I. Kuya (Kathryn)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Mabilis lang kaya kaming nag-usap. Ba't ba ang taray mo? Nilibre ka na nga ng ice cream tapos susupladahan mo pa ako!" bulyaw ni kuya.

"Eh ano bang pinagusapan niyo?!" sigaw ko.

"Eh ba't ka ba interesado?!" sigaw pabalik ni kuya.

"Eh ba't ayaw mong sabihin?!"

"Eh ba't ka ba nangingialam?!"

"Eh ba't ka ba sumisigaw?!"

"Eh ba't ka rin ba sumisigaw?!"

Nagkatitigan kami ni kuya sandali at bigla kaming natawa sa inaasta namin. Para kaming mga bata. Konting bagay, pinagaawayan. Ganito kami palagi. Pero never lumampas ng isang araw ang away namin ni kuya. One hour ang pinakamahaba.

"Kuya naman eh! Ilagay mo na nga sa freezer 'yung ice cream. Mamaya ko na kakainin." pautos kong sabi kay kuya at tinarayan siya ng tingin.

Ngumisi lang siya at hinila ako papunta sa kusina.

Nilagay niya ang mga ice cream sa freezer.

"Kuya, ano kasing sinabi sayo ni Gela?" tanong ko. Nacu-curious talaga ako!

"Pinapapunta niya tayo sa bahay nila bukas kasi may party. Pero tumanggi ako kasi pupunta tayo kanila lola." paliwanag ni kuya.

PUPUNTA KAMI KAY LOLA?!

"Pupunta tayo kanila lola? Talaga?!!" patalon-talon kong tanong.

Ngumisi si kuya. "Kakasabi lang, eh. Magbabakasyon daw muna tayo doon habang may tinatapos pa sila mama at papa sa ibang bansa. Mamayang gabi na alis natin."

"Yey!!!! Ilang araw ba tayo kay lola?!" Feeling ko naiinis na sa akin si kuya kasi umaariba na naman ang pagkahigh pitch ko.

"Isang linggo tayo doon kaya maligo ka na kasi dadaan tayo sa SM para bumili ng mga damit." paliwanag ni kuya.

Hindi ko na siya pinansin at tumakbo papunta sa kwarto ko para maligo. Grabe! Naeexcite na ako. Masaya kasi kanila lola. Meron siyang sariling beach resort kaya pwede kaming magswimming anytime ng hindi nagbabayad. Oo, ganun kayaman si lola. Noong bata pa kasi siya, hindi niya naranasan ang mga ganung bagay. Kaya nagwork siya para matupad ang mga pangarap niya. Basta ang ganda sa lugar ni lola, Tapos sobrang kalma ng aura kay lola kasi probinsya.

Naligo na ako at pagkatapos ay nagbihis. Pants at simpleng shirt lang ang sinuot ko. Pagkababa ko ay nakaupo si kuya sa sofa at inaayos ang kanyang sapatos.

"Kuya, sinong maghahatid sa atin?"

"Si Mang Pio. Nandiyan na siya sa labas. Tara na!" sabi ni kuya at hinila ako palabas.

Nakashorts si Mang Pio at nakasando! Hanep. Summer na summer ang outfit. "Ayos porma natin, Mang Pio ah." nakangiti kong sabi kay Mang Pio.

"Sasama rin kasi ako sa inyo sa probinsya. Kaya nagOOTD na ako." nakangiting sabi ni Mang Pio at nagpogi sign pa.

Wahahahahaha! Malakas na tama ni Mang Pio.

Pagkadating namin sa SM, "Osha, balikan ko nalang kayo mamaya. Magiimpake na ako ng mga damit. Hehehehe." sabi ni Mang Pio at nagdrive na paalis.

Pumunta kami sa department store ni kuya.

"Yung iyo muna ang bilhin natin. Mamaya, baka bumili ka ng two piece-," Bago pa man matapos ni kuya ang sasabihin niya ay inunahan ko na siya.

"Hindi ko naman ipapakita ang kasexy-han ko, kuya."

"Hindi pa ko tapos sa sasabihin ko! Wag kang magtwo piece kasi baka mawalan ng customer si lola kasi may tinapay na nakatwo piece." nakangising sabi ni kuya.

Pusang kinalbo, nangaasar na naman.

"Tse! Wala akong pake kung flat ang hinaharap ko!!!" sigaw ko at naglakad papunta sa mga swimsuit. Hindi 'yung two piece. Yung shorts at sando lang.

Kumuha ako ng pink shorts, navy blue shorts, floral shorts, white sando, black sando, yellow sando at isang mahabang dress na stripes.

"Hoy, hoy, hindi mo ba yan susukatin?" tanong ni kuya.

"Eh natantiya ko naman. Kasya 'to sa akin!" sabi ko kay kuya. "Okay na ko dito, kuya. May iba pa naman akong damit sa bahay. It's your turn naman!"

Pumunta naman kami sa mga panlalake. Hindi si kuya ang pumipili ng mga suot niya. Baduy kasi siya! Wahahaha. Kaya ako ang pipili ng mga susuotin niya para sa bakasyon.

Hmmm. Kumuha ako ng beach shorts na navy blue at green. Pagkatapos, kumuha ako ng sando na white at black. "Sukatin mo 'yan, kuya!"

Wala nang magawa si kuya kaya pumunta siya sa fitting room. Medyo nainip ako kaya naglibot-libot ako kasi baka may makita pa akong maganda para kay kuya. Habang naghahanap ako, may tumamang stress ball sa ulo ko.

Pusang kinalbo, ang sakit sa noo.

"Uwaaa, miss, sorry po!!" Tiningnan ko kung sinong nakatama sa ulo ko.

HOLLY MOLLY ANG CUTE NAMAN NG LALAKENG TO

"A-ayos lang. Wag ka nalang maglaro dito. Baka makatama ka pa ulit." sabi ko sa cute na lalake. Ang cute-cute niya, para siyang teddy bear.

"Okay, okay, sorry ulit!" saad niya at patakbong umalis.

Uwaaaa, uwaaaaa, para siyang bata umasta!

Pero parang ka-age ko lang siya. >__________<

"Kasya 'tong lahat. Bayaran na natin." Nagulat ako kasi tapos na pala si kuya.

Pumunta na kami sa cashier para magbayad. Pagkatapos naming magbayad ay tinext na ni kuya si Mang Pio para magpasundo. Habang naghihintay, kumain muna kami sa food court.

"Sino yung lalakeng kausap mo kanina?" seryosong tanong ni kuya.

HUHUHU NAKAKATAKOT SI KUYA, ANG SERYOSO

"Tinamaan kasi ako ng nilalaro niyang stress ball kaya nagsorry siya sa akin." nakayuko kong paliwanag kay kuya. Kung nakakamatay ang tingin, kanina pa ako patay.

Biglang ngumiti si kuya. "Ah. Akala ko kung ano na! Kakausap lang natin kanina, ah."

Ang bipolar ni kuya, parang sira.

"Oo nga, kuya. Hindi nga ako magboboyfriend! Wala pa sa isip ko 'yun." sabi ko.

"Good. O, nandiyan na si Mang Pio. Tara na, magiimpake pa tayo." sabi ni kuya.

@kitkath
"Summer!! :)"'



END OF CHAPTER ONE
Thank you po sa pagbabasa!

Fifteen SecondsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon