"Kanina pa siyang tanghali tulog, gigisingin ko nga sana dahil hindi pa kumakain, eh ang kaso mukang tulog na tulog naman." paliwanag niya.

"Ganun ho ba? Sige Nang, ako na lang ho ang gigising sa kanya.Pahinga na kayo."

Tumango lang ang matanda at pagdaka'y nagpaalam na itong umalis. Hindi ko mapigilang hindi sundan ito ng paningin habang naglalakad palayo. Masyado ng matanda si Manang Elly para ma-stress ng ganun. Ano ba talagang nangyayari dito? Napabuga na lamang ako ng hangin.

Ah Nevermind.

Agad ko ng pinihit ang doorknob ng pinto at maingat iyong binuksan. Pagkapasok ko sa loob ay sumalubong agad sakin ang isang malawak na canopy bed kung saan nakahiga at natutulog ang tila Helen of Troy sa ibabaw noon. Tulog na tulog si Allison na siya namang nakapandagdag sa appeal nito. Napaka-inosente ng itsura nito kapag natutulog, parang walang kamuwang-muwang sa mundo. Naglakad ako palapit dito nang hindi inaalis ang pagkakatitig sa bawat anggulo ng kanyang mukha. What a goddess.

Umupo ako sa tabi niya at maingat na hinaplos-haplos ang kanyang buhok. Habang ginagawa ko 'yun ay hindi ko na naman napigilang hindi magalit sa isinulat ng kapalaran sa buhay ko.

Ibinigay nga nila sakin ang lahat ng mga bagay na gusto kong mangyari sa buhay, ang talento, ang pangarap ko, at ang tinatamasa ko ngayong kasikatan. Halos nasa akin na ang lahat pero pakiramdam ko hindi pa rin sapat, may kulang pa rin sa buhay ko na hindi ko makuha-kuha hanggang ngayon.

Si Allison. Ipinagdamot nila sakin na makasama ang babaeng 'to gayung alam naman nila kung gano ko siya kamahal. Bakit imbis na sakin, sa iba pa siya napunta, bakit dun pa sa tao na walang ginawa kundi ang paiyakin at saktan siya ng paulit-ulit? Why life is so unfair?

Natigilan ako nang bahagyang gumalaw ang kanyang kamay, nagising na yata. Mabilis kong tinanggal ang isang palad ko sa buhok niya, mahirap na baka mapagkamalan niya akong tsinatsansingan siya.

Hirap na iminulat niya ang kanyang mga mata kasabay ng kanyang paghikab. Mag-iinat pa sana siya ang kaso natigilan siya ng makita ako sa harap niya, natutuwang ngumiti ako sa kaniya.

"Baka pasukan ng gagamba 'yang bibig mo babygirl."

panloloko ko ng matulala ito sakin habang nakanganga, naudlot yata ang paghihikab nang makita ako. Dali-dali ay napabangon siya at nanlalaki ang mga matang tinitigan ako.

"H-Hoy!"

sigaw niya habang tinuturo ako.

"Hoy ka rin."

sagot ko na hindi alintana ang pagka-sorpresa at pagkabahala ng mukha niya.

"Anong ginagawa mo dito? Ano ka ba bakit ka pumasok dito! Labas!"

nagpapanic na sabi niya. Napansin kong maya't-maya ang ginagawa niyang pagsilip sa pintuan na para bang natatakot siya na baka may ibang makakita sakin dito sa loob.

Hindi man niya sabihin ng deretso ay alam kong iniisip niya na baka pag-isipan siya ng masama ni kuya kapag nakita ako non dito kasama siya. Iniisip niya pa rin ang mga bagay na 'yun, umaasa pa rin siya na may pakialam pa sa kanya si kuya, hindi na talaga siya nadala.

Imbis na umalis ay lalo lang akong nanatili sa loob. Tinanggal ko ang sapatos ko at saka walang paalam na humiga ako ng prente sa kama. Hinila ko ang kumot at ibinalot ko sa katawan ko na para bang akin ang silid na 'to. Pumikit ako para magkunwaring inaantok.

"Masahihin mo nga ulo ko babygirl. Aish...alam mo bang napagod ako sa meeting kanina."

pagpapa-awa ko.

"Yohan!"

naiinis na sigaw niya.

"Dali na babygirl, patulugin mo ko. Oh kung ayaw mo naman......"

A Wife's One-Sided Love (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon