Bakit maraming mga paasa?

14.7K 207 120
                                    

Hi! Ako nga pala si MJ. Isang first year college student. Mahilig sa music, masayahin, makulit at masaya kasama. Eto ang aking lovestory :)

Nagsimula yan sa isang Livestreaming chat site. Kulitan with friends, tawanan, asaran at kwentuhan ng mga walang kwentang bagay hanggang sa dumating sya. Isang babaeng napakaganda. Nahuli nya agad yung mata ko. Eye catcher ang ganda eh.

Sya si Nicola. Maganda, mabait, makulit, masayahin, masarap kasama. Parang halos lahat ng bagay nagkakapareha kami ng ugali. Kaya naman siguro ang bilis namin naging close.

Araw araw ko syang ka chat at kausap. Tawanan, kulitan, may mga pa sweet na banat at minsan konting landi para astig Hahaha.

Nagpatuloy pa ito ng ilang mga araw. Hanggang sa isang araw sa chat.

Nicola: Aminan tayo ng feelings, ikaw mauna

MJ: Nye? Haha. ano aaminin ko?

Nicola: Kung ano nararamdaman mo para sakin.

MJ: Uhhhm Hindi ko ma explain eh. :) Kaw muna

Nicola: Kasi ako parang nahuhulog na ata ang puso ko sayo at ewan ko kung bakit.

MJ: Hala? Di nga? :O

Putcha. Ako na ata ang isa sa mga pinaka swerteng lalaki sa mundo. Biruin mo? babae pa umamin sayo. Edi kilig to the bones ang kuya nyo. :)

SOBRANG SAYA AS IN. YUNG FEELING NA AKALA MO HINALIKAN KA NI KATY PERRY AT ZOOEY DESCHANEL. Tae sa sobrang saya ko gusto ko mag pa fiesta. Gusto ko tumalon sa tuwa, gusto ko tumambling at tumakbo mula MOA hanggang TriNoma para masaya! Ganun yung feeling ko. Parang nakita na ata ni Prince Charming si Cinderella, Nakita na ni Aladdin si Jasmine, Nakita na ni Flynn Rider si Rapunzel at syempre, Nakita na ni Romeo si Juliet.

Yung Feeling na yung pisngi mo gusto mong kurutin dahil sa kakaibang feeling na nararamdaman nito. Masaya na nakakakilig na ewan. Ah basta. Ang mahalaga. Kinikilig ako hahaha.

Naging parte na ng buhay ko ang batiin sya ng good morning at goodnight, Itext sya araw araw ng kumain ka ba? ano ginagawa mo? asan ka na? ingat ka ha, Syempre. Concerned eh. so ayun.

Syempre hindi din mawawala ang mga kiss, hugs at blushes na emoticon sa text, ganun talaga pag tamang landi eh :)))) HAHAHA. pero ewan ko ba? parang kinutuban na ako ng masama. Parang may mali. Something ain't right sabi ng puso at isipan ko. Sabi ko. Leche kayong dalawa manahimik nga kayo. In love ako eh.

So dumating yung araw na tatanungin ko na sya kung pwede ba manligaw personally kasi ayoko ng relationship thru the internet.

Eto na. Magpopost na ko sa wall nya. Naka type na. cclick ko nalang yung Post button hanggang sa nabasa ko sa wall nya yung post ng isang lalaki.

                                       "HAPPY 17th monthsary babe sana magtagal pa tayo"

Abangan ang susunod na kabanata. Haha :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 21, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bakit maraming mga paasa?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon