Previous Page of 2Next Page

Kaimito, The Punishable Dwarf

Dedicated to
UneXpectedDreamer
spinner.gif

Inutusan si Mariz nang kanyang Inay Nelita na tumungo sa bahay ng albularyong si Ka Yoyong upang tawaging ito. Subalit na "change of mind" ang dalaga sa iminungkahi ng duwendeng si Kaimito. At ngayon patungo na sila sa kagubatan kung saan naruon ang tahanan este! punso ng duwendeng sumumpa kay Mang Sixto!

 "Kaimito, bakit ka nandito sa mundo namin? Wala ka bang tirahan at duon ka nakahiga sa kwarto ko kagabi?" tanong nito sa duwendeng nakasakay sa balikat niya.

Natawa ang duwende sa sinabi ni Mariz..

"At saka, ano nga pala yung Lungga at Punso?" tanong nito muli sa kanya. "Magkaiba ba sila?" Nagkakainteresado na ang dalaga sa duwende dahil naniniwala siya sa mga mitolohiya kagaya ng mga duwende, aswang, kapre at iba pa. Siguro'y dahil na rin sa inay niya na naniniwala rin dito.

Bago sumagot si Kaimito, umubo muna siya upang maalis ang bara-bara sa lalamunan hanggang nagsimula na nga ito. Sinabi niya rin kung paano siya napunta sa mundo ng mga tao ay dahil pinatapon siya sa kasalananang hindi niya naman ginawa.

"De ano ang plano mo ngayon?" tanong nito sa duwende na para bang nagtataray. "Titira ka ba sa amin? Kaya pala naubos ang pagkain namin ay dahil sa'yo!" bulalas nito habang naglalakad sila sa kagubatan.

"Pasensya naman. Nabasa kasi ang mga lamang pagkain ko sa bag kaya ako nanghinain sa inyo." dispensa nito na nakasakay sa balikat ni Mariz.  "Hindi ko nga alam kung paano makabalik duon. Pero baka alam ng mga duwendeng naglaro sa itay mo kung paano ako muling makakabalik sa Lungga. Sa katotohanan nga dapat sa Canary ako ipinatapon." 

"De dapat duon ka na ipinatapon!" hasik nang dalaga sa maliit na nilalang.


"Huwag mo namang sabihin iyon Mariz. Lugar iyon kung saan ipinatatapon ang mga duwendeng lumabag sa batas. Sabi raw nila impyerno raw ruon pero laking gulat ko na ipinatapon ako sa mabaho, matubig, at delikadong lugar na 'yon!" sinasabi niya iyon na may sobrang takot tuwing naalala pero laking ginhawa niya pa rin na nagkamali sa pagpapatapon sa kanya ang matanda. 

"Canary??? Baka ang sabihin mo-" naputol ang sinabi nang dalaga dahil sa kung anong natapakan niya. Malambot iyon. Hindi ito mabahong bagay na kung saan se-swertihin ka. Kundi, punso. Nagulat sila! Lalo na talaga ang dalaga, bakas sa kanya ang takot na baka sumpain din siya ng duwende kagaya ng kanyang itay. "Tabi tabi po mga nuno! Wag niyo akong sumpain, pakiusap!" 

"Mariz, kalamahin mo ang loob mo." pinapakalma ni Kaimito ang dalaga. "Sa totoo lang hindi mo naman kasalanan. Bakit naman kasi sila nagtatayo ng punso sa nadaraanan na lugar? Pwede namang magtayo sa tabi. Ibaba mo nga ako." utos nito sa dalaga.

Nakababa na ang duwende at agad na tiningnan ang punsong aksidenteng natapakan ng dalaga. "Hintayin mo ako, ha.." sabi ni Kaimito sa kanya. Ilang saglit nawala na ito sa paningin ni Mariz, nakasok na kasi ito sa punso. 

Ilang sandali ang nakalipas, nakalabas na ang maliit na nilalang at ang sabi niya sa dalaga habang umiiling-iling pa ito. Bakas sa babae ang kaba, takot, at awa narin dahil baka namatay ang mga naninirahan duon dahil sa pagtapak niya sa punso. "Wala na..."  ani Kaimito. Dito na bumuhos ang luha ni Mariz pero bago muna umagos yuon ay tinapos ni Kaimito ang kanyang nakita sa punso. "Wala na ang nakatira ruon sa punso!" 

"Ano???!!!" gulat na sabi ng dalaga sa kanya na humahagulgol sa tawa. "Akala ko wala na sila, pailing-iling ka pa kanina!!" hasik nito sa loko-lokong duwende. "Handa na nga ang luha ko" dagdag pa nito.

"Pasenya naman. Mukha ka kasing seryoso diyaan kaya pinatawa lang kita." katwiran nito.

"Salamat pero hindi ako natawa." sabay taas-kilay nito sa duwende.

"Pasensya na po.Huwag kang mag-alala, Mariz. Mukhang abandonano na ang punsong iyon." 

"Talaga!" napalitan ng saya ang ekspresyong kanina'y kabang-kaba matapos marinig ang sinabi nang maliit na nilalang sa kanya.

"Swerte ka, abandonado ang punsong naapakan mo." naka-ngising asar nito sa dalaga na ikinapikon niya.Sobrang loko-loko talaga ito kaya naman nakatanggap ng bukol matapos itong batukan ni Mariz gamit ang daliri.

"Aray! Sa ginagawa mo, maari na kitang sumpain!" pananakot nito sa dalaga. Pasalamat ka maganda ka. Bulong nito sa kanya na bahagyang namula nang nilingon niya ang mayuming mukha ng dalaga. 

Dumaan na ang sandali'y nakarating na sila sa punsong aksidenteng naapakan ni Mang Sixto na nagdulot sa kanya ng sumpa mula sa "nunong mapayat" daw ayon sa albularyong si Ka Yoyong. Sobrang rami ng punso sa lugar na yuon na tabi-tabi mayruong malalaki, katamtaman, at maliliit na punso.  "Parang kaharian ang punso na 'to." manghang sabi ni Kaimito.

"Di ba nakapunta na ikaw kagabi rito?" tinutukoy ng dalaga ang pag-alay nila kagabi sa nuno.

"Madilim kaya, kaya hindi ko nakita." dahilan nito. "Hindi kaya, Lungga ito!?" 

"De makakauwi ka na sa Lungga mo!" sabi niya rito habang natatawa sa biro niya na siya lamang ang natatawa. 

Previous Page of 2Next Page

Comments & Reviews (3)

Login or Facebook Sign in with Twitter


Vote library_icon_grey.png Add

Multimedia

Who's Reading

JoanMyger xoJuliexo MarizBajado pikachumamon19 UneXpectedDreamer

Recommended

Fallen Wing - Ang makasalanang sandataChanging (On-going)Magic Arms: DesolationSalamangkero! (On-hold)