15-INTEREST

75.1K 943 110
                                    

           

  dedicated po sa kanya. First time lang daw nyang mag comment sa kahit anong stories ko.Ok lang po yun^^ Atleast tungkol sa update ang comment mo. Kesa naman sa iba na nagcocomment nga lagi pero "bitin" at "update" lang ang comment.                             





JANINE'S POV:      

          Kasalukuyan kaming nasa QUANTUM ni ERIC nung tumawag ang mommy ni ETHAN,dito ako dinala ni ERIC after nya akong makita kanina na tumatakbo habang umiiyak. Medyo matagal bago ko sinagot yung tawag kasi nga akala ko sya yung tumatawag. Pero dahil hindi ko sya matiis sinagot ko na.                           Nagulat ako kasi Mommy ni Ethan yung kausap ko. Sa sobrang kaba ko napa OO na lang ako nung sinabi nya na pumunta ako sa bahay nila.            

      May sakit daw sya? Naulanan?          

      Hindi ko alam kung paano ako haharap sa mommy nya. Ilang beses ko pa lang naman sya nakikita, tapos ngayon sya pa yung tumawag. Tapos ano na lang iniisip nya na habang nagdedeliryo si ETHAN dahil sa taas ng lagnat eh pangalan ko ang tinatawag? Kahiya kaya..              

      "Janine, pasensya na iha sa abala huh.. bukod kasi sa ikaw yung hinahanap ng anak ko eh wala ding magbabantay sa kanya kasi may kailangan akong puntahan, naipagpaalam na kita kay Joseph na dito ka muna sa bahay magpalipas ng gabi. May mga damit akong inihanda para sayo kaya wala ka na dapat ipag alala. Nakapagluto na din ako kaya si Ethan na lang talaga aasikasuhin mo. Kaya puntahan mo na sya sa kwarto nya. Alis na ako. BYE"                

      Medyo hindi nag sink in agad yung sinabi nya sa akin. After nya akong halikan sa pisingi eh umalis na sya. Pero ilang salita lang yung tumimo sa isip ko.                

  Magpalipas ng gabi dito.      

TAYO NA LANG (Published under Pop Fiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon