Hoho ~! Di ko pa feel mag-update ng ITC 2 kaya eto muna :D
___________________________________________________________
~MARIE's POV~
"Ang galing mo talaga Ms.L'uomo Odia your really a great artist !! Ipagmamayabang ko sa mga amiga ko na ikaw ang gumawa nito " sabi ni Mrs. Careo
"Haha naku salamat po Mrs. Careo , ginawa ko lang naman po ang trabaho ko." sabi ko kay Mrs. Careo.
"Pero salamat parin tingnan mo tong portrait ko oh! ang ganda ko , the best ka talaga sa lahat ng painter sa buong mundo kaya dapat lang na kilala ka ngayon tapos ang humble mo pa napakadown-to-earth mong tao" puri sakin ni Mrs. Careo
"Haha salamat po " sabi ko
"Naku may asawa ka na ba hija?" tanong ni Mrs. Careo
UGH. Sabi ko na nga ba eh dito mapupunta ang usapan na ito.
"Ehh.. wala po single po ako at masaya sa buhay ko ngayon" sadyang diininan ko ang pagbigkas ng MASAYA.
"Ow? Irereto kita sa anak ko , single din yun matagal ko na ngang tinutulak na mag-asawa yun eh pero ayaw pa daw niya bata pa daw siya, pero i think you two will make a great couple" pagtutulak nito sa anak nito sa kanya.
"Ehh , Mrs. Careo okay lang ho , hindi naman po ako nagmamadali bata pa po ako" sabi ko .
"Naku hindi ! dapat magkakilala kayo ng anak ko" pilit nito.
*Beep*
Yes! Save by the text , kung sino man tong nag-text na to maipinta nga ng libre.
From: Jasmin
Hey Girl ! Let's Hang-out dito sa bar ko ! Papunta na sila Ysabel dito.
Wuuuh! I Love You Jasmin!! pagbibigyan na kita sa request mong portrait.
"Ahm excuse me Mrs. Careo i need to go now , Thanks for everything" sabi ko sa kanya at nag-ayos na ng gamit.
"Ha? eh di pa kayo nagkakakilala ng anak ko !" Mrs. Careo
"Maybe next time mam!" sabi ko sabay labas ng pintuan nilang pagkalaki-laki.
Naku! kaya ayokong sa minsan sa mga mamayayamang oldies lagi nalang akong nirereto sa mga anak nila! Ayoko ngang mag-asawa !
Nag-drive agad ako papunta sa bar ni Jasmin.
Ako nga pala si Marie Faro , 25 years old. , Im a painter , a well-knowned painter. Mahal ko nabebenta ang bawat gawa ko pero hindi naman ako ang nag-pe-presyo non kundi ang mga nagpapapinta sa akin. Mahilig akong mag-pinta para sa gallery ko then i-fu-fund raising ko for charities. Pero very private akong tao , kahit na kilala ako sa buong mundo ay wala pa ring nakaka-alam ng masyadong impormasyon sa akin mga mababaw lang na impormasyon ang alam ng tao sakin. Ms. L'uomo Odia ang tawag sakin ni Mrs. Careo kanina dahil codename ko yun, italian word for "Man-Hater" , oo man-hater ako , NBSB ako . Hindi ako pangit nandyan ang piktyur ko sa gilid oh! Kung tutuusin nagsimula lang sa hobby ang pagpipinta ko then napansin ng mommy at daddy ko ang talent ko at pinakita nila ang mga gawa ko sa mga kaibigan nila ayun binili lahat, kaya sinabi sa akin ni Daddy na maging painter nalang daw ako kasi magaling ako dun , wala naman akong reklamo dahil gusto ko din yon. Naging sikat nga pala ako dahil isinali ako noon ng professor ko sa isang painting contest worldwide ang contest kaya dapat talagang magagaling lang ang isasali so ako ang isinali and luckily ako ang nanalo kaya ayun nag-tour ako around the world at nagsimula ng pangalan pero gumamit nga ko ng codename isa sa dahilan ay upang hindi ako maligawan ng mga lalaki , epal lang sila sa buhay.
Narating ko na din ang bar ni Jasmin kung tutuusin hapon pa lang pero dahil kaibigan namin ang may-ari ay hindi pa opening time ay nandun na kami.
Add to your private library
My LibraryAdd this story to your public reading lists