Darna (Kwento ng isang Becky)

spinner.gif

Darna (Kwento ng isang Darna)

"A sizzling hot afternoon to all of you. Im Carlo Manalo ng Taguig City na mas kilala bilang ang babaeng nagpaiyak kay Zanjoe Marudo at nagpaligaya kay Robin Padilla, ako ang kapit bahay ni kuya, Marielle Rodriguez." madalas kong linsa sa mga gay beauty contest. Pakapalan ng mukha, kahit na maraming nangungutya, wala akong pake. Di naman sila ang nagpapakain sakin. Di ko  kasalanan kung ipinanganak akong dyosa. Char! Etchoserang froglette.

Sa 19years kong nabubuhay sa mundo, 19years na bakla ako, ni minsan di pa ako naiinlove sa isang lalaki. Oo, lumalandi ako pero hanggang dun lang yun. Para sa akin dapat kong unahin ang sarili ko lalo pa't ako na lang ang bumubuhay sa sarili ko. Mag 3 years na rin kasi nung pinalayas ako. Nahuli kasi ako ni tatay, suot-suot ang bra ni nanay. Baka nainggit, gusto ring sukatin. Etchos, keme ko lang.

16 pa lang ako nun, katatapos ko lang ng highschool. Hirap na hirap ako, kailangan kong gumising ng 3:00 ng madaling araw para magdeliver ng dyaryo sa mga tindahan but I'm proud dahil dahil sa dyaryo nasa college na ako ngayon.

Sa ngayon, sa parlor ni Ate Josie ako nagtatrabaho at dun ko nakilala si Ed. Gwapo, maputi, matangkad at malaki... ang katawan :)

Unang kita ko pa lang sa kanya, nainlove na agad ako. Naging madalas ang aming pag-uusap, di naman kasi sya masungit di tulad ng ibang lalaki na ang chaka chaka pero maarte.

Sa dalas ng biruan namn, umabot sa puntong tinanong ko sya...

"Ano kaya kung maging tayo?"

joke ko lang naman yun. Nabigla ako sa naging sagot nya...

"Bakit nga ba hindi maging tayo?"

At naging kami nga, walang nakakaalam, kami-kami lang. Ayoko rin naman kasing tuksuhin sya ng iba.

8months na rin pala kami, pero hindi na nasundan yun. Tama bang makipaghalikan sa ibang babae, at sa harap ko pa. Naiisip ko na hindi ako makakapagmove-on kung nakikita ko pa sya kaya nagpasya akong maghanap ng ibang mapapasukan.

Ilang buwan ng nakalipas ng umalis ako sa kanila. Namiss ko na ang parlor ni Ate Josie kaya naisipan kung magpunta sa kanila. Bago pa man ako makarating sa kanila, bigla akong kinabahan. Naisip ko bigla si Ed. Ok lang kaya sya? Baka me nangyaring masama sa kanya, ano na kayang nangyari dun? Pagdating ko sa kanila... nabigla ako... parang hindi ako makapaniwala... si Ed... si Ed... bakla na rin.

Comments & Reviews (22)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Who's Reading

Recommended