Dedicated kay Paula Andrea =)
Ch.70 - On A Date
"You.."
Agad akong tumahimik nang marinig ko ang boses nya.
"look really beautiful.."
Unti-unti syang humarap sa akin.
Napasinghap ako at napatakip ang dalawa kong kamay sa bibig ko.
"in that dress..." ngumiti sya
Tumingin ako sa pares ng mga mata nya. Ang mga mata na hinding hindi ko makakalimutan kahit na ilang bwan o taon pa ang dumaan.
Halos hindi ako makahinga sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa pagharap sa taong hindi ko nakita nang lagpas kalahating taon.
"Miracle," pagtatapos nya.
Hindi ako makapagsalita.
Nakatingin lang ako sa kanya.
Hindi ako makapaniwala na nandito na sya sa harap ko.
Sa sobrang daming emosyon na nararamdaman ko hindi ko na alam kung ano ang mas nangingibabaw.
Nanghihina ako. Parang anumang oras ay bigla nalang akong babagsak.
Nandito ba talaga sya sa harap ko ngayon o nananaginip lang ako?
"Timothy.." napasinghap ako
Sya nga. Sya nga talaga ang nasa harap ko ngayon.
Nananaginip ba ako?
"Mommy I'm sleepy," napatingin ako kay Angelo
Kinukusot na nya yung mata nya.
Kailangan kong ihatid si Angelo sa kwarto nya.
Napatingin ako kay Timothy na nakamasid sa amin.
"I'll wait," sabi ni Timothy
Tumango ako.
Binuhat ko si Angelo at pumasok kami sa loob ng hall. Nandon parin yung mga tagapaglinis.
"John," tawag ko sa butler
"Yes Miss?" agad syang lumapit sa akin
"Pakihatid si Angelo sa kwarto nya," ibinigay ko sa kanya si Angelo
"Yes Miss"
Umalis na sya.
Napahawak ako sa ulo ko. Si Timothy. Nandito sya.
Agad akong bumalik sa veranda at nakita na hindi sya umalis sa pwesto nya kanina.
"Come here Wifey," minotion nya yung kamay nya sa akin
Wifey?
Tinawag nya akong Wifey.
My heart skipped a beat.
Matagal na rin simula nang may tumawag sa akin nang ganon.
Mabagal akong lumapit sa kanya habang nakatingin nang diretso sa mga mata nya.
At nang nasa harap na nya ako tinitigan lang nya ako.
"Timothy," hinawakan ko ang kamay nya "Totoo nga, nandito ka"
Napaiyak ako. Nandito nga talaga sya sa harap ko.
"Yes Miracle I'm here," hinaplos nya ang pisngi ko "And I can see how beautiful you are right now"
"Timothy," agad na bumuhos ang luha ko
Sobrang saya ang nararamdaman ko dahil naging matagumpay ang operasyon nya. At ngayon nakabalik na sya.
"Your hair is longer," hinawakan nya ang ilang hibla ng buhok ko
"Sabi mo kasi mas gusto mo ang ganito sa'kin"
Ngumiti sya.
"I missed you" sincere na sabi nya
Ngumiti ako habang pumapatak ang mga luha ko.
Niyakap ko sya nang mahigpit.
"Timothy" hikbi ko "Bakit ngayon ka lang?"
Hindi sya sumagot.
Niyakap lang din nya ako nang mahigpit.
Hindi nga ako nananaginip.
Bumalik na talaga sya.
Bumalik na si Timothy.
"It's okay now Wifey. I'm back."
***
Bumalik na si Timothy at hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala. Pagkalipas ng napakahabang panahon, nandito na ulit sya.
Pero bakit hindi ko parin magawang maging masaya nang tuluyan?
Dahil ba sa naguguluhan ako?
Dahil noon sigurado ako na kahit ano pa man ang mangyari alam ko na sya lang ang mamahalin ko pero...