Hi lovelies! An update! Yehey! Since malapit na ang summer vacay namin, mauupdate ko na 'to frequently. Yehey! \o/

I'm so freaking excited for The Hunger Games kaya naupdate ko 'to bigla. Hahaha! Love love! <3

----------------------

HANNAH'S POV

AFTER THREE DAYS

"Dylan, saan ba tayo pupun--"

"Wag ka na nga magtanong!"

Grabe. nagtatanong lang ako ah! Kailangan niya bang sigawan ako?

Nasa kotse kami ni Dylan. Kakaalis lang namin sa Hawaii at pagkalanding ng private jet nila, hinila niya ako kaagad papasok ng kotse niya. May pupuntahan daw kami.

Grabe, hindi niya ba alam yung salitang 'pagod' at may 'jetlag'?

Pumikit na lang ako at pinilit na makatulog kahit sandali lang.

Dylan... Dylan... Dylan...

ANO BANG GAGAWIN KO SAYO?!

Sa totoo lang, parang ayoko ng maging mabait. Simula ng nakasama ko siya sa Hawaii, parang may masamang hangin na pumasok sa sistema ko kaya lagi na lang akong naiinis, naiirita, at nababanas kapag nagsusungit siya!

Pero hindi ko kasi kayang magalit eh... parang, hindi ako yun? Pero grabe, ngayon ko lang naramdaman yung feeling na malapit ka ng pumitik? Yung isang pagsusungit niya pa, gusto mo na siyang sakalin?

I can't help it. I'm being evil! This. Is. Not. Me.

"FCK HANNAH! GUMISING KA NGA!" dumilat ako sa malakas na sigaw ng driver ko.

Este... husband ko pala. TT_TT

Grabe, nakapikit pa lang ako ginising niya na ako.

"Nasaan na tayo?" tanong ko sa kanya.