Valentine's Daw Kasi

542 19 9
                                    

Valentine’s Daw Kasi..

(One-shot)

 

“Anong meron?” bulong ni Brielle sa sarili. Nasa harap pa lamang siya sa gate ng school ay puno na ito ng mga hugis-pusong mga anek-anek. Maging ang mga estudyante ay may mga hugis-pusong pins din sa kwelyo ng kanilang school uniforms.

“Valentine’s daw kasi.” Narinig niyang sagot ng lalaking nasa kanyang tabi.

“Valentine’s? Isang linggo pa bago ang Valentines a?” Nilingon niya ang binata para makilala kung sino man ito. Nagulat na lamang siya ng si Vince pala ang lalaking nasa kanyang tabi. Isa ito sa itinuturing na “campus crush” ng kanilang school. Bukod kasi sa gwapo nitong itsura ay isa din ito sa mga pinakamatalino sa mga Engineering students. Ito din ang pambato ng kanilang school sa mga chess competitions nationwide. Gentleman. Mayaman. Ika nga nila, “Neseye ne eng lehet,” or more likely, nasa kanya na ang lahat ng mga bagay na gugustuhin ng isang babae. Siya ang lalaking pinapangarap ng karamihang babae at ang mga kinaiinggitan ng mga lalaki. Ngunit kahit sa estado nito sa buhay at sa popularity  nito sa school ay nananatiling pribado ang buhay ng binata, lalo na ang kanyang buhay pag-ibig. Ang pagiging misteryoso nito ay isa din sa mga dahilan kung bakit marami ang mga babaeng nahuhumaling sa kanya. At hindi niya ipagkakailang isa siya sa mga kababaihang medyo may gusto dito... hindi nga lang halata dahil hindi naman siya masyadong nagpapakita ng emosyon. Sabi nga ng karamihan, siya ang “Reyna ng Poker Face” sa campus.

Nagkibit-balikat na lamang ang binata bilang tugon sa kanyang tanong at tila ba walang pakialam sa mga nangyayari sa kanyang paligid at naglakad papalayo. Nagtataka naman ang dalaga dahil alam ng lahat na minsan lang makipag-usap ang lalaki sa mga taong di nito masyadong kilala. “Oh well.” Nagkibit-balikat na lamang din siya at pumasok sa kanyang klase.

***

The next day, pagpasok niya ay nandoon pa din yung mga hugis-pusong anek-anek sa gate. Ngunit hindi lang iyon ang nakikita niya, ang hallway ng school ay napuno na rin ng mga teddy bears na nakasabit sa kisame nito.

“Ano bang meron?” tanong na naman niya kahit na alam niya sa sariling isa ito sa preparation na ginagawa ng mga estudyante para sa darating na Valentine’s Day.

“Valentine’s daw kasi.” Narinig na naman niyang may nagwika ng mga katagang ‘yan sa kanyang likuran. Déjà vu! Napalingon naman siya rito ngunit sa halip na si Vince ang makita ay ang mukha ng gwapong-gwapong si Jake ang tumambad sa kanya. Si Jake ay isa sa mga itinuturing ding hearthrob ng kanilang eskwelahan. Ito ang captain ng basketball team at nagtataglay ng makalaglag-panty na killer smile at again.. MAYAMAN. Magkaibigan sila ni Vince or more likely, ang anim hearthrobs ng school ay mga magkakaibigan. You know what they say, birds of the same feather flocks together. Matalino din si Jake gaya ng iba. Isa sa mga top student ng Computer Studies Department. Ngunit isa din ito sa pinakaproblema ng kanilang departamento. May mga napapabalitang nagawa daw nitong i-hack ang isa sa mga website ng school at pinagkatuwaang lagyan ng mga “kababalaghan”. Wala namang ebidensiyang nagpapatunay na  ito ang gumawa kaya’t di man lang ito napatawan ng parusa.

“Eh? Hindi naman sila masyadong excited sa lagay na yan, ano?” bulong niya ulit na narinig din naman ng binata.

“Bakit? Ikaw ba hindi excited?” balik-tanong nito sa kanya. “God, that killer smile.” She thought. Nagkibit-balikat na lamang siya at yung mga ngiting kanina pa nakapaskil sa mga labi ni Jake turns to a shit-eating grin. Hinawakan nito ang kanyang mga balikat at tiningnan siya ng deritso sa mga mata at nagsabing, “You just wait and see,” saka nito ginulo ang kanyang buhok at umalis.

Valentine's Daw KasiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon