabukasan, nauna pa rin akong nagising kay Yana. Nakaramdam ako ng pagkangawit kaya sinubukan kong tumayo. Ngunit sa kabila ng paggaling ng mga sugat ko, hindi pa rin lubusang bumubuti ang pakiramdam ko kaya natumba ako—at dun ako nadirecho kay Yana.

Hindi ko alam ang iri-react ko dahil yung kaliwang kamay ko, nasa upuan. Pero yung kanang kamay ko, nandun malapit sa dibdib niya. Lalo pa akong nag-panic dahil nagising na siya.

"Brylle?" Her eyes went wide upon seeing me. Ang sagwa pa ng pwesto ko dahil parang ito yung tipong may gagawin akong kakaiba sa kanya! "A—anong ginagawa mo?" She's thinking I'm doing something perverted!

Lalo akong kinabahan, pinagpawisan at nahiya. "I'm just checking you out—" What did I said? "I mean, I'm just checking kung may sugat ka pa." What is wrong with me? I'm definitely still not okay!

Napakunot lang ng noo si Yana and looked suspicious at me. Kaya nga para matapos na ito, pinilit ko na uli tumayo. Kaso nanginig pa rin ang mga tuhod ko at muling natumba. This time, sinalo na ako ni Yana.

"Okay ka lang? Mahina ka pa rin."

"Bakit ikaw?"

I was surprised to see she can stand on her own. "Okay na ako." Saka niya ako pinaupo sa sofa. "Teka, dun ka lang ba sa upuan natulog? Kaya naman pala pagod ka pa rin eh! Wala kang maayos na tulog."

Hindi na ako sumagot, kung mag-alala siya daig pa niya ang nanay o girlfriend! "Nasaan na yung mga Dactyls? Hindi ko man lang sila napasalamatan." Sabi niya dahil napansin niyang magaling na ang mga sugat niya. "At saka si Vander? Wala na naman siya?"

Parang napansin niya na hindi ko pa rin siya kinikibo. Hindi ko pa rin nakakalimutan yung katangahan niya kagabi. Yung ginawa niyang buwis buhay!

"Galit ka pa rin noh? Sorry na. Promise hindi ko na uli yun gagawin. Hindi na kita pag-aalahanin."

"Sinong may sabing nag-alala ako sayo?"

"Ikaw! At di ba kaya ka nga ganyan dahil akala mo mapapahamak na ako."

"Hindi ako nag-alala! Nagagalit ako kasi padalos-dalos ka!"

"Eh di parang ganun na din yun. Nagagalit ka kasi nag-aalala ka."

Bakit ba nagagawa pa niyang mang-asar ngayon? Hindi ba niya naisip na kahapon, pwedeng namatay na siya!

"I'm really pissed, Yana."

"Weh?" Saka siya ngumiti ng pang-asar. I hate how she cutely smile like that! "Alam kong masaya ka, Brylle."

"Ano bang pinagsasabi mo? Napuruhan ka ba sa ulo? You're so stupid and annoying!"

"Weh! Sinungaling!" Nagawa pa niyang taasan ako ng kilay ngayon. "Ang suot kong singsing ang nagsasabi ng totoo!" Tapos ipinakita niya ang Bond Ring na suot niya.

Nawala na nga yung itim sa singsing niya! Ano yun? Na masaya nga ako ngayon! Paano nangyari yun? Sinungaling yung singsing! Galit kaya ako!

"Hay sumasakit ang ulo ko sayo! Bwiset!" Tinakpan ko na lang ang mukha ko ng isa kong kamay kasi sa totoo lang, parang nakahinga nga ako ng malalim dahil okay na siya ngayon.

"Ang mabuti pa, tara na sa kwarto mo. Dun ka na magpahinga." Tapos tinulungan niya akong tumayo at iniakay pa ako sa balikat niya. Papalag pa sana ako kaso, "Oh wag ka nang mahiya. Ano bang nangyayari sayo ha?"

"Hindi ako nahihiya!" Bakit ba ang kulit niya ngayon! Kanina pa niya ako inaasar! At naiirita na din talaga ko sa mga tingin at ngiti niya! Tingin ba niya ang ganda-ganda niya?

Pero sa totoo lang, kahit nabubwiset ako sa kakulitan niya, parang—parang nakakatuwa din? Ewan! Hindi ko maintindihan ang sarili ko!

Dapat pala hindi ko na pinaalis si Vander. Ang gulu-gulo naman kasi, bakit ko nga ba kasi ito ginagawa para sa babaeng ito?




Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon