Trigger 46 - Because I'm weird

7.3K 110 5
                                    

[Edited Ver.]


Because I'm weird



Bella's PoV :

Habang inaayos ko ang nagusot kong damit at naghihintay, naka-receive ako ng text galing sa number na binigay ng secretary ni Mr. Romero, na imi-meet ko sana para sa naudlot na business meeting noong nakaraan.

I got totally irritated noong mabasa ko palang ang unang two words sa text nito. 'I'm sorry.. I couldn't come right now, emergency kasi.' Iyon ang mensaheng nabasa ko, enough para masira ang araw ko. Hindi na ako nag-aksaya ng panahon at umalis agad sa restaurant na iyon at sakto namang tumatawag si Momma kaya sinagot ko iyon habang nagmamaneho na.

Bella: "Yes, mom?"

Annalise: *Sweetheart, your Fiancee is here. Anong oras ba matatapos ang meeting mo?*

Napairap nalang ako sa hangin noong binanggit ni Momma iyong 'meeting' na iyon. Paano ako makikipag-meeting kung wala naman akong ka-meet? Pero paano kung may emergency nga kaya hindi nakarating? Mabuti pa nga siya nag-text agad at nagpaliwanag pa siya kahit papaano samantalang ako isang 'sorry' lang tapos wala pang explanation. Momma became upset when I told her that at napaka-walang manners ko raw noon.

Hindi ko rin naman maintindihan ang sarili ko e. Parang sanay akong hindi masyadong kumikibo, kumbaga one-liner lang ako. Ganoon rin ang sinasabi lagi ni Lloyd sa akin noong nag-s-start palang kaming mag-date. 

Inalis ko nalang ang pagkainis na nararamdaman ko at sumagot na sa tanong ni Mom.

Bella: "Hindi natuloy. Emergency daw e. I'm on my way now. Paki-sabi kay Lloyd."

Annalise: *He heard you and he said ingat ka raw. Drive safely, hija.*

Pinatay ko na rin ang tawag at pinabilis ko ang pagpapa-andar, not minding what my Momma and Lloyd have told me many times to drive safely. I like my ride fast, it's thrilling in that way, something that I can't understand about myself.

I'd always wanted to do something that may put me in danger, I like the thrill and excitement I'm feeling whenever I do that.

Hindi ko nga yata kilala ang sarili ko, like what my other friends said.

Lloyd: "Hi, love."

I smiled at him and hugged him. Sabay na kaming pumasok sa loob ng bahay na naka-akbay siya sa akin at nakayakap ang braso ko sa bewang niya. Bumitaw lang ako noong makita ko ang anak ko na agad tumakbo papunta sa akin. 

Sabrienne: "Mommy! I miss you so much!"

Pinugpog ko ng halik ang pisngi nito and I peck on her lips. 

Bella: "You missed me agad, baby? E saglit palang naman nawala si Mommy ah."

Sabrienne: "I don't like it when you leave me, mommy. It makes me sad."

Medyo naka-pout ang labi nito at parang nagtatampo talaga pero noong napatingin ito kay Lloyd na nasa gilid ko ay bigla itong napangiti ng malapad at tumakbo kay Lloyd at niyakap ito.

Sabrienne: "Good thing, my future Papa came! That's why I'm not sad anymore. I'm happy!"

Lloyd: "Yes, baby. You will never be sad anymore once me and your mommy got married. Magkakaroon ka na rin ng siblings. Isn't that wonderful?"

Marahan kong siniko si Lloyd kaya napaharap ito sa akin at nginisihan lang ako. Ang pilyo talaga ng mapapangasawa ko. Ibinaba niya na rin si Sab at nagtuloy-tuloy naman agad itong pumasok sa room niya kaya naiwan kaming dalawa ni Lloyd sa salas. Naupo kami pareho sa mahabang sofa. Maya-maya ay naramdaman kong pumulupot ang braso ni Lloyd sa bewang ko at sa totoo lang nabigla ako sa ginawa niya.

Codename: Princess Trigger (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon