Selfless -- 18: Valentine Turpentine.

66 4 0
                                    

(A/N: Yieeee, after months, mag-uupdate na ako. Hihi. :"> Belated Happy Valentines. ;) ♥ Wala kasi kagabing Wi-fi, eh you know naman na tablet lang yung ginagamit ko ngayong mag-UD kasi sira yung laptop ko tapos di magamit yung desktop namin. So yun, medyo nadelay. HAHA.)

Selfless -- 18: Valentine Turpentine.

~isabelleXD

[Ysabelle's POV]

"Ang sweet nila. Gaaah~ Kinikilig ako!"

"Bagay na bagay silaaaa!"

"Bakit lagi silang magkasama? Sila na kaya?"

"Nakakapang-selos naman, taken na siya."

"Baka close lang talaga sila? Bestfriends naman sila e."

"Bestfriends to lovers."

Haaaaaaaay. Kanina pang umaga yang mga comments na yan. Paulit-ulit na lang e.

Sinu-sino ang nag-cause ng comments na yan? Malamang..si...Ren at si Belle lang naman.

Masyado na kasi silang close. Kahit magkaiba sila ng section, feeling ko hindi na sila mapaghiwalay. Bago magstart ang klase, magkasama. Sa uwian, magkasama din sila. Naiinis na nga si Kyla e. Magbebestfriends kasi din silang tatlo kaso parang na-out of place siya dun sa dalawa.

So yun. Naku-curious na nga ako e. I mean, sila na ba talaga? O bestfriends lang? Soon-to-be? Waley na talaga akong pag-asa. Andyan na e. Haha, pinamukaha na talaga sa'kin ni Tadhana.

Hay. Amboring ng buhay. Shete. Ba't tuloy pa din ang story na 'to? Wala na namang nangyayari sa 'kin e.

At dahil nga sa wala na akong magawa sa pagtambay ko dito dahil dismissal na naman, uuwi na lang ako.

Pagkarating ko sa bahay, inalis ko na yung ribbon at I.D. ko sa uniform, pati na rin yung medyas ko. At kumain lang ako. Natural, pagkain lang naman lagi ang karamay ko eh. Hindi ko naman kasi ka-close ang Mommy at Daddy ko. Hindi ako makapag-open sa kanila. Maging kay Leander na baliw kong kapatid ay hindi rin ako makapag-open. Umalis na naman si Menmen nakasama namin sa bahay dahil susubukan nyang maghanap ng trabaho sa Maynila o kaya sa Laguna. So...tanging pagkain lang talaga ang karamay ko sa mga oras na 'to. Wala naman akong pantawag para kausapin sina Hazel, LJ, o Angelica. Unli texts lang talaga ako. Si Titan...bigla-biglang nawawala pero bigla-bigla rin namang sumusulpot at nagpapakita.

At dahil baka tumaba na ako sa kakalamon at walang magawa sa buhay, naisipan kong mag-online. Wala lang trip ko e.

Tiningnan ko yung chatbox. At ang mga online ay sina:

Belle Alberto

● Kenji de los Reyes

● Lance Mariano

● Stephen Cruz

● Naomi Mikael Perez-Cruz

● Chanel Courtney Chua

● Kent Fuentabella

● Reah Rodriguez

● Momoxhien Clarkson-Mnemosyne

● Ren Zico Chan

● Miyuki Sharlot Parco

● Aila Santiez

● Jiro Festin

Nye~ Kabaliw naman ang mga online. Artistahin. HAHA, si Ren at Belle lang masasabi kong ka-close ko dyan sa mga yan. Si Ren at Belle. Sila kaya talaga?

SelflessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon