NinjaPub FAQs

1.3K 41 24
                                    

Basahin po muna lahat ng nandito bago magtanong. Salamat.

Q: Para kanino at para saan ang Ninja Pub?
A: Ang Ninja Pub po ay para sa mga taong nangangarap na maging isang ganap na libro ang kanilang mga kwento o akda. Itinaguyod ito para magbigay pasasalamat sa mga tao sa likod ng tagumpay na nakamtan namin (Nayin at Hanj) at para din matulungan ang mga tao sa pagtupad ng kanilang pangarap.

Q: Saan maaaring magpasa ng manuscript?
A: Pwedeng ipasa sa mga e-mail address na ito: hanjaceveda@yahoo.com.ph o sa nayinmae@yahoo.com. Pwede niyo ring ipasa sa mismong page namin sa facebook, http://www.facebook.com/nayinhanj.pub

Q: May criteria po ba kayo sa pagtanggap ng mga manuscript?
A: Wala. Lahat ng manuscript ay tinatanggap namin.

Q: Pwede po bang magpasa ng compilation ng one-shots o poems?
A: Pwedeng-pwede.

Q: Pwede po ba ang fan fiction?
A: Pwede po dahil independent publisher lang naman kami. Pero kung may mag-offer sa’yo na publishing company, kailangan niyong baguhin ang pangalan ng mga karakter.

Q: Sino ang magpo-provide ng cover?
A: Pwedeng kami o kayo. May mga illustrators kami na pwedeng gumawa ng book covers. Pakitingnan ang price list para sa mga halimbawa at presyo ng mga book covers. Kung kayo naman ang gagawa, tandaan na hindi pwedeng kumuha sa internet ng mga pictures para hindi makwestyon ang copyrights. Siguraduhin din na 300 ang resolution ng JPEG file ito at sakto ang sukat nito sa book size na gusto niyo.

Q: Magkano ang aabutin ng expenses?
A: Ang mga prices ay makikita sa NinjaPub Prices sa My works (view our profile) O kaya’y tignan niyo na lamang sa aming facebook page. Depende ang price sa number of pages ng formatted manuscript. Mahirap mag-estimate o tantiyahin ang magagastos niyo hanggang hindi napo-format ang inyong akda.

Q: Ano ang minimum order required?
A: 5 po ang minimum orders required.

Q: Kapag ba mas mababa sa 50 pages, ang price ay pang-50 pages pa rin?
A: Oo. Sina-suggest namin na sana ay higit pa sa 50 pages ang magiging pages kapag naka-format nas a book dahil masyadong manipis at hindi masyadong magandan tingnan kung 50 pages lang.

Q: Paano kapag edited na ang manuscript? Kailangan pa ba naming magbayad for editing fee?
A: Kung sa tingin niyo ay maayos na ang manuscript niyo at na-proofread na rin ito ay hindi niyo na kailangang magbayad. Pero kung pinili niyong hindi ito ipa-edit sa amin ay wala po kaming obligasyon sa mga kakalabasang typo errors sa aktwal na libro sapagkat hindi na namin ito na-edit pa o na-proofread. Ganito rin ang kondisyon sa pagfoformat ng inyong manuscript.

Q: Ang number of pages ba ay ‘yung format sa MS Word o ‘yung format ng mismong libro?
A: ‘Yung format ng mismong libro ang pagbabasehan namin ng number of pages.

Q: Nag-ooffer po ba kayo ng hardbound?
A: Hindi po. Paperback lamang ito.

Q: Magkano ang magiging selling price?
A: Kayo po ang bahalang magdesisyon sa selling price. (TIP: May dalawa kayong option sa pagbabayad sa’min. Maaaring kayo muna ang mamuhunan sa pagpapagawa ng libro at saka niyo ito ibenta. O ‘di kaya’y alamin niyo muna kung sino ang willing bumili sa inyo saka kayo magpagawa sa’min.)

Q:  Kanino mapupunta ang copyrights ng libro?
A: Sa inyo pa rin ang copyrights. Wala kaming kukunin, kagaya ng aming sinabi, taga-print niyo lamang kami.

Q: May ISBN po ba?
A: Pinagbawalan na ng National Library ang pagbibigay ng ISBN sa mga independent publisher. Pero kung may kaya kayong magbayad para magkaroon ng ISBN ang inyong libro, sariling proseso po iyon. Kayo mismo ang maglalakad noon, magpapasa ng mga requirements, magbabayad ng mga gagastusin.

Q: Available po ba ito sa mga bookstores?
A: Hindi. Ang self-publishing house ay kaya lamang mag-provide ng mga limitadong bilang ng libro.

Q: Paano maiaabot ang bayad?
A: Pwede kayong magbayad sa aming bank account, o sa LBC.


Ang iba pang katanungan ay maaari niyong isangguni sa Ninja Pub Facebook Page. facebook.com/nayinhanj.pub

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 10, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

NinjaPub FAQsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon