Chapter 14

2.7K 79 60
                                    

Sa halip na sumagot si Gerald sa tanong ng dalaga ay sumubo na lang ito. Madilim pa rin ang mukha.  Nakabusangot naman siyang pinagmamasdan ni Sarah. Naghihintay ng sagot sa tanong niya. Nakailang subo na si Gerald , hindi pa rin inaalis ni Sarah ang tingin sa kanya.

"Kumain ka na, lalamig na pagkain. Hindi ako galit.... oo na galit ako pero hindi saiyo."

"Kanino?" 

"Sa mundo, kay Jake, sa situation , sa akin, sa sarili ko, siguro saiyo na rin. I don't know, I am just pissed off!"

"Bakit?" 

"Bakit? Dahil nakikita kong apektado ka pa rin ng Jake na yun. Dahil ngayon paĥ lang parang sira na mga plano kong gawin dahil malaki ang posibilidad na darating ang ex mo."

"Ahhh nagseselos ka ganoon?" Nangingiti ng tanong ni Sarah.

"Obvious ba? Hell, akala ko perfect na Holidays ko, hindi pa pala!"

"Eh  bakit ka kasi nagseselos? May karapatan ka na ba?" Pang aasar na tanong ni Sarah sabay subo ng pagkain.

"Wala nga eh, yun ang isa pang dahilan, wala akong magawa, hanggang selos na lang ako gaya ng dati!" Frustrated na sagot ng binata. 

"Pwede ba huwag mo ng dagdagan pa sakit ng ulo ko. Hindi ko nga alam kung paano ko siya haharapin, inaaway mo pa ako." 

"Sweetheart naman, hindi naman kita inaaway. Nakaka frustrate lang ang sitwasyon ko. Kung pwede lang manuntok ako ng tao sa oras na ito ginawa ko na. Bakit ba kasi kailangan pang sundan ka niya dito? Kapal ng mukha ng gagong yun. Kung ayaw mo siyang pakiharapan. just tell me at ako haharap sa kanya."

"Ayaw ko namang mambastos lalong lalo na kung kasama niya pamilya ni Tita Evelyn. Mabait naman sila."  Nanlaki ang mata ni Sarah ng may maalala. "Aha, hindi lang pala ako ang magkakaroon ng bisita. Di ba ex mo din yung anak ni Tita Evelyn? Si Trisha?" 

"Hindi ko siya ex, we went out for a couple of times but that's about it." Mabilis na sagot ni Gerald.

"That's not what I heard the last time they came to visit Tita Elaine. The way Tita Evelyn mentioned you, she is hoping na pag nagkita kayo uli, matuloy na ang naudlot ninyong relasyon ni Trisha."

"Stop it, there has never been a relationship between Trisha and I, we went out a couple of times like I told you. At huwag mong ibahin ang usapan." 

"Hindi lang pala ako ang may problema eh, ayaw pang aminin." Pang-aasar pa rin ni Sarah. 

"Trisha is not a problem to me, I was able to stay away from her,  I can handle her, ikaw kaya mo bang harapin si Jake?"

Yumuko si Sarah, obvious na nag aalangan itong sagutin ang tanong ng kaharap. 

"See , hindi ka makasagot."

"It's not that,  nag aalala akong harapin siyang muli dahil  baka hindi ko mapigil ang sarili ko, makapagbitiw ako ng mga salitang dapat ay sa isip ko na lang."

"For once, pwede ba, tell him what you think of him. Huwag kang matakot sabihin kung ano talaga nararamdaman mo? Wala ka na sa Pilipinas." Hindi na napigil ang sariling bulalas ng binata."

  'What do you mean by that?" Napatayong tanong ng dalaga. 

Napatayo na rin si Gerald. "Masyado kang mabait, ikaw na nga ang niloko, ikaw pa ang nag-aalalang masaktan mo ang damdamin niya dahil sa mga gusto mong sabihin sa kanya na deserve naman niya."

"Gusto mong maging kagaya mo ganoon? Walang pakialam sa damdamin ng ibang tao basta lang masabi ang nasa loob? Magmura kung gusto , to hell kung sino man ang masaktan, at least nasabi kung ano ang gusto? Sorry to inform you , hindi pa ako ganoon, at matatagalan pa bago ako maging gaya mo." Halos maiyak na sabi ng dalaga. Tatakbo sana ito palayo pero napigilan siya agad ng binata.

"I am sorry, I did not mean to upset you. It's just that, I don't want  to  see  you being upset over him. It's killing me."

Nagpipilit na kumawala ang dalaga pero sa halip na bitiwan siya ay lalo pa siyang niyakap nito. "Please don't be mad at me. I am sorry."

Wala ng nagawa ang dalaga kung hindi umiyak na lang sa dibdib ng binata. Hinayaan lang siya ni Gerald hanngang sa humupa ang galit nito at unting huminto sa pag-iyak. Nagtaas ng paningin ang dalaga. Sinalubong ang tingin niya ng titig ng binata. “Sorry din, nag-over react ako. Tama ka naman, kailangang maipakita ko sa kanya na nag move on na ako. Hindinna niya dapat pang makita o maramdaman na naaapektuhan pa niya ako. Dapat maipakita ko na blessings in disguised ang hindi pagkakatuloy ng kasal namin. Dapat makita niyang masaya na ako.”

“That’s my girl! I am here, just say the word and I wont let him near you.” Hindi na napigilan ang sarili at hinalikan ang ulo ng dalaga. “Pasensya ka na, pagdating talaga saiyo nagiging volatile ang emosyon ko.Hindi ko mapigilan ang sarili ko lalog lalo na pag nakikita kong nahihirapan ka.”

Kumawala na si Sarah sa pagkakayakap ng binata pero bago siya tuluyang pinakawalan nito ay pinahid muna ng daliri nito ang mamasa masa pa niyang pisngi. “I swear if he made you cry again…. , “ hindi na naituloy ang sasabihin dahil mabilis na dumampi ang isang daliri ni Sarah sa labi ng binata. “Tama na , huwag na natin siyang pag-aksayahan ng panahon. Like you said, he is not worth it. Halika na tuloy na natin pagkain, gabing gabi na , baka hindi na tayo matunawan niyan kung busog na busog tayo tapos matutulog agad.”

Hinawakan ni Gerald ang kamay ng dalaga at tuluyan ng hinalikan ito. “I love you. Hindi ko naman talaga siya masisisi kung bakit ginagawa niya ang lahat para magkabalikan kayo. Nag-iisa na lang ang gaya mo at ang malaking pagkakamali niya, hindi ka niya pinahalagahan agad agad. Sorry na lang siya dahil nabigyan ako ng pagkakataon na maging ako naman ang maging  maswerte .” Nakatitig sa dalagang sabi nito hindi pa rin binibitiwan ang hawak na kamay.

“Bitiwan mo na ang kamay ko, nagugutom na talaga ako.” Pabirong sabi ni Sarah para maiba na lang sila ng mapag usapan.

Natawa na rin si Gerald lalo na ng maramdaman na siya  man ay gutom na rin. “Hindi ka na galit?”

“Hindi na po,pero tuluyan na akong magagalit kung hindi pa rin tayo kakain now na!”

“Isang kiss muna.” Sabay lapit ng mukha sa dalaga.

Pitik sa tenga ang natikman niya.

“Sweetheart naman, hindi ka na malambing.”

Umupo na uli si Sarah. Naiiling, yun ang isa sa gustong gusto niya kay Gerald, napapatawa siya agad nito. “Kasi naman Babe gutom na ako.” Pinapungayan ng mata ang binata sabay malambing na bumusangot.

“Gusto ko yan, sarap sa tenga, mula ngayon Babe mo na ako at sweetheart naman kita.” Umupo na rin. “Malamig na pagkain natin, teka iinit natin sandali para mas masarap kainin.” Tumayo at  kinuha din  ang plato ng dalaga.  “Sandali lang to, relax ka lang

Habang hinihintay ni Sarah si Gerald na nagpapainit ng pagkain nila, napatanaw ito sa bintana. Nagulat siya na ang dating snow na nakapalibot sa mga punong kahoy na natanaw niya wala pang oras ang nakakaraan ay napalitan na ng yelo. Napatayo ito at pinagmasmang mabuti. Yelo na nga ang nakakapit sa mga sanga ng puno. Bumalik siya sa upuan niya, husto namang pagbalik ni Gerald. “Ang bilis namang naging yelo ang snow. Tingnan mo sa labas , ice na, hindi na snow.”

“Malakas kasi ang hangin at mabilis bumaba ang temperature. Let’s eat para makapagpahinga ka na rin. Hopefully bukas, mas maganda na ang weather, will hit the slopes after lunch para makapagpahinga kang mabuti.”

Nasa kalagitnaan sila ng pagkain ng bigla na lang dumilim. Namatay lahat ng ilaw.

“Ge-----,” sigaw ni Sarah sa sobrang pagkagulat.

Sa Tamang PanahonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon